“You’re drunk,” naiiling kong sabi nang salubungin ko si Enver pagpasok pa lang niya sa aming tahanan. “Again.”
Hindi ito ang una niyang paglalasing kaya kahit masama ang aking loob ay hindi na ako nagsalita pa at inalalayan na lamang siyang makapasok.
Idineretso ko siya sa aming silid dahil hindi na din naman niya kayang tumayo ng mag-isa at nang maihiga ko sya ay isa-isa kong inalis ang kanyang mga sapatos medyas.
Saglit muna akong bumaba sa kusina at kumuha ng isang maliit na planganita na may lamang maligamgam na tubig at bimpo tsaka bumalik sa kwarto.
Inilapag ko iyon sa side table pagkuwa’y sinimulan ko namang hubarin ang lahat ng suot na damit ni Enver.
“En, stop resisting,” inis kong sabi dahil nakikipag-agawan pa siya sa akin sa damit niya. “Pupunasan lang kita.”
“I can manage,” aniya. Pero hindi naman siya tumatayo kaya nakikipagpilitan pa din akong alisin ang kanyang mga damit.
At isang malalim na hininga ang pinalabas ko nang tuluyan ko siyang mahubaran matapos ang pagiging makulit niya.
Well, sanay na naman ako dahil sa halos anim na buwan ay ganito ang gawain namin tuwing gabi na uuwi siya ng lasing.
Naupo ako sa gilid ng kama at sinimulan na punasan ang kanyang mukha pababa sa kanyang katawan.
“You already told me that you will stop drinking too much alcohol,” mahina kong sabi. “Kakagaling mo lang sa sakit noong nakaraan tapos heto ka na naman.”
Hindi siya sumagot kaya bumuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa kanya.
Enver and I were once schoolmates when we were in college. Hindi kami pareho ng course pero madalas kaming magkita sa library kung saan kami nagre-review kapag may examination.
We always shared a table and often talked about a certain topic in the books that we were reading back then.
Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. At tulad ng madalas mangyari sa isang babae at lalaki na laging magkasama, pareho kaming na-fall sa isa’t-isa.
He courted me and I said yes to him within just a month.
Ang sa akin naman kasi, kung talagang mahal niya ako ay lagi niya pa rin akong liligawan kahit kami na.
And he did.
He showed me how much he loves and cares for me. Hindi lumipas ang araw na hindi niya nasasabi kung gaano niya ako kamahal. At hindi iyon nawala kahit ilang taon na ang lumipas.
He was three years older than me so he finished his studies earlier. But that doesn’t change anything in our relationship even though we started to rarely see each other because we are not in the same school anymore.
Until he asked me to marry him right after I graduated from college when I was 20 years old. And I didn’t think twice and accepted him because I knew that he would really take care of me for the rest of our lives.
And I am willing to do the same for him.
But since he was still busy with his work, we rarely saw each other even when we got married.
I lived in the house that he provided for us. While he mostly stayed at the hotel where his work called him.
At naiintindihan ko naman iyon dahil nagsisimula pa lang siya sa pagma-manage ng family business nila kaya kailangan niya na laging nasa site para masiguro na magiging maayos ang lahat.
Besides, hindi naman siya nagkulang ng paglalaan ng oras para sa akin.
Tumatawag siya paggising pa lang niya at magkausap kami habang sabay na nag-aalmusal. Ganoon din sa tanghali tuwang lunch break at maging sa aming hapunan. At bago matulog.
Nakikita ko ang lahat ng effort niyang iyon kaya sino ba naman ako para maghangad pa ng sobra gayong natutugunan niya ako ng atensyon na kailangan ko bilang kanyang asawa.
At nang tuluyan na niyang mapag-aralan ang lahat tungkol sa kanilang kumpanya, dalawang taon matapos ang aming kasal ay tuluyan na siyang umuwi sa akin.
Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil sa wakas ay makakasama ko na din sa iisang bubong ang aking asawa.
Iyon ang pagkakataon na naiparamdam namin kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa. At kung paano namin inaalagaan ang isa’t-isa kahit pa pareho kaming mayroong trabaho.
Hindi kami nagkulang at talaga namang hinihigitan pa namin ang pag-aalaga sa bawat isa habang lumilipas ang araw.
Pero…
Muli akong bumuntong hininga pagkuwa’y kinumutan siya matapos kong mapunasan ang kanyang buong katawan. Itinabi ko na din ang palangganitang may lamang tubig sa loob ng banyo at napatitig kay Enver na mahimbing na ngayong natutulog.
Anim na buwan na ang nakakalipas ng magsimula ang gabi-gabi niyang paglalasing.
At first, iniisip ko na normal lang iyon dahil matagal-tagal din niyang hindi nakakasama ang mga kaibigan niya. Kaya naman hindi ko binigyan ng kahit na anong kahulugan at iniintindi ko na lamang.
Ngunit sa bawat paglipas ng araw ay nagsisimula nang magbago ang kanyang pakikitungo.
Laging mainit ang kanyang ulo kahit sa simpleng pagtawag ko lang sa kanyang cellphone. At hindi na din siya nagpapaalam sa akin tuwing aalis siya papasok sa kanyang trabaho o kaya naman ay may lakad sila ng kanyang mga kaibigan.
At kapag naman kinakausap ko siya tungkol sa mga pagbabago niya ay lagi lang niyang sinasabi na masyado lang akong nag-iisip.
He insisted that maybe I was just overthinking again on things.
But I know there is really something going on.
And I can’t even do anything to find what might be the reason behind all of these changes in him.
Napailing na lang ako at nahiga na sa kanyang tabi.
Wala naman kasing magagawa ang pag-iisip kong ito kaya mas mabuti pang magpahinga na lang muna ako dahil may trabaho pa din ako bukas.
Kapipikit ko pa lang ng aking mga mata nang biglang humarap sa akin si Enver kasunod nito ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.
At dahil sa yakap niyang iyon ay unti-unting nawala sa isip ko ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya nitong mga nakaraan.
Kaya niyakap ko nalang din siya.
Ngunit ilang sandali lang ay sinimulan na niyang halikan ang aking leeg kasabay nang paggala ng kanyang kamay sa iba’t-ibang parte ng katawan ko.
Akala ko ba ay tulog na ang lalaking ito?