Happy Fiesta Tora's POV Araw ngayon ng fiesta at mamayang gabi ko gagawin ang aking plano na pasukin ang mansion ng mga La Grosa. Naglalakad lakad ako ngayon sa plaza upang pagmasdan ang mga booth ng bawat bayan na kasali sa gaganaping pakain mamaya at sa may bandang stage ay naroroon na ang banda at tumutugtog. Nakagawian na tuwing fiesta na magsuot ng puting damit. Nakasuot ako ng isang puting maxi dress na binagayan ko ng white 2 inches sandals. Napahinto ako ng kita ko si Don Enrico at Enrique na abala sa isang booth. Nagtungo ako doon para kahit papaano ay makatulong sa kanila. "Maganda umaga sa inyong lahat." Bati ko. Naunang lumingon sa akin si Don Enrico at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Magandang umaga rin sayo magandang binibini. Nag-almusal