Harana Tora's POV Hindi ko na muling nakita pa si Enri pagkatapos nun. Maaaring marami siyang ginagawa at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya sa oras na magkaharap uli kami. Nandito ako ngayon sa isang kwarto hinihintay ang pagdating ni Don Enrico dahil katulad ng sabi niya kailangan kaming mag-usap ng masinsinan. Umayos na ako ng dumating na si Don Rico. "Kamusta ka na Vittoria?" Agad niyang tanong ng kaupo na siya at nagkaharap na kami. "Maayos naman po ako." Tipid kong sagot. "Tatlong taon nang nakakaraan ng huli kitang makita ang look at you now. You grow up into a very fine young lady." "Masanay na po kayo." Madalas na akong nakakatanggap ng mga papuri kaya hindi na bago sa akin ang mga sinasabi ni Don Rico. Ngumiti naman siya sa akin. Biglan