KABANATA 1

1008 Words
KABANATA 1: "W-what?" hindi makapaniwalang sambit ko. Saglit akong nawalan ng poise pero agad na nakabawi. "We both know that it's not easy to earn money these days. It's a win-win situation, Matilda. Make him fall for you and leave him. If you do that, I'll give you the money. Mas maaga mong magagawa, mas maaga mong makukuha ang pera. Ano sa tingin mo?" aniya. Napakurap-kurap ako. Hindi ko maintindahan na sa lahat ng p'wedeng kondisyon niya bakit 'yan ang gusto niyang ipagawa sa akin. I have no interest with Charles Han. Matagal ng may alitan ang pamilya namin kaya nga walang Royal Bank sa mismong mall niya dahil banned kami. "How about just putting an interest in it? Babayaran ko na lang within 5 to ten years?" Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ibinaba niya ang kamay na may cheque at mabilis na nilagay sa drawer. "I thought you'd do everything for money," aniya sabay baling sa akin. Nagtagal ang mga mata ko sa drawer kung kung saan binalik ang cheque. "But we're not in good terms. I mean matagal ng may alitan ang pamilya namin. We're banned from their malls and other properties. Imposible 'yong pinagagawa mo. Charles Han is also a snob. Walang interes sa babae—" He cut me off. "Are you saying you can't tame him? That's why I chose you. Consider this as a challenge, Matilda. Akala ko pa naman mahilig ka sa gano'n? I guess you have someone to ask for help. P'wede ka ng umalis," aniya at nagulat ako na doon lang matatapos itong pagkikita namin. "Wait!" Napatuwid ako ng upo.  Bumaling siya sa akin at inaantay ang sagot ko. "Give me two months, and I'll make sure I'll make him fall for me," I said with full confidence. "One month," tawad niya sabay ngisi. Napangiwi ako. Mas lalong imposible. "One month. Kailangan mo ng pera hindi ba?" aniya.  Bakit parang mas siya pa ang atat. "Why are you so eager to execute the plan?" hindi ko maiwasang hindi itanong dahil na-curious ako. "I don't need to answer that question. Ang gusto ko gawin mo ang sinabi ko," sabi niya at humalukipkip na. "Two months. Promise, magagawa ko 'yon. Iiwan ko siya at makukuha ko ang pera. Hindi madaling mauto ang tulad niya, Don Matias. I need more time but I promise to start the plan as soon as possible. Pero baka naman... p'wede na kahit 30% ng ipapahiram mo makuha ko na. Kailangan kong bayaran ang mga kliyente ko. Kahit iyon lang," pakiusap ko sa kanya. Nagdadasal na sana pumayag. Tensyonado ako pero nakahinga ng maluwag ng muling nagsulat ito sa checkbook at pahihiramin na ko ng pera! Ayos lang kahit hindi buo basta mabayaran ko mga kliyente ko dahil isa-isa na ang mga nagpapadala sa akin ng sulat galing sa iba't-ibang law firm. "Here, take this. I consider it now a partnership. Aasa akong magagawa mo ang pinangako mo. Kapag hindi nangyari 'yon sa loob ng dalawang buwan. Kailangan mong ibalik ang perang pinahiram ko sa'yo." Sunod-sunod akong tumango habang titig na titig sa cheque na nilapag nito sa harap ko. "Magagawa ko 'yon. Kukunin ko pa ang natitirang pera sa'yo," sambit ko. Frustrated na ko dahil wala na kong ibang matakbuhan. Umalis ako sa opisina niya bitbit ang cheque na binigay niya. Nakahinga ako kahit papaano ng maluwag. Ang iintindihin at dapat kong pagplanuhan ay ang simulang akitin si Charles. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver ng makita akong lumabas sa exit door. Sumakay ako sa Mercedez at tahimik na nag-iisip. Pinoproseso lahat ng pinag-usapan namin ni Don Matias kanina. Panay ang kagat ko sa aking kuko habang nag-iisip. They're both in Real Estate industry. Bukod sa Hotels, may mga pabahay at condo na negosyo si Don Matias. Ganoon din ang pamilya Han. Pero kung gusto niyang kalabanin at patumbahin ang kalaban niya sa negosyo, bakit kailangan pa-ibigan ko pa si Charles? Bakit ako? Hindi nga magkasundo ang pamilya namin, eh. Napasubo na ako. Hawak ko na din ang pera at wala na kong maisip na tao na p'wedeng tumulong sa'kin kaya napilitan na rin akong tanggapin. Ang pamilya ko ay may-ari ng Royal Bank of the Philippines. Isa sa mga successful na banko sa bansa pero ngayon, dahil sa eskandalo. Lumagapak bigla ang negosyo. Kaliwa't-kanan ang naghahanap sa akin. May kliyente, abogado, may shareholders, mga board members. Matagal na kami sa mundo ng pagbabanko. Ang pamilya Han ang naging karibal namin noon. Nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Lolo niya at Lolo ko. May sabi-sabing si Lolo daw ang may pakana kaya nalugi ang banko ng pamilya Han at sumubok sa ibang negosyo. Maliit lang noon ang shop nila pero dahil sa galing ng Lolo nito humawak ng negosyo napaunlad niya iyon at napalaki. Hanggang sa nakilala na nga. Nagkaroon ng maraming branch tapos pinasok na din nila ang Real Estate. Ang pamilya Han na ang kasama sa pinakamayamang pamilya ayon sa Forbes. In the span of 60 years, nasa tuktok sila. Nahigitan kaming pamilya. Iyong galit ng Lolo niya ay naipasa hanggang sa mga anak at apo. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin magkasundo. Our bank is banned in their malls. Biruin mo, lahat ng kilalang banko nag-re-renta sa kanila pero kami hindi p’wede. Dahil 'yon sa matinding galit ng kanilang pamilya. Noon pa naman pero hindi nila makalimutan.  Patay ng pareho ang mga Lolo namin pero iyong galit naroon pa rin. Napahilot ako sa sentido habang nag-iisip. Napahiya na nga ko sa mga tao, sa mga kakilala ko dahil sa nangyari. Hindi ako p'wedeng umatras. Kailangan ko isalba ang kumpanya dahil ako rin naman ang may kasalanan. Nagtiwala ako sa system namin. I bought a new system for our company.  Lahat na kasi nag-transition na sa online and digital banking alangan magpahuli kami. I spent millions for the system tapos basta-basta lang ma-e-exposed lahat ng data kaya sa isang iglap lang iyong mga pera mula sa mga kliyente nakuha nila. Ngayon, ang laki ng loss ng kumpanya dahil dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD