Chapter 01

1477 Words
Fiesta "Gawan mo ng paraan 'yan sa lalong madaling panahon, baka madamay pa ako sa kapalpakan mo!" Habang papaliko sa hallway galing sa kusina ay galit na tinig ni Daddy ang naririnig ko. Hinintay kong humupa ang kanilang usapan bago tuluyang lumabas. Malawak na ngiti kong sinalubong ang mga magulang. Binaba ni Daddy ang telepono nang hindi nagpapaalam sa kausap. Umaliwalas ang mukha nito nang makita ako. Humalik ako sa kanyang pisngi, ganoon rin sana kay mommy ngunit bago pa man ako makalapit itinaas n’ya ang kaniyang kamay at hinahagod ng tingin ang mga kukong bagong manicure dahilan upang humarang sa tangka kong paghalik sa kan’yang pisngi. I bet she did that on purpose. She’s a little distant to us—her children. Sabi no’ng katulong noong ako’y mas bata pa na mula raw nang makunan si mommy ay doon na s’ya nag-iba. Naging masungit at mas strikto. "Kuya mo?" tanong niya na hindi iniiwan ang mga mata roon. Nagkibit-balikat ako. "Ewan, nasa kwarto niya pa ata. Not sure tho," "Gloria!" tawag niya sa kasambahay naming sa tingin ko ay kaedaran lang niya. But Gloria looks a bit matured compared to my mom. Sayang naman ang mga ginagastos ni Mommy sa beauty sessions kung hindi. "Ma'am? Tawag niyo ho ako?" "Malamang, may iba pa bang Gloria rito?" supladang sagot ni Mommy. "Tawagin mo si Jacus, sabihin mo't pakibilis at mahuhuli kami sa mass. Nakakahiya!" "O-Opo," I sat on the stool while waiting. We're about to go to the mass before the sinulog starts. It's 6 in the morning and I am still sleepy. Ngunit wala akong magagawa dahil ganito na ang nakagawian ng pamilya. May okasyon man o wala ay madalas kaming pumaroon sa simbahan. My parents aren't devotees nor religious, they only have one reason why they're doing this and that is to gain power and sympathy since Catholic is most influential religion among the rest. He's aiming for the second highest position in the municipality of our city. Kagaya noong nakaraang eleksyon ay wala ulit siyang kakompetensya sa posisyon. Some would say that he manipulated the real results that's why no one dared to compete against him sa magkasunod na taon. Knowing my father... I know that he's capable of doing that. He will do everything he can to win. Hindi iyon lingid sa aking kaalaman. I may not know the entire details but I know that most of the speculations againts him were true. "Jacus!" saway ni mommy nang padabog na sinara ni kuya ang pinto ng kotse nang ito'y bumaba. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Umayos ka," Umismid lamang si Kuya Jacus at mayabang na inayos ang polo. He has a small cut on the side of his lips. Gusto ko mang tanungin kong ayos lang siya at kung saan n’ya nakiha iyon ay ayaw ko namang sa 'kin naman mabaling ang inis niya. Mabuti na lamang at magsisimula pa lamang ang misa. We sat on the reserved pews in front. My father deliberately cleared his throat and slyly threw a glance to the other side of column of pews. By the looks of it, he's annoyed about something. Hindi ko maiwasang maigawi ang tingin roon. It was the City Counsilor Reymundo Ignacio sitting firmly beside his wife and children. The girl beside her mom is probably the eldest since she's the tallest. Ngumisi ako. She looked stiff and trying too hard to copy the grace of her mother. Ang magkatabing paslit ay sa tingin ko'y isa sa kanila ang bunso. I can't tell! Halos parehas lang sila ng height. I'm only basing on height because obviously I don't know them personally. But that boy beside the two, I'm sure he's the second born because again... the height. "Alkina," tawag ni kuya Jacus. "Hm?" "Saan ka ba nakatingin?" Binalik ko ang mga mata sa nagsasalitang pari. "Wala," "You're judging people again," "I am not," I replied. Well, maybe he's right pero sa isip ko lang naman, hindi naman lalabas sa bibig. Nang matapos ang misa ay isa-isa nang nagsialisan ang mga tao. May iilan pa namang naiwan ngunit ang karamihan ay sabik ng masilayan ang pista. Ang pari at ang mag-asawang Ignacio ay prenteng nag-uusap hindi nalalayo sa altar nang umentra si Mommy't Daddy. Inagaw ng mga ito ang atensyon ng pari. Nakipagkamay at kamustahan. Humalkhak si Daddy, sadyang nilakas. Reymundo only raised a brow. I smirked to that, he seemed offended but can't do anything. After all, my father is still the Vice Mayor. Pansin kong sinulyapan ako ng sumunod sa panganay. He immediately looked away when I caught him. Ngunit hindi ko inalis ang mga mata sa paninitig. Nang subukan niya akong sulyapang muli ay nginitian ko. He tried to avoid my gaze again, I almost laugh. Lumubo ang aking pisngi nang subukang pigilan ang tawa. "I said stop it, Alkina," my brother warned me. Napawi ang ngiti at romolyo lamang ang mga mata ko. I'm bored! I want to go home or at least get away from here. Nakiramdam muna ako bago dahan-dahang umatras patungo sa entrance malapit sa candle stand. My brother is busy checking out something on his phone. Well, my parents are of course busy with chit chats that I'm not even interested of. Nang makalabas ay para akong ibon na nakawala sa hawla. The sound of trumpets and drums sounds like a refreshment to me. Sari-sari rin ang mga paninda kagaya ng durian, pastillas, kutsinta at iba pa. My mom warned me not to buy any of those, she doesn't trust how they process food. I disagree to that. In my twelve years of existence, hindi naman ako nagkasakit mula roon. Mas magkakasakit pa ako ng mental disorder kakaintindi sa pamilya ko. "Magkano 'yong sa'yo, ineng?" tanong ng mamang sorbetero. "'Yong tig-sampu lang po," I handed him the fee. Gusto ko iyong flavor ngayon, ube, manga at tsokolate. Noong nakaraan kasi ay puti... gatas. Isang flavor lang. Maraming napupusuan ang mga mata kong bilhin ngunit ito na lang muna. Baka pag sabay-sabay ay sumakit lang ang tiyan ko. Umupo ako sa malapit na bench. Naisipang dito na lang mag-antay kina Mommy. But not far from where I am sitting. I saw that kid from the church earlier. "Mukhang mamahalin 'yan ah? Ano ba tawag diyan? Malaki, hindi iyan cellphone," "Ipad," sagot no'ng bata kanina sa simbahan. Hindi ko napansing wala na ito kanina roon nang matapos ang misa, nabagot din siguro sa loob kaya't lumabas katulad ko. Tatlong batang mas malaki pa sa kanya ang pinalilibutan siya. "Ahh..." Tumango-tango iyong nagtanong. He tap the shoulder of his friend, parang may ipinapahiwatig. "Jayvee, tama? Itong relo mo ba, gumagana pa?" 'Yong Jayvee ay tinignan siya na parang ang absurd ng tanong nito. Ganoon pa man ay tumango ito pagkatapos ay binalik ang mga mata sa nilalaro. "Mukhang mayaman ka naman, arbor na lang oh! Marami ka namang pambili niyan," "I have to wait for another year before my mom could buy me a new one. We only get new things when it's our birthday," "Pinagsasabi nito? Birthday lang naintindihan ko," "Tabi! Ako nga kakausap," hinawi siya no'ng mas malaking bata. "Hoy! 'Wag ka na mag-english at naiinip na ako! Kung hindi ka makuha sa masinsinang usapan ay mas mabuti pang daanin na lang natin sa sapilitan," sabi nito at basta na lamang na hinablot ang Ipad. Kinuha naman ng isa nilang kasama ang relo. Papaiyak na si Jayvee. Tinukod ko ang siko sa tuhod pagkatapos ay dinilaan ko ang sorbetes nang mapansing papaubos na ito. Sana pala ay 'yong tig kinse na lang 'yong binili ko, 'yong nasa plastic cup. Napatakan tuloy 'yong damit ko, kung tsokolate pa ang flavor nito ay siguradong mag-iiwan ng ebidensiya. Mapapagalitan ako ni Mommy. "Ano'ng nangyayari r'yan?" Naagaw ng atensiyon ko ang boses ng kararating lang na binatilyo. Ito 'yong kanina rin sa simbahan, pangalawang anak ni Reymundo. Nang lumapit ay saka lang kumaripas ng takbo ang mga batang salbahe. Sa pagmamadali ay hindi na natangay ang Ipad at relos ni Jayvee. The little guy sniffed, hindi natuloy ang luha. Dinampot ang Ipad at humawak sa nakatatandang kapatid. "Anong ginawa ng mga iyon sa'yo?" The older brother carefully asked but Jayvee only shook his head. He wasn't convinced but didn't follow up another question. Hindi ko maiwasang matawa, ganoon? Parang telenobela, 'yong may inaapi pagkatapos ay may biglang lalapit at magtatanggol? Nabahaw din naman agad ang ngiting iyon nang sipatin ako nito ng masama. Kinuha ang kamay ng kapatid at saka umalis patungo sa kanilang sasakyan. Kumunot ang aking noo, sinundan sila ng tingin. At kahit na tuluyan na silang nakapasok sa SUV ay nanatiling nakabusangot ang mukha ko. "Problema no'n?" I murmured. Tumayo ako mula sa inuupuang bench. Nang dumaan sa aking harapan ang kanilang SUV ay bumukas ang bintana. Sigurado ako sa nakita. His lips twitched in distaste.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD