Prologue

1412 Words
Ilang beses akong napakurap-kurap habang hindi makapaniwala sa inaasta ngayon ni Dave. Narito ako sa bahay nila. Tinawagan ako ng Mommy niya kanina upang sabihin lang na kumbinsihin ko ang anak nilang kumain. Ayon pa dito ay ilang araw na raw itong walang gana, nakakulong lang sa silid gayong wala namang sakit. At alam na alam ko kung ano ang dahilan nito. Ganunpaman ay wala akong lakas ng loob na ipamukha iyon sa kanya kaya kinikimkim ko na lang, idagdag pa na ang buong gang namin ngayon ay sobrang abala sa paghahanap at nagkakagulo sa pagkawala ni Samantha.  “Ano bang problema mo, Dave? Bumangon ka na nga diyan! Sabi ng Mommy mo ay ilang araw ka ng hindi kumakain. Gusto mo na bang magpakamatay sa sobrang gutom?” malumanay ang tinig na tanong ko, alam ko kung ano ang problema niya pero syempre maang-maangan na lang ako dahil ayokong isipin niyang pati ako ay hinuhusgahan ang babaeng minsan ay sobrang minamahal niya at paniguradong patuloy na minamahal ito sa kabila ng mga nangyari. Uunawain ko na lang siya, ganun talaga kapag na-broken hearted ka. “Sabihin mo na at huwag ka ng sumasabay sa pagkawala ni Samantha.” Binawi niya ang nakatalukbong na kumot sa katawan na pilit kong hinihila. Nasa loob ako ng room niya, pinapasok na ako dito ni Tita. Kilala nila ako mula pa noon. Ang relasyon namin bilang magkaibigan ay alam din nila. “Leave me alone, Clare. Lumabas ka ng silid ko. Abalahin mo na lang ang sarili mo sa paghahanap kay see through. Labas!” tugon niya, walang emosyon at malamig ang tinig. “Huwag mo akong pakialaman sa mga gusto kong gawin. Wala akong ganang kumian.” “Hindi ako lalabas dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang problema. Gawan natin iyan ng paraan para matapos na. Nag-aalala na ang mga magulang mo. Hindi mo iyon nakikita dahil nakatingin ka lang sa sarili mo. Be matured enough, Dave. Tapos na tayo ng Senior High, stop acting like a kid.” marahang tinapik ko ang isang binti niya pero walang reaction iyon, ”Bilis na. Bumangon ka na diyan at kumain ka.“ Naupo ako sa gilid ng kama niya na agad namang yumundo nang dahil sa bigat ko nang hindi siya gumalaw. Mukhang wala talaga siyang planong sundin ang gusto ko. “If you were worried to Samantha, hindi ba dapat ay nasa labas ka at tumutulong na hanapin siya? Bakit ka nagkukulong dito?” subok ko, baka kasi iyon ang dahilan na sabihin niya sa akin. Sigurado ako na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam na alam ko ang dahilan ng pagmumukmok niya. “Dave? Sige ba please, bumangon ka—” “I've told you, leave me alone, Clare!” may diin sa tinig na bumaling pa siya sa kabilang dereksyon. “Huwag mo akong istorbohin!” Mapaklang sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi niya iyon napansin dahil hindi naman siya nakatingin. Tanging ako ang may alam.  “So, inaamin mo ngayon na hindi si Samantha ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?” panghuhuli ko sa kanya, gusto kong aminin niya sa akin ang lahat.  Hindi naman din lingid sa kaalaman ko na girlfriend niya ang mahaderang si Violet. Ang babaeng kahit na bumait at nakasundo na ng ibang tropa namin ay hindi ko mapigilang mamuo ang inis. Bully siya. Binu-bully niya kami, lalo na si Samantha noon. Sobrang kapal nga ng mukha niya. Muntik pa niyang malunod si Samantha noon kaya naman talagang mabigat ang loob ko sa kanya! Oo na, sabihin na nating plastic ako dahil nagkukunwaring mabait ako kapag kaharap siya, pero kasi ang init pa rin ng dugo ko sa kanya. At ang dami kong dahilan doon.  Minsan ay nakita ko silang dalawa ni Dave sa labas na marahil ay nasa isang date. Sinundan ko sila, tsismosa kasi ako eh. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang magkahawak nilang mga kamay. At noon pa lang ay alam ko ng may relasyon nga sila. Maaaring hindi iyon alam hanggang ngayon ng aming ibang mga kaibigan, pero ako? Alam ko na ito sa simula pa lamang. At napagtibay iyon nang ma-hospital ang ama ni Violet, dumalaw si Dave at saka bukod sa narinig ko ang pag-uusap nila, nakita rin ng aking mga mata na nagyakapan din sila. “Sino ba? Si Violet? Ang kalagayan niya ba?” Marahas niyang tinanggal ang taklob na kumot sa kanyang mukha at bumangon. Nanlilisik na ang mga matang tinapunan ako ng masamang mga tingin na para bang ako ang may kasalanan kung bakit siya ganito.  “Hindi ka ba talaga lalabas ng silid ko?!” umaalingawngaw ang tinig sa loob ng silid.  Mabilis akong umahon sa pagkakaupo at humalukipkip. Tiningnan siya ng masama. Nilabanan na ang mga mata niya ngayon! “Sa tingin mo gusto kong pumunta dito? Kung hindi lang ako tinawagan—” “Bakit ka ba pumunta? Hindi mo kailangang pumunta! Sino ka ba sa akala mo? Kaibigan lang kita. Wala ka namang maitutulong sa nararamdaman at pinagdadaanan ko! Sana tumulong ka na lang hanapin si Samantha—” “Oo nga, nakakapagsisi talaga na pumayag akong pumunta dito para kausapin ka! Sa tingin mo ba matitiis kita? Gago ka pala eh!” mas malakas na sigaw ko, wala akong paki kung marinig kami ng mga katulong nila. “Kung makapagsalita ka parang ginusto kong pumunta dito. Kung hindi lang ako nahihiya kay Tita at kaya kong tumanggi, nungkang pupunta ako dito. Sayang lang ang effort ko. Sana sa kanila ako sumama!”  Isang Linggo pa lang ang nakakalipas matapos ng aming graduation sa senior high. At sabi ng kanyang ina, sa loob ng isang Linggong iyon nagmukmok na siya. Sa araw mismo ng graduation habang nasa resort kami ay inamin mismo ni Violet sa harapan naming buong magkakaibigan na buntis siya. At hindi namin alam ang ama. Aniya pa, baka iyon ang dahilan kung bakit umalis si Samantha dahil ang buong akala nito ay si Timothy ang ama ng batang iyon. “Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba ang ama?” “W-What are you talking about?” iwas niya ng mga mata sa akin, kung ang iba ay kaya niyang linlangin na para bang wala silang relasyon ni Violet ako ay hindi dahil alam ko. “O hindi? Kilala kita. Kung ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya hindi ka lang basta uupo dito at walang gagawin kagaya nito. Tama ako hindi ba? Hindi nga ikaw ang ama, Dave.” Nakita ko kung paano dumilim muli ang mga mata niya na nakatingin pa rin sa akin. Pagak akong tumawa pero walang amor iyon. Nilalamon na naman ng galit kay Violet. “Bakit naman kasi niligawan mo pa? Alam mo namang malandi ang babaeng iyon na akala mo ay ipinaglihi sa hitad—” “Shut up, Clare! Huwag mo siyang husgahan sa harapan ko dahil wala ka namang alam!” Napanganga na ako. Sandali, sinisigawan niya ba ako ngayon dahil lang nasabi ko ang katotohanan? E malandi naman talaga siya! Nagpabuntis siya sa hindi niya boyfriend! “You know nothing, get out!” hinihingal na sigaw na naman niya habang nakaturo sa pintuan ng kanyang silid. “Bingi ka ba ha? Ang sabi ko lumabas ka ng silid ko! Now!” I am so pissed now! Hindi niya naman ako kailangang itaboy na parang wala kaming pinagsamahan. Galit na galit pa siya ha! Totoo namang malandi ang ex-girlfriend niya. Ipagtatanggol niya pa ang babaeng iyon! Nakipaglampungan na nga sa iba habang sila pa. Bulag ba talaga siya? Ilang beses akong lumunok ng laway. Pilit na pinigilan na huwag sabayan ang galit niya.  “Fine, sinabi mo iyan ah? Huwag na huwag kang tatawag sa akin o lalapit kahit kailan!” hindi ko na napigilang patol sa kanya, aba, hindi lang siya ang kaibigan na mayroon ako. Marami sila. Kung hindi niya ako kayang pahalagahan, magkalimutan na lang kami. “I am cutting ties with you now. Pinuputol ko na ang pagkakaibigan nating dalawa. Sige lang, magluksa ka sa pagiging two timer niya na kahit lumuha ka ng dugo ay mananatiling hindi pa rin ikaw ang ama ng batang ipinagbubuntis niya. Narinig mo? Hindi ikaw, Dave! Kaya gumising ka na sa kalokohan mo! O baka gusto mong akuin pa iyon ha?!” Nang hindi siya sumagot at manatiling nakatitig sa akin ay pamartsa ko na siyang tinalikuran at nilisan ang loob ng silid niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD