Chapter 22

1371 Words
Asper Reign’s POV Nag-stay pa ang magkakapatid sa farm hanggang hapon para lang makapagpahinga. Masyado na kasing mabigat ang problema sa pamilya nila at sila ang higit na naiipit. They don’t even have any idea why their clan has been weakening their side. Akala nila ay gusto lang ng angkan nila na muli silang makontrol. But that is not what I am seeing from what is happening right now. If they really want to control these three, they have to do some favor for them, not take out the things that they want. Lalo na sa sitwasyon ni Miracle. Napatunayan na niya noon pa man na handa siyang gawin ang lahat para protektahan ang pamilya niya. And supporting her relationship with Rajiv will strengthen her loyalty to them. But they want to tear them apart again. “Hey…” Kumunot ang noo ko nang makita si Jyn na nakadungaw sa pinto ng conference room. “What are you doing there? Come in.” Tuluyan niyang binuksan ang pinto at pumasok. Kamot-ulo pa siya habang naglalakad palapit sa akin pagkuwa’y naupo sa tabi ko. “Is there something wrong?” Umiling siya. “I was just worried.” “Huh?” “Well, you haven’t said anything since they left,” aniya. “Nag-aalala ako na baka kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip mo.” “I don’t plan to do anything,” I held his hand and caressed his palm. “Aasiyah already messaged me earlier, telling me to completely back off with the issue about the Azaria Clan. She said she would handle them herself.” “But it still bothers you, right?” I smiled. “Well, tulad mo ay nag-aalala lang din ako kay Aasiyah. Up until now, we still thought that she was just a kid who needed to be protected. No one expected that she would make this bold move without even informing us.” I can only give her information and other support but I cannot meddle with anything else. She specifically said that. Binantaan pa niya ako na makikialam sa problemang hinaharap ko kapag nakialam ako sa isyu na may kinalaman ngayon sa kanya. And I can’t let that happen. Handling the Azaria Clan is one thing but being involved in a mafia is different and dangerous. As much as I want it, I don’t have any choice but to completely back off. “So, please don’t worry about me.” I held his cheeks. “Hector and I decided to focus on our issue since it is aligned to our goal.” He snorted upon hearing Hector’s name and hugged me from the side. He leaned his chin on my shoulder and kissed my cheeks. “I don’t really like you getting close to that bastard but I know how important this thing is to you so I will let it slide.” “You still have issues with him?” tanong ko. “Nalinawan na ang involvement niya kay Reina noon, hindi ba? Tarantadong prinsipe man siya noon, hindi niya kailanman pinag-isipang gawan ng masama si Reina. And as you can see, he was trying to change himself for my sister’s sake.” “I know, but I still don’t like him,” he said. “Especially when he is around you.” Well, okay na din ito. Kaysa naman noong muli silang magkita sa ancestral home namin kung saan muntik pang masaktan ni Jyn si Hector. “Just to give you some peace of mind,” I said. “We will not see each other unless it is important. Mag-uusap lang kami through phone dahil hindi naman ako sasama sa mga operasyon na gagawin ng pwersa natin.” Azure made me promise that one thing. I will only be in charge of planning the operation and gathering information. The real action will be handled by them and the cleaning was assigned to Hector’s squad. Kahit sabihin na patuloy ang pagte-training na ginagawa ko para sa mga self-defense lesson nila sa akin ay hindi ibig sabihin noon ay ie-expose nila ako sa panganib. At kahit nandito si Jyn na alam kong kaya naman akong protektahan kung sakali ay hindi pa din ako susugal kaya ayos lang sa akin ang ipaubaya sa kanila ang lahat ng mabibigat at delikadong bagay. I am not interested in seeing them subduing our enemies. Sapat na sa akin ang malaman na napapabagsak namin ang mga taong gustong manakit sa amin. Kinuha ko ang table at pinagmasdan ang mga impormasyon na nakalap namin tungkol sa mga isyu na kinakaharap namin ngayon. Those things that were related to the issue about the Azaria Clan, I sent it all to Aasiyah. And I compile the rest since it has something to do with the group that we are targeting next. “So, desidido ka na sa next target ng squad mo?” tanong ni Jyn na nakatingin na din pala sa tablet na hawak ko. “Are you sure you were ready to bump into someone that came from a noble clan?” “Their social status doesn’t matter to me, Cee,” I said. “If they are involved with the people that threaten our safety, I will not hesitate to crush them all.” Marami nang nagbago sa buhay ko. At hindi na ako iyong tipo na pilit na umiiwas na magkaroon ng hidwaan sa mga taong galing sa maimpluwensyang pamilya. Sa pagkakataong ito, kesyo anak sila ng duke, prinsesa o prinsipe, kahit pa isa sa mga ministro ng hari o ang mismong hari ng bansang ito, hindi ako magdadalawang-isip na tapakan kung ilalagay nila sa delikadong sitwasyon ang buhay ko at ni Jyn. Napatuwid ako ng upo nang biglang isubsob ni Jyn ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko kasi ang mainit niyang hininga at bahagya akong nakikiliti doon. “I didn’t expect to see you like this, baby girl,” he whispered. “I met you when you were just a sweet little lady and I fell in love with you. And now that I am witnessing your changes from being sweet to a fierce, dangerous, and fearless lady, I fall even more.” He kissed my neck and hugged me tight. “And I find you hot when you are like this, baby girl.” Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko nang maramdaman ko ang bigla niyang pagdila sa leeg ko. “Cee!” Hinampas ko ang braso niya na nakapulupot sa bewang ko. “Stop that! Nakikiliti ako!” Oh s**t! Pinapaulanan naman niya ng halik ang leeg ko. “This is not the place for this kind of thing.” “Aw! Aw!” daing niya habang hawak ang kamay ko na siyang humihila sa tainga niya. “S-sorry na, baby girl.” Binitiwan ko siya at inirapan. “Behave!” Well, it is not that I didn’t like what he was doing. Ang awkward lang ng timing niya dahil nakabukas ang pinto ng conference room at saktong papasok sana ang mga kaibigan niya. Nanlaki pa ang mga mata at hindi malaman kung tuluyan bang papasok o kakaripas na lang ng takbo paalis matapos makita ang ginagawa ni Jyn sa akin. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. “Let me remind you that we are not the only ones in this mansion, okay? Maawa ka sa mga kaibigan mong single at sa kaibigan mong hindi kasama ang girlfriend niya.” Narinig ko ang mga pag-ismid mula sa labas ng pinto at doon ko nakita na tuluyan na lang na pumasok sina Lair, Azure at Schlain. Mga nakasimangot ang mga ito, marahil ay dahil narinig pa nila ang sinabi ko. Well, Schlain is single and doesn’t have anyone special in his life. Azure on the other hand is in a hopeless situation in his love life. Sikreto na nga ang nararamdaman niya para dito ay komplikado pa dahil malaki ang agwat ng edad nila. Habang si Lair naman ay hindi pa maaaring bumalik ng Avenir para makasama si Cassandra dahil kailangan pa niyang tulungan si Jyn dito. “Eh ‘di kayo na may love life,” singhal ni Schlain. “Not that I am looking for one.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD