Chapter Nine ELORDE NAGISING ako ng alas otso na dahil wala naman akong duty. Nagawa ko naman na kagabi ang lahat nangg kailangan kong tapusin kaya wala na akong poproblemahin. Kaagad na akong bumangon at saka nagtungo sa kusina. May lutong pagkain naman na kaya kaagad na akong kumain saka tinulungan si Mama na mag ayos sa tindahan. Si Jake naman ay nagdidilig ng mga halaman. “Ma, labas po ako mamaya,” paalam ko kay Mama. “Saan ka na naman pupunta? Maghahanap ka na ba ng jowa anak?” “Maaaa! Dapat ako ang hanapin nila. Hindi yung ako ang maghahanap sa kanila,” “Okay. What ever,” aniya. Bumabagets ang mother dear. Bigla namang tumunog ang Messenger sa cell phone niya at alam kong si Papa na ang tumatawag. “Hello love,” malanding ani Mama. “Naku po si Aling Bernadette Berta talag