Chapter 3
Crystal
Nang makarating ako kitchen ni Frany ay nakahinga ako ng maluwag. "Anong cake ang e-bake mo?" tanong ko.
"Ofcourse your favorite cake. Ang Love & hate cake. At gusto kong e-try rito sa restaurant na ibinta ito. Pero e free test ko muna ito ngayon. Okay lang ba na ibinta ko ang love & hate cake mo?" tanong niya sa akin.
"Ofcourse, pero hindi mo pa nakukuha ng husto ang lasa ng cake na gusto ko siguro adjust ka pa sa tamis ng kaunti," wika ko sa kaniya.
"Masusunod My Love," anito at pilyo pang ngumiti sa akin.
Love ang tawag ni Frany sa akin dahil sa cake na pina-bake ko sa kaniya. Sa tuwing sumasapit ang kaarawan ko at anniversary namin ni Reynold ay nagpapa-bake ako kay Frany ng cake. Kaya love ang ipinangalan niya sa cake dahil na ekuwento ko sa kaniya na marunong rin mag-bake ang mahal ko. At iyon ang laging bukang bibig ko noon. Kahit na galit ako kay Reynold noon. Pero gusto ko pa rin matikman ang cake na inihanda niya noong sumapit ang anniverary namin.
Love & Hate ang tawag ni Frany sa cake na pinapa-bake ko sa kaniya, dahil kapag kinakain ko iyon ay umiiyak ako at sinasabi ko na dudurugin ko ang lalaking iyon ng pinong-pino. Iniisip ko na si Reynold ang kinakagat ko sa tuwing kainin ko ang cake na iyon. Kaya natatawa na lang si Frany sa akin. At kapag nabusog na ako ay titigil na ako sa pag-iyak. Hindi ko kasi matanggap na lokohin niya ako.
Nang matapos na ni Frany e-bake ang cake ay hiniwa-hiwa niya iyon para e-free taste sa mga kumakain roon. Tinawag niya ang mga waiter niya at pinabigay sa mga kumakain. Ang kalahati naman ng cake ay ibinigay niya sa akin.
"Ubusin mo 'yan at huwag kang umiyak rito nakakahiya," tawa nitong wika sa akin matapos niyang ibigay ang slice ng cake sa akin.
"Baliw! Ano ang akala mo sa akin bata?" wika ko at tinikman ang cake. "Hmmm..perfect!" napapikit ako sa sarap.
"Puwede na ba?" excited nitong tanong sa akin.
"Yes, hmmm sarap," sabay subo ko ng cake.
Umupo naman ito sa tapat ko at matamang akong tinitigan. "Hindi ka iiyak?"
Masama ko siyang tiningnan. "Huwag mo akong pilitin umiyak dahil kanina ko pa gusto umiyak."
Sumubo ulit ako at tumawa naman ito. "Hahahaha.. Himala dahil sa tuwing kumakain ka nitong cake na ito umiiyak ka."
"Frany, ayaw kong umiyak na dahil tiyak na hindi mo ako mapapatahan kapag umiyak ako ngayon," sabi ko pa sa kaniya at sinubo ulit ang cake.
"Then cry! Until now hindi mo pa rin makakalimutan ang salawahan mong boyfriend," sabi pa nito sa akin.
Gusto ko na talaga pakawalan ang mga luha na kanina pa gusto pumatak ng makita ko si Reynold at pinag-uusapan ang kasal nila ng girlfriend niya.
"Humm!" humikbi na ako at pumatak na ang mga luha ko. "Manloloko siya," sabay subo ko ng cake. "Sinungalig siya. Niloko mo ako kaya ngunguyain kita ng pinong-pino," iyak ko habang sinusubo ang cake.
Pinunasan ko ulit ang mga mata ko. Ayaw ko na talaga pumatak ang mga luha ko. Pero sa tuwing kakain ako ng cake ay hindi ko mapigilan ang hindi umiyak.
"Sige ubusin mo 'yan. Pagkatapos ay ihatid na kita sa apartment mo. Mag-move on na kasi!" wika nito sabay tapik sa aking balikat.
Inubos ko ang cake at uminom ng tubig. Pagkatapos ay pinunasan ko ang mga luha ko. Napapailing naman si Frany sa akin.
"Kakaiba ka talaga,'' sabi pa nito sa akin.
"Thank you sa cake. Bukas dadalaw ka ba kay Tita?" tanong ko.
"Oo, kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin," anito.
"Kailangan ko ng 500,000 mayro'n ka?" tanong ko.
"300,000 lang ang naipon ko at balak ko pa sana na magpatayo ng branch. Pero kung kailangan mo ipahiram ko muna sa 'yo," malungkot naman nitong sabi sa akin.
"Huwag na. Kailangan mo rin iyan. Kaya maghahanap na lang ako sa iba," sabi ko
"Alam kong kailangan ito ni Tita kaya sige na ipahiram ko na sa 'yo.''
"Frany, ipunin mo na lang 'yan. Gagawa ako ng paraan para sa chemo at operasyon ni Tita kumalat na kasi ang cancer sa kabila niyang dibdib," wika ko kay Frany.
"Pero huwag ka sana ma-offend Crystal. Kapag ganiyan na ang kalagayan ni Tita malulubog ka lang sa utang. Dahil ganiyan rin ang nangyari kay Mommy. Ilang buwan lang siya nabuhay after ng operasyon at namatay rin siya dahil sa breast cancer," sabi ni Frany.
"Alam ko Frany. Pero ayaw ko sumuko. Si Tita na lang at ikaw ang natitira sa buhay ko. Atleast ginawa ko ang lahat para humaba pa ang buhay niya. Kaya, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala pa si Tita," sabi ko.
Hinagod niya ang aking likuran. Maya pa ay pumasok ang waitres at tinawag siya. "Sir, gusto po kayo makausap ng guest sa labas."
"Bakit raw, Rona?" tanong pa ni Frany. Nasa loob pa rin kami ng kitchen.
"Nagustuhan po nila ang Love & Hate cake. Kaya, gusto ka nila makausap," sabi pa ni Rona kay Frany.
"Okay" sabay tingin niya sa akin. " Wow! mukhang magkakaroon ako ng client sa Love & Hate cake mo na nire-request sa akin, ah!" anito.
"harapin mo na ang guest mo." utos ko naman sa kaniya.
"Hali ka samahan mo ako dahil ingredient mo iyon kaya natoto ako mag-bake," yaya niya sa akin at hinila ako sa labas.
"Umupo ka muna rito'' Hinilahan niya ako ng upuan at pinaupo. Naupo ako sa dati kong puwesto at napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Reynold. Abala ito sa kadot-dot ng cellphone kaya ibinaling ko ang tingin ko kay Frany.
"Sir, siya po ang nag-bake ng cake," turo ni Rona kay Frany sa kasamahan ni Reynold.
Agad naman tumayo ang Lalaki na palagay ko ay Ama ni Reynold dahil kamukha niya ito. Matikas rin ito at hindi halatang nasa edad 54+ na.
"Hi, I'm glad to meet you Mr..." sabay lahad nito ng kamay kay Frany.
Agad naman inabot ni Frany ang kamay nito. ''Frany Buenavista po."
"Have a seat," wika pa ni Mr. Rafael.
Umupo naman si Frany at pinakilala siya nito sa mga kasamahan niya pati kay Reynold.
"Ang sarap ng cake na ginawa mo Mr. Buenavista at gusto sana namin na mag-order niyon sa araw ng kasal ni Reynold at Honey," dinig kong wika ng lalaki na si Mr. Rafael kay Frany.
"Kakaiba ang cake na ginawa mo. Hindi siya masiyadong matamis at nag-aagaw ang lasa ng chocolate at vanila at parang may something na nakakaadik siya kainin," sabi naman nang lalaki na katabi ni Mr. Rafael.
"Actually free taste lang po iyon. At balak ko pa lang ibinta kung papayag ang may ari ng recepie ng cake na iyan," sabi naman ni Frany.
Lalo tuloy ako kinabahan at baka ituro ako ni Frany. "Ow, so what the name of that cake?" tanong naman ng babaeng pakakasalan ni Reynold.
"Love & Hate," sagot naman ni Frany.
"Ow.. thats why parang naghahalo ang love at galit. Kakaiba ang lasa at pati ang pangalan," sabi naman ng matanda.
"Actually may pinaghuhugutan kasi ang cake na 'yan. May kuwento 'yan kaya nakakaiba," wika ni Frany sa kanila.
"Puwede mo bang ikuwento sa amin ang pinahuhugutan ng cake na 'yan? At gusto rin sana namin na magkaroon nito sa restaurant namin if magkasundo tayo sa price," sabi pa ng babae na siguro ay Ina ni Reynold.
"Sure, ang cake kasi na 'yan ay pinagawa sa akin ng special na babae sa buhay ko. She love some one na niloko siya. Sa tuwing birthday niya at anniversary nila ng lalaking nanloko sa kaniya ay pinapa-bake niya ang cake na 'yan sa akin. At habang kinakain niya ang cake na 'yan ay iyak naman siya nang iyak at iniisip niya ang lalaking iyon ang nginunguya niya. Sa cake niya binubuhos ang sama ng loob sa lalaking nanakit sa damdamin niya. Kaya Love & Hate ang pangalan ng cake na iyan dahil sa kabila ng ginawa sa kaniya ng dati niyang boyfriend ay mahal niya pa rin ito kahit na galit siya sa lalaking iyon," kuwento pa ni Frany.
Napapakagat ako sa aking koko sa nerbyos dahil hindi niya alam nasa harap niya ang lalaking iyon. Dahan-dahan naman akong tumingin sa kanila at nakita ko na naman ang mga mata ni Reynold na nagbabagang tumitingin sa akin. Kaya sa inis ko ay tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
Narinig ko naman na nagsalita si Reynold. "What a pathetic love," anito.
"Oww sad, kaya pala ganiyan ang name ng cake dahil mahal niya pa rin ang lalaking nanloko sa kaniya," sabi naman ng isang babae na katabi ng girlfriend ni Reynold.
"Noon 'yon pero ngayon naka-move on na siya. So i think i need her permission to sold this cake," rinig ko pang sabi ni Frany.
"Okay, this is my card at kung ano man ang disesyon niya ay agad mo sana kaming tawagan," sabay abot ni Mr. Rafael ng calling card kay Frany.
"Yes Sir. Thank you to come here. Tawagan ko agad kayo kapag nakausap ko siya. So i have to go at may pupuntahan pa ako," paalam ni Frany sa mga kausap. Tumango-tango naman ang mga kausap niya at nakipagkamay muna sa kaniya.
Pagkatapos ay pumunta naman siya sa kinaroroonan ko, "Let's go." Sabay lahad niya ng kamay niya sa akin.
Inabot ko naman iyon at tumayo. Isinukbit ko ang shoulder bag ko sa aking balikat at inakbayan niya ako kaya humawak naman ako sa beywang niya.
Napasulyap pa ako sa gawi ni Reynold at matalim pa rin ang tingin niya sa akin. Isinandal ko pa lalo ang ulo ko sa balikat ni Frany. Nang makalabas na kami ay sumakay na kami sa sasakyan ni Frany.
Habang nasa byahe na kami ni Frany ay nagku-kuwentuhan naman kami.
"Ang galing mo talaga ,ano? Pati ba naman ang love life ko e-kuwenento mo," wika ko sa kaniya.
"Hehehe... Syempre nagtanong sila. Pero, Crystal pumapayag ka ba na magbinta ako ng cake mo sa restaurant ng mga Jonhson?" ngiti pa nitong tanong sa akin.
"Kapag sinabi kong hindi magagalit ka ba?" tanong ko.
"Hindi, pero siguro magtatampo. Dahil mga Johnson iyon Crystal. At ito na ang pagkakataon ko na ipakita sa kanila na hindi lang ako basta-basta na tao. Kundi may ipagmamalaki rin ako," sabi pa nito. "Saka gusto nila na iyon ang cake na ihahanda sa kasal ni Mr. Reynold ang nag-iisa nilang anak na lalaki," dugtong pa nito.
"Sige ikaw bahala. Kung gusto mo lang naman na umiyak ang bawat kumakain no'n," pilya kong wika sa kaniya.
"Grabe ka naman. Hindi naman sila tulad mo na iyakin. Sabihin mo nga sa akin mahal mo pa rin ba ang ex mo?" anito.
"Mag-drive ka na nga at huwag mo na ako kulitin sa bagay na iyan. Saka ikaw ang bahala kung ano ang gawin mo sa recipe ko. Hindi na 'yon mahalaga sa akin," wika ko kay Frany.
"Talaga? I Love you, talaga Crystal!" anito sa tuwa.
"Huwag mo na akong bolahin," ngiti ko sa kaniya.
Inihatid na ako ni Frany sa bahay. Pinatuloy ko muna ito pero nagmamadali naman siya. Kaya pumasok na lang ako sa loob at humiga.
Nang makahiga ako ay tumawag naman ang doctor ni Tita. "Hello Dok?"
"Ms. Henenez kailangan ng operahan ang Tita ninyo bukas. At kung hindi pa ay lalong kakalat ang cancer sa dibdib niya. Kaya gumawa na kayo ng paraan para sa operasyon niya at maisagawa na bukas ang operasyon," sabi pa ng doktor sa akin.
"Dok, gagawa ako ng paraan basta gawin niyo lang ang lahat para mabuhay pa si Tita. Bukas pupunta ako riyan," wika ko na pilit pinapatatag ang sarili.
"Sige, Miss Hemenez," wika pa ng doktor at naputol na ang kabilang linya.
Mahal ang operasyon ni Tita dahil sa private hospital ko siya dinala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lumabas ako ng apartment ko at hindi ko inaasahan sa paglabas ko ay makikita ko si Reynold na nakasandal sa kotse niya at nakahalukipkip ang mga kamay niya.
Lumabas ako sa gate at pinuntahan siya.
"A..anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Tsss.. Anong nangyari sa iyo? 'Dito ka nakatira sa chip na apartment na 'to?" pang-iinsulto niyang tanongi sa akin.
"Kung pumunta ka rito para insultuhin ako makakaalis ka na!" galit kong sabi sa kaniya.
"Kung nainsulto ka, then hindi ako hihingi ng sorry. Kung ano ka chip ang bahay na ito ay gano'n ka rin ka chip para pumatol sa mas bata sa 'yo," sabi pa nito sa akin.
Sampalin ko sana siya nang saluhin niya ang kamay ko. "Dont dare to touch your palm in my face," saka binitiwan niyang pabalibag ang kamay ko.
"Ano ba ang gusto mo! Bakit pumunta ka rito? Ano ang kailangan mo sa akin, Reynold?" garalgal kong tanong sa kaniya.
"Wala akong kailangan sa 'yo, Crystal. Pero ikaw ang may kailangan sa akin," sabi nito sa akin.
"At ano naman ang kailangan ko sa 'yo, ha? Hindi kita kailangan, Reynold. At hindi ko kailangan ang taong katulad mong manloloko!" sabay talikod ko sa kaniya para pumasok na sana sa gate.
Pero agad niya namang nahablot ang braso ko. "Kailan kita niloko, hmm? Kung may isa man sa atin ang manloloko ikaw 'yon!"
Pinaliit ko naman ang mga mata ko na naluluha-luha. "Huwag mo isisi sa akin ang kalokohan mong ginawa sa akin. Hindi ka pa ba nakaka-move on? Dahil ako naka-move on na."
"Dahil gano'n lang kadali sa 'yo ang lahat na kalimutan. Dahil ang taas ng expectation mo sa sarili mo. Pero look at you now! Saan ang yaman na pinagmamalaki mo sa akin noon? Ito ang tatandaan mo Crystal Hemenez lahat ng mayro'n ka ay mawawala sa 'yo dahil sa ginawa mong paglibing sa akin ng buhay!" diin niyang wika sa akin.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Kung nilibing man kita ng buhay. Puwes pinatay mo na rin ako at inilibing. Kaya kung ano ang kailangan mo sa akin ngayon sabihin mo dahil may mga gagawin pa ako," sabi ko sa kaniya.
Binitiwan niya naman ang braso ko at may kinuha siya sa pitaka niya. '' Ito ang calling card ko," sabay abot niya sa akin ng card. Kinuha ko naman iyon sa kaniyang kamay.
"Ano ang gagawin ko rito?" tanong ko sa kaniya.
"Nariyan ang adress ng hotel. Hihintayin kita roon. Alam kong malaki ang kailangan mo na pera. Kapag dumating ka sa isang oras sa hotel na iyan ako ang magbabayad ng lahat ng gastusin niyo sa hospital. Wala kang iisipin kundi hintayin na lang ang paggaling ng Tita mo," wika niya sa akin.
Nabigla ako sa sinabi niya at alam ko ang ibig niyang sabihin. "Binibili mo ba ang katawan ko kapalit ang gastusin ni Tita?"
''Hindi ka naman siguro ignorante, Crystal. Kaya, nasa iyo ang disesyon kung tatanggapin mo ang offeer kung tulong sa 'yo para sa Tita mo o hindi" sabi nito sa akin at sumakay na ng sasakyan niya.
Parang napako naman ako sa kinatatayuan ko. "Pag-isipan mong mabuti Crystal. Sa loob ng isang oras at hindi ka dumating na sa 'yo na 'yon. Sa 'yo nakasalalay ang buhay ng Tita mo," anito at pinaharorot na ang sasakyan.
Nanghina ako bigla. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang alok niya sa akin. Pero ang kapalit no'n ay ang katawan ko. Pumasok ako sa loob at naupo sa sofa.
Tiningnan ko ang calling card na ibinigay niya at naroon ang adress ng hotel na RJ Hotel. Hindi ako makapaniwala na ganito pala siya kayaman. Pero bakit kailangan niya pa na pirahan ako? Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya na pera lang ang habol niya sa akin at pagkatapos na makakuha siya ng pera sa akin ay tatakas sila ng babaeng iyon.
Ngayon ko lang na realize na baka mali ang pagkakaintindi ko noon? Dahil kung ganito siya kayaman ay hindi niya na kailangan ang pera ko. At kahit sa turo-turo niya ako dinadala noon ay siya naman ang nagbabayad. Naguluhan tuloy ako.
Ngayon lang sumagi sa isip ko na baka mali ang narinig ko. At gusto ko iyon makumpirma pero ayaw ko naman na itanong msmo iyon sa kaniya. Kaya tinawagan ko si Claris.
Bahala na kung maisturbo ko siya. Pero maaga pa naman kaya sigurado na gising pa ito. Siya lang ang puwede kong pagtanungan tungkol kay Reynold.