Chapter 25 Crystal Matapos kong magpa-check up ay umuwi na kami ni Donya Bel. Natutuwa ito kaya binilhan niya ako ng mangga noong bumaba kami sa tapat ng bahay niya. May naglalako kasi ng mangga kaya binili niya iyon para sa akin. ,"Donya Bell, hindi ka na sana nag-abala pa. Hindi ko naman type ang mangga kainin, eh," reklamo ko sa kaniya habang umaakyat kami sa balcony ng bahay niya. "Eh, bakit? Hindi naman 'yan para sa 'yo. Kundi para 'yan sa batang dinadala mo,'' sabi pa nito sa akin. Napairap na lang ako. Ang galing talaga mambara ng matangdang 'to. Umupo kami sa sofa at pinabalatan niya sa akin ang mangga na hilaw. Parang naglalaway naman ako kaya binalatan ko na lang iyon. Habang siya naman ay nagbihis sa silid niya. Nang makalabas na siya ay nakapang-sport atire ito. Maliksi a