Chapter 21 Crystal Makalipas pa ang ilang buwan ay ayos naman na ang pagsasama namin ni Reynold. Pero minsan ay nagkakatampuhan pa rin kami. Katulad ngayon hindi niya na naman ako kinikibo dahil iniwan ko siya rito mag-isa. Nakipagkita kasi ako kay Frany. Pagdating ko ay hindi niya na ako kinikibo. "Galit ka ba sa akin?" tanong ko. "Kung aalis ka at matatagalan ka sana naman nag-iwan ka ng pagkain ko rito. O 'di kaya kalagan mo na ako sa lintik na kadenang ito!" galit niya pang singhal sa akin. Hapon na kasi ako nakauwi dahil bumisita pa ako sa libingan ni Tita. Pagkatapos namin magkita ni Frany ay nagtungo naman ako sa kaibigan kong si Allysa. "May dala akong pagkain para sa iyo," wika ko. Pero masama naman ang tingin na ipinukol niya sa akin. "Napupuno na ako sa 'yo, Crystal.