Chapter 17 Crystal Kinabukasan maaga akong nagising dahil magde-deliver ako ng tosino at itlog sa bagong lipat na malapit lang roon sa lugar kung saan kami nakatira ni Reynold. Hindi nito alam na naglalako ako ng mga paninda. Nag-text sa akin si Aling Lita na laging nag-o-order sa akin ng tosino. May bagong mag-asawa raw na lumipat sa katabi niya. Kaya, nagdala ako ng iba ko pang paninda. Tulog pa ang asawa ko dahil napagod ito kagabi nakatatlo round siya sa akin. Kahit hindi niya sabihin alam ko na may natira pa siyang pagmamahal para sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya kagabi bago kami natulog. Tiningnan niya ang kuwentas na suot ko na binigay niya. Kahit hindi siya magsalita alam ko na natutuwa siya dahil nasa leeg ko pa rin ang kuwentas. Hinagkan ko muna siya bago umalis. Dala-