DHIANA SIMULA ng gabi na iyon na nakita ko si Kean na may kas*x na babae ay gabi-gabi na itong lumalabas. Hindi ko naman siya pinapakialaman dahil wala naman kaming relasyon bukod doon, pagdating naman kay Nini ay nandoon pa din ang pag-aalaga at hindi naman niya pinapabayaan iyon. Pagdating naman sa trato naming dalawa sa isa't-isa, aaminin kong nailang ako ako sa kan'ya. Hindi na ako makatingin ng maayos sa mga mata niya tuwing mag-uusap kami dahil pakiramdam ko ay nakikita ko pa din ang ginagawa nila ng gabi na iyon kahit pa dalawang linggo na ang nakalipas. Hindi na rin kami gaano nagkukwentuhan o nag-uusap katulad noong nakaraan. Aaminin kong nakakamiss din iyon na kakwentuhan kahit pa kadalasan ay kahanginan niya ang nauuna. Para siyang naglagay ng isang wall sa aming dalawa. Pa