2

1529 Words
Chapter Two "Nanay? Tatay?" kahit pagod na pagod sa mahigit dalawang oras na paglalakad ay may lakas pa rin akong tawagin ng mga ito habang malawak ang ngiti. Gabi na. Tiyak na nakauwi na ang mga ito sa bahay. Agad bumukas ang pinto at bumungad doon ang kapatid kong si Toto. "Ate!" galak na ani nito sa akin. "Toto!" nabitawan ko pa ang bag ko para lang mayakap ang binatilyong uhugin lang noon. "Anak!" ani ni nanay na galing pa ang tinig sa silid. Nang lumabas sila ni tatay ay parehong may kapanatagan sa mukha nang nakita ako. Niyakap din ako ng mga ito saka iginiya papasok. Si Toto na ang bumuhat sa bag ko. "Diyos ko," ani ni nanay habang nakatitig sa mga kamay ko. Naiyak pa ito. "Akala namin okay ka roon, Calliope. A-kala namin ng tatay mo ay maayos ang buhay mo roon. Patawad, anak. Patawad." "Ayos na po iyon, 'nay. Pero hindi na po ako babalik kay Tiya. Hindi ko na po kaya roon." "Ayos lang, Calliope. Kami na muna ng tatay mo ang bahala. Natanggap kami sa Poli's farm. Nagsisimula na nga kami roon. Maayos ang pasahod doon, anak. May benipisyo rin kami." "Talaga, 'nay? Baka pwede rin po akong makapasok doon." "Magpahinga ka muna. Huwag mo munang isipin ang trabaho. Kami na muna ang bahala ni tatay." Emosyon na ani ni nanay. Masipag naman kaming lahat... pero hirap pa rin talaga sa buhay. Itong bahay nga namin ay mula bata pa ako ay ganito na. Hindi maipaayos dahil sapat lang sa pagkain ang kita namin. "Kumain ka na ba, ate? Gusto mo bang ipagsandok kita?" tanong ni Toto sa akin. "Hindi pa ako kumain. Inabot na ako ng gabi sa kalsada dahil nilakad ko lang." "Kawawa naman ang dalaga ko." Malungkot na ani ni tatay. "Pero paano po sina Tiya Mameng... tiyak na susugurin po tayo ng mga iyon." "Aba'y ihahanda ko na ang utak ng tatay mo. Sobra na sila. Nagpakaalipin din ako sa kanila dahil akala ko'y tinutulungan ka nila roon. Hindi pala." "Sa kusina n'yo na po ituloy ang usapan." Yaya nito Toto. Nagtungo naman kami sa kusina. Iyong inihaing kanin ni Toto ay medyo nagpaemosyonal sa akin. Ngayon na lang ulit ako makakita ng kaning para sa akin pero napakarami. Gutom na gutom kong nilantakan ang mga iyon. "Nagkatay ng baboy sa farm kaninang hapon at nagpaluto ang caretaker para may ulam kaming maiuwi. Madami kaming naiuwi ng tatay, 'nak." "Sarap, 'nay. Ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganito." Ngumiti pa ako rito. Alam kong masama ang loob ng mga ito sa sinapit ko sa mga kaanak namin. Pero tuloy lang ang buhay. -- "Sama n'yo ako, 'nay. Gusto ko pong makita ang farm." Lambing ko sa nanay ko na naghahanda na sa pag-alis. "Aba'y pwede naman. Magdala ka nga lang ng long sleeve dahil mainit doon. Magtatanim kami ngayon. May kubo naman doon na pwede mong pwestuhan. Isama na rin natin si Toto." Isa sa dahilan ko ay ayaw ko munang mag-stay rito sa bahay. Baka sumugod sila lola rito. Mahirap na. Iiwas muna kami sa gulo. Sumama kami ni Toto sa magulang namin. Pagdating pa lang doon ay agad na silang kumilos para magtrabaho. "Ineng, pwede kayong maglibot-libot dito sa farm. Mabait naman ang may-ari." Sabi ng caretaker at siyang namamahala rito sa taniman. "Talaga po?" gulat na ani ko. "Oo naman. Mag-iingat lang kayo." "Toto, gusto mong lumibot?" excited na tanong ko rito. "Ate, babantayan ko pa itong tanghalian natin. Baka puntahan no'ng pagala-galang aso ni boss." "Ako na lang pala. Maglilibot-libot lang ako." Kumaway pa ako kina nanay at lumakad na. Hindi pa naman mainit at may kalamigan pa ang hangin. Kaya rin magandang maglakad-lakad. Sari-sari ang tanim dito sa farm. Gulay, prutas, at may palayan din. Meron pang tubuhan na malawak din ang sakop. Sobrang yaman na siguro no'ng may-ari ng Poli's Farm. "Hays! Buti pa iyong ibang tao ay bine-bless. Bakit sa mukha lang kasi napunta ang blessings?" frustrated na rant ko habang naglalakad. "Lord, bakit naman kasi ganda lang ang meron kami at walang yaman?" Malayo-layo na ang narating ko nang napansin ko ang isang lalaki na nakatalikod at abalang naghuhukay ng kamote. Dahil curious ako sa ginagawa niya ay lumapit ako at sinilip iyon. Dahan-dahan pang tumingin ang lalaki sa akin na parang nagulat sa pagsulpot ko. "Sino ka?" takang tanong nito sa akin. Gwapo! s**t! Gwapo! "Ako si Calliope. Ikaw?" ani ko na naupo pa sa tapat nito at tinignan ang mga nahukay na nitong kamote. "Apolinario." Tugon ng lalaki. Slow motion pa ang pagtingin ko rito. "Grabeng pangalan iyan, ha! Sa baul ba kinuha ang pangalan mo?" natatawang ani ko. Tumayo ang lalaki. Napatingala ako dahil sobrang tanggad pala nito at malaki ang katawan. Gwapo na, moreno pa. Sa gano'n lalaki ako naglalaway. Sarap. Pero wait... huwag naman na sa ka-level ko. Umiling-iling ako. "Tauhan ka rito sa farm?" tanong ko sa kanya. Tinitigan lang ako ng lalaki. Saka niya inilagay sa sako iyong mga kamoteng kinuha niya. Nang akma na itong aalis ay pinigilan ko siya. "Ang sungit mo naman. Nagtatanong lang naman ako." Gumawi ang tingin ng lalaki sa kamay ko. Agad kong inalis iyon dahil kung ako nga ay nandidiri sa kamay kong sugat-sugat, tiyak gano'n din ang lalaki. "Saan ka pupunta, Apolinario?" sumunod ako rito. "Sa batis." Tipid na sagot ng lalaki. Batis? Sama ako! "Sama ako, Apolinario." "Pwede mo akong tawagin Apollo o Poli. Huwag Apolinario." Parang kabastusan naman sa may-ari ng farm na ito kung tatawagin kong Poli itong kaharap ko, hindi naman niya tunay na pangalan ang Poli. "Apollo na lang. Sama mo ako, Apollo." Hindi na naman ako sinagot ng lalaking ito kaya naman sinundan ko na lang siya nang sinundan. Pagdating sa batis ay nakita ko ang mga gamit sa Kubo na mukhang pag-aari ng lalaki. "Anong gagawin mo sa kamote?" "Iihawin ko, Calliope." Tugon nito at nagsimula na agad nagparingas. "Ako na ang maghugas ng kamote." Prisinta ko rito. Dali-dali kong kinuha iyon ang sako at dinala sa gilid ng sapa. "Ilan ba?" "Kahit anim lang." Tugon naman ng lalaki. Anim daw, kaya pito ang hinugasan ko. Nang natapos ako ay dinala ko naman agad dito. "Apollo, okay lang bang nandito ka habang abala ang mga kasamahan mo sa pagtratrabaho?" curious na tanong ko rito. "Oo naman." Iniayos nito ang ihawan saka inilagay ang mga kamote. "Bakit okay lang? Hindi ba dapat ay nagtratrabaho ka?" "Tapos na ang gawain ko, Calliope. Ikaw ba? Parang ngayon lang kita nakita rito." "Oo, galing akong siyudad. Kagabi lang umuwi. Sumama ako kina nanay rito para makita ko ang farm na pinagtratrabahuan nila." "Sinong nanay mo?" "Si Nanay Calisa tapos ang tatay ko naman ay si Tatay Andong." Tumango-tango ito. "Iyong bagong tauhan dito sa farm. Masipag sila." Puri nito na ikinangiti ko. "Oo naman. Tapos ikaw narito at nag-iihaw lang ng kamote habang ang lahat ay abala sa trabaho." Pasaring ko rito. Pero nagbibiro lang naman ako. "Tsk. Tapos na ang trabaho ko kaya may oras akong gawin ito." "Kasisimula lang ng araw tapos na ang trabaho mo? Anong trabaho mo ba rito?" "Hays. Nakapag-check na ako ng mga deliveries." Pero may duda pa rin ako. Kahit pa tumango-tango ako ay pinagdududahan ko pa rin ito. Nang naluto nito ang kamote ay pumwesto kami sa Kubo. Papag lang naman iyon na may bubong na ang gamit ay kugon. "Matagal ka na rito Apollo?" "Oo." "Talaga?" "Oo nga. Simula no'ng nagsimula ang farm." "Matagal na itong farm. Parang 10 years ago?" tumango naman ito. Nagsimula kaming kumain ng kamote. "Wala kang balak na maghanap ng ibang trabaho?" natigilan ang lalaki. "Bakit naman maghahanap ako ng ibang trabaho?" ani nito na takang-taka sa tinatanong ko. "Ang gwapo mo kasi. Sayang naman kung magsasaka ka lang habambuhay." "Excuse me?" ani ng lalaki. "Uy! Huwag mong masamain ang sinasabi ko, ha. Maayos na trabaho ang pagsasaka. Pero ilan lang ang umuunlad. Madalas nga'y iyong mga may-ari lang katulad dito sa farm. Mahirap lang kami. Pagsasaka ang trabaho ng magulang ko. Masipag sila. Pero walang usad ang buhay namin kahit pa magtulong-tulong kami." "Wala akong planong lumipat ng trabaho." Tugon nito. Tumango-tango naman ako. "Dito mo ba sa trabahong ito binubuhay ang asawa't anak mo?" Sa gwapo niyang iyon ay tiyak maraming babae ang nagkakandarapa rito. Ilan na kaya ang panganay nitong anak? "Calliope, wala akong asawa't anak. Iyan ba ang paraan mo para malaman mo kung single ang isang tao? Type mo ba ako?" nakangising tanong nito sa akin ikinakunot ng noo ko. "Type kita?" tumango ito't ngumisi. "Wala akong planong pumatol sa kapwa ko mahirap." Hirap na hirap na nga ako sa buhay ay magpapapasok pa ba naman ako ng taong kasing hirap ko rin? "W-hat?" hindi makapaniwalang ani ng lalaki. "Kamote na nga ang palagi kong kinakain no'ng bata ako... pipili pa ba naman ako ng lalaki na kamote pa rin ang ipapakain sa akin?" iniangat ko pa ang inihaw na kamote na mainit-init pa. "Iniinsulto mo ba ang pagiging magsasaka ko?" "Hindi. Sinasabi ko lang na hindi kita type sa ibang paraan." Tugon ko saka in-enjoy na lang ang pagkain ng kamote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD