PAGMULAT ng mga mata ni Soffie ay si Nick ang bumungad sa kaniya. Binubuksan nito ang mga bintana sa kaniyang silid upang papasukin ang init ng araw. “How are you?” walang emosyong tanong nito at lumapit matapos tuluyang mabuksan ang bintana sa kaniyang silid. Nagtataka siya sa dahilan kung bakit ito naroroon. Anong ginagawa ng lalaking ito sa kaniyang silid? Ngunit bakit naman niya iyon dapat itanong kung ito naman ang nagmamay-ari ng silid na ito maging nang buong bahay. Nagbalik tuon siya sa tanong nito. Wala siyang maalala bukod sa mga oras na nasa loob sila ng sasakyan. “Anong nangyari?” takhang tanong niya at pinagmasdan ang sarili. Namilog ang kaniyang mga mata nang maramdamang tanging panloob na damit lamang ang kaniyang suot. Naupo siya sa kama habang hawak-hawak ang kumot sa ka