FLY: Chapter Five

1371 Words

TILA nagising si Chynna sa isang napakahabang pagkakatulog at nagisnan niya ang kanyang sarili na nasa loob ng isang kubo. Isang langaw ang biglang lumabas sa kanyang bibig at lumipad sa kung saan. Sa harapan niya ay may isang matandang babae. Naramdaman niya na parang may dala siya sa kanyang kamay at malakas siyang napasigaw nang makita niya na isang duguang puso ang tangan niya. Hindi niya alam kung puso ba iyon ng hayop o ng tao. Nabitiwan niya tuloy iyon at nalaglag sa kawayang sahig. “Nangyayari na nga ang sinabi ng Diablo!” nakatawang turan ng matandang babae sa kanya. Takot na takot si Chynna. Wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari. Lalo na kung paano siya napunta dito. Ang huli niyang natatandaan ay nasa bahay siya ni Peter. Naglakad palapit sa kanya ang matanda at dinampo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD