-Dianne's-
Isang linggo na rin simula nang pumunta si Maxine sa England kaya mag-isa lang ako ngayon uuwi at commute pa. Though sanay naman na ako sa mga byahe dito kaya ayos lang.
Mag a-alas otso na nang gabi kung kaya't malapit na ako mag out. Nag tungo na ako sa locker room paraag palit ng damit, nakasout lang ako ng maong jeans at V-Neck na blouse pinatungan ko rin ito ng cardigan dahil medyo malamig na sa labas.
Nag mamadali akong lumabas sa exit door ng mga empleyado para tumungo agad sa pilahan ng jeep para makasakay agad kung sakali kakaunti pa ang mga pasahero. Pag ganitong closing time pa naman ay siksikan lagi ang mga pasahero, mahirap makipag-siksikan kaya ganito lagi ang routine ko sa tuwing babyahe ako.
Lakad takbo ang gawa ko para makarating agad kaso kung kelan malapit na ako sa pilahan ay saka pa walang tigil na bumubusina itong kotse na nasa likuran ko at hindi ko alam kung sino ito. Nilingon ito at nung nag bukas ang pinto ay napatda ako sa aking kinatatayuan nung iluwa nito ang napaka-gwapong nilalang ngunit ubod ng suplado at napaka-aroganteng si Sir Jaxxon.
"Are you going home? Hatid na kita." Sabi nito na ngayon ay prenting nakasandal ito sa gilid ng kanyang magarang kotse.
"Hindi na kailangan Sir. Mag co-commute nalang po ako madali lang naman ang byahe. Salamat nalang po." tinalikuran ko na ito at nag lakad na ulit papunta sa pilahan. Ngunit nagulat nalang ako nang may humawak sa palapulsuhan ko.
"Don't be so stubborn, Dianne. I'll drive you home safe and sound kaya better go inside my car before I'll drag you here!" Pananakot nito sa akin kaya nag natangay nalang din ako.
A-ano pa bang magagawa ko? Eh hila-hila ma na ako. Kulang na nga lang pilipitin mo 'tong kamay ko!" Iritado kong sabi sa kanya sabay waksi ko sa kamay niyang nakahawak parin sa palapulsuhan ko.
"Sorry.." Sabay bukas ng pintuan at inalalayan ako para ayos na makapasok. Kita kong umikot na ito at pumasok ng kotse.
"Fasten your seatbelt. Mabilis akong mag maneho baka ma fall ka sa akin. Sambit niya at nag kamot kanyang kilay na tila nangangati ito.
"Asa ka! Dami mong alam." Yamot kong sabi sa kanya na siya naman ikinatawa nito nang malakas. Ang lakas talaga mang asar ng lalaking 'to.
Hindi ko alam kung paano kami mabilis na nakarating ng condo ko at nagtataka ako bakit alam nito? Eh hindi ko naman sinasabi sa kanya. May pag ka investigator uata ang lalaking 'to.
"Salamat." Sabi ko sito sabay kalas ng seatbelt at dahan-dahang binuksan ang pinto para bumaba. Ngunit nagulat ako dahil basta nalang din itong bumaba.
"Anong ginagawa mo? May unit ka rin ba dito? At paano mo nalaman na dito ako nag ii-stay?"
Sunod-sunod kong tanong sa kanya na tila iritang irita na ako. Napangisi ito kung kaya't mangha akong napatingin sa kanyang dimple na basta lumitaw.
"You are looking at my dimple huh?" Pang aasar nito sabakin na siya namang ikina-yuko ko dahil sa hiya.
"And by the way. Oo may unit ako dito at staka... Kasalanan ko bang makita ang personal details mo dun sa opisina na naka-display doon chart?"
Pasupladong sagot nito sa akin. Dahil sa inis ay basta konnalang ito tinalikuran at direstong pumasok sa elevator para sumakay. Ngunit hindi paman nagsasara ay basta nalang din ito pumasok at sumandal sa ding-ding. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang numero ng aking unit floor. Pero nasa 2nd floor na ay hindi parin nito pinipindot ang mga numero kung saang floor siya lalabas. I fold my arms and watch straight the arrow that patiently blings to ease the awkwardness of the two of us.
Tumunog na ito hudyat na nasa floor unit ko na ito kaya dahan-dahan akong lumabas. Ngunit nagulat ako dahil lumabas din ito kaya mabilis akong napatingin sa kanya na may halong pagtataka.
"Are you stalking me Sir?" Iritado kong singhal sa kanya dahil sa pagkayamot. Tumaas ang kanyang isang kilay at pilyong nag kamot sa kanyang batok.
"No! And why will I follow you? My unit is also here on this floor."
Pasuplado nitong sabi kung kaya't inis na inis ako kaya padabog akong lumakad at lumiko sa right side ng hallway at rinig na rinig ko ang taltak nito na para bang nang iinis pa. 2nd to the last ang silid ko kaya malapit lapit na ako pero nakasunod parin ito sa akin. Kaya nag dahan-dahan muna ako ng paglakad para pakiramdaman kung saan pinto siya titigil. Nang marating ko na ang aking pinto ay siya namang pag tigil niya sa mas naunang pinto sunod sa akin kaya gulat akong napatingin sa kanya na hawak-hawak na niya ang doorknob.
"Magkatabi lang tayo? Seriously Sir? Small world." Pilya kong sabi sa kanya. Napatawa naman ito at umiling-iling kaya inirapan ko siya at kinuha nalang susi sa aking bag. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla siyang umimik.
"Yeah. It's really a small world Miss, Dianne Ace Reyes. By the way, Goodnight. Lock your door properly. Baka pasukin kita jan mamaya." May diin nitong bigkas sa aking pangalan sabay pilyong kumindat sa akin and it seemed to send shivers through my body. Kaya mabilis akong pumasok at malakas na naisara ang pinto. Hingal akong napa-upo sa sofa at pilit na pinoproseso ang nararamdaman.
Ahhhh! I hate this feeling. Bakit ba tuwing nakakasama ko ang lalaking yun ay ganun lagi ang nararamdaman ko! Parang kakapusin ako sa pag hinga sa tuwing malapit siya sa akin. I didn't feel this when my ex and I were together.
*********************************************
Mabilis lumipas ang mga araw at linggo ngunit hindi parin bumabalik si Max dahil may mga tina-trabaho daw ito doon sa kompanya nila sa England. Hindi na kayang gampanan ng Daddy niya ang mga personal business nila kung kaya't siya na muna ang namamahala doon. Hindi naman nawawapa ang communication namin dahil araw-araw nag vi-videocall kami. Tulad nalang ngayon kausap ko siya. Kini-kwento niya na sobrang miss na daw niya ang pinas. At malimit niya din sambitin si Kale ang pinsan ko.
"Umamin ka nga sa akin Max. May communication ba kayo ng pinsan ko?"
"Who's cousin?" Tanong pabalik nito.
"Kale. Kale James Cabrera." Padiin kong banggit ng boung pangalan ni Kale. Napangiti ito at biglang namula ang magkabilang pisnge kaya napatawa ako ng mahina. Sus! Kala mo naman ay may iba pa akong pinsan na lalaki na pina-kilala sa kanya.
"Okay.. It seems that I don't need to hear your answer, your smiles already answered my question."
"Loko yun ah! Hindi sinasabi sa akin na may pinopormahan na pala." Pa iro kong sabi sabay nguso na para bang bata na nagtatampo.
"Yah! Siya unang nag chat sa akin ha! At staka for business thing lang yun. "
" Sus! business daw!” pliya kong pang a-aasar sa kanya. “I missed you Max.” Sabay kiss ko sa screen ng phone ko na siya naman ikinagat ko dahil madilim ang mukha at salubong ang mga kilay na nakatingin si Sir Jaxxon sa akin. Sheeet! Nakapasok na pala ito ng hindi ko man lang namamalayan. Kaya napatay ko agad ang videocall namin niax sa sobrang hiya ko.
Nakakahiya ka Dianne! Sabihin naman niyan ay nakikipaghalikan ka sa phone mo! Shette ka talaga! Kastigo ko sa aking sarili habang nakayuko.
Dahan-dahan akong tumayo para lumabas dahil wala akong lakas ng loob para salubungin ang matatalim niyang tingin sa akin. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay isinara na nito ang pinto at humakbang patungo sa akin.
"Do you have a boyfriend?" Diretsong tanong niya habang salubong ang mga kilay. Hindi ako maka-imik! Para bang napipi na ako dahil sa awra ng mukha nito. Kailangan ko na talaga makaalis dito. Mukhang galit na dragon na naman ito na kahit anong oras ay pwedi mag buga ng apoy.
"Wa-wala po S-sir.." Sagot ko sa kanya sabay yuko dahil hindi ko kayang tingnan siya. Kung nakakatunaw lang ang tingin nito ay sigurado kanina pa ako tunaw na tunaw.
"And who are you talking to and you even kissed the screen of your phone? 'Damnt it!' Sunod-sunod na tanong nito at nag mura ng pabulong. Kahit sobrang hina nun ay talagang rinig na rinig ko. Ano ba kasi ang kinagagalit nito? Kung pinag babawal naman dito sa trabaho ay siya lang siguro ang nag patupad ng rules na yun.
"S-si Max yun Si—"
"Drop the formality Dianne! I am 30 years old, and we are only few years apart in age. You make me look too old."
"So-sorry Si— este..."
"Jaxx. You better call me Jaxx. Hmmm?"
Sana may anghel na pumasok dito at hilahin ako palabas sa silid na ito. Hindi ko na kayang makipag usap o makipag titigan sa lalaking ito.
"Sabay na tayong umuwi." Sambit nito at tumalikod na agad at deritsong nag tungo palabas ng pintuan. Nakatayo pa rin ako at wala sa sarili kung kaya hindi ko narinig na may sinasabi pa pala ito.
"Let's go Dianne." Yakag nito at mabilis na bumalik sa kinatatayuan ko at walang sabi na hinawakan ako sa palapulsuhan para lumabas ng silid na ito.
Sheeet! May tila kuryente na namang dumadaloy sa katawan ko. Ahhhhh!
Why am I always like this every time he holds my hands.. Every time he looks at me I feel like I'm melting.. It's really weird! Am I still Normal?