Chapter 4

1484 Words
-Jaxxon Kade's- "Kuya papunta na ako sa boarding house ni D." Fuck! That Bastard! May kalalagyan ka saakin Ian! Makikita mo! Sinaktan mo ang mahal ko! Napamura ako sabay tawag sa kapatid ko. "Hey! Malapit ka na ba? Ano? Kamusta siya? s**t! Dapat talaga nilapitan ko nalang siya kanina. Bilisan mo naman Max! Baka kung napaano na yun doon!" Yamot kong sabi kay Max na nag aalala na din sa kaibigan niya. ‘This time D, you'll be mine.’ Pilyong sabi ko sa aking sarili sabay inom ng alak.' "Call you later Kuya andito na ako sa labas ng boarding house ni Dianne. Naririndi na ako sa mga mura mo! Praning kana talaga!" "Balitaan mo ako agad. You need to do something Max para makalimutan agad ni D yung gagong Ian na yun! Flight ko na bukas papuntang England at hindi ko alam kung kelan ako makakabalik at ikaw na muna ang bahala sa kanya." Hindi na siya sumagot at basta nalang pinatay ang phone niya. 'Damn! 'That brat!' Sino ang hindi mapa-praning eh halos boung buhay ko siya lang ang laman ng isip at puso ko.Shit talaga! 'f*****g Seventeen Years, Jaxx!’ Seventeen years na akong baliw na baliw sa Dianne ko. *End of Flashback* Isa yan sa mga naalala ko sa tuwing naiisip ko si Dianne habang nandito ako sa England. Matagal ko nang gusto si Dianne. Palihim ko siyang minamahal noon pa man. First Year High School siya noon nang una ko siyang makita at na Love at First Sight agad ako sa kanya. Corny diba? But swear tinamaan talaga ako sa angkin niyang ganda. Napaka Low-key ng kagandahan niya. At sa tuwing dinadala siya noon ni Max sa bahay namin sa Cebu ay doon ako palihim na tumitingin sa kanya at bou na ang araw ko noon. Hindi niya alam na may kuya si Maxine dahil hindi naman talaga ako lumaki sa Cebu. At hindi rin naman na o-open yun sa kanya ni Max. Sa England na ako nag stay simula mag High School ako at College. Mas pinili ni Dad na doon ako mag aral para masanay ako sa mga bagay-bagay doon para kung sakali na ready na ako mag handle ng kompanya ay madali nalang ito. Umuuwi lang ako sa amin sa Maynila at Cebu tuwing sem-break namin. Pero minsan pag kailangan ako JMI Mall ay malaya akong pabalik pabalik ng byahe at mag ii-stay lang sa Mansion ng isa o dalawang araw bago bumalik ulit sa England. At kung nasa Mansion man ako sa Maynila ay hindi rin ako lumalabas ng kwarto ko. Ginugugol ko ang oras ko sa pag pipinta ng kung ano-ano at isa na dun ang magandang mukha ni Dianne. Palihim ko siyang pina-pakuhanan ng litrato kay Max noon. Tuwing nasa England ako ay hindi ko pinapahintulutan ang kahit na sino na pumasok sa aking kwarto. Ayaw kong makita ng iba ang mga gawa kong paintings ng Hidden Love ko. Tanging si Maxine at Manang Flor lang ang nakaka-alam ng mga kalokohan ko sa buhay. Naalala ko noon minsan akong umuwi sa Manila dahil nag ka emergency sa kompanya. Abala ako sa pag pi-paint sa kwarto ko nang may narinig akong may nag tatawanan sa kabilang kwarto at silid yun ni Max. Bigla naman akong natuwa dahil rinig ko ang napaka-gandang boses ni Dianne. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto at walang ingay na tinungo at dahan-dahang sumilip sa naka-awang na pinto ng kwarto ni Maxine. Biglang napatingin si D sa pintuan kung saan nakasilip ako kaya mabilis pa sa hangin na tinungo ko ang aking silid para makapasok agad. Hidden Love ko si Dianne at Stalker naman niya ako at the same time Secret Admirer na rin. Oo! Sabihin nang Gago ako pero totoo yun. Gagong gago ako pagdating kay Dianne. Hindi ko matanggap noon na sinagot niya si Ian. Si Ian na mortal kong kaaway. Hindi ko alam kung trip niya lang na ligawan si Dianne para ipa-mukha sa akin na naunahan niya ako. At nung nag break sila ay doon na ako nag lakas loob na gumawa ng hakbang. Palihim ko siyang sinusundan at tinitingnan sa malayuan. At kung wala naman ako ay yung mga tao ko ang lihim na umaaligid sa kanya, bawat oras at minuto kailangan nire-report nila saakin kung ano ginagawa at kung nasaan si Dianne. Tanging si Max ang gumagawa ng paraan para maging magaan at hindi mahirapan si Dianne sa mga pinag-dadaanan nito noong nabubuhay pa ang Mama ang niya. Nung nalaman kong sumama na si Dianne kay Max sa Maynila ay ako mismo ang nag offer na ipagamit niya ang lumang condo ko. Minsan doon nagpapalipas ng gabi si Max tuwing late na lalabas galing sa opisina kaya hindi rin yun madalas na natutulugan. Mas maigi na yun kesa sa mag board siya kung saan. Ayaw ko nang may ibang lalaki na malayang pinag-papanstayahan si Dianne. Ako lang dapat! At ako din ang nag utos na ipasok siya sa JMI Mall at gawing Manager ngunit hindi tinanggap ni Dianne ang offer na yun dahil sa personal na rason. At isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Ayaw niya na ilalamang siya sa ibang tao. ************************* Kakababa ko lang ng eroplano galing England at nag pasundo ako sa taohan ko. I'm on my way to my unit in Makati. At hindi ko alam pero parang Gagong ulol na ako dito sa kotse ko. Kinakabahan ako na parang maiihi dahil siguro sa kasabikan na makita agad si Dianne. Malaya ko na siyang makikita sa malapitan dahil magkatabi lang ang unit natin. Nang makarating sa aking unit ay agad kong tinungo ang aking kwarto at hinawakan ang kanyang litrato na naka-display sa maliit na lamesa. ''See you tomorrow Babe. We're so close, yet so far. At ngayong padir nalang ang pagitan natin ay wala ka nang kawala sa akin.” Pilyo kong sambit habang hawak-hawak yung frame. Maaga akong nagising para bumili ng rosas at isiningit ko agad ito sa ilalim ng kanyang pinto. Para akong loko na nakangiti sabay pasok sa aking unit para maghanda papunta sa JMI Mall. Mabilis akong natapos sa pagligo at agad na ginayak ang aking gamit na dadalhin sa opisina. Lalabas na ako ng pinto nang makita kong may message galing kay Max kaya binasa ko muna ito. Maxine: Hey you! Jerk! Agang-aga ini-stress mo na si D. Tinapon niya yung pa-flower mo. Nagsalubong ang mga kilay ko sabay hinga ng malalim. Hindi ko na sinagot ang message niya at nagmadali nalang lumabas. Sinulyapan ko lang ng madali ang pintuan ni Dianne at nakita kong wala na nga doon ang bulaklak na siningit ko. Ilang minuto lang at nakarating na agad ako dito sa Mall. Kaka-park ko lang ng kotse ko dito sa parking lot at dumiretso na agad ako sa private elevator para tumungo sa office ko. “Good Morning Sir Jaxx.” Bati ng mga empleyado at secretary ko. Tango lang ang naging sagot ko sa kanila bago binabaybay ang hallway papunta sa aking opisina. Namg makapasok ako nakita kong may timpla nang kape na nasa table ko. Napangiti naman ako bigla. Alam na alam na ni Crissa ang gagawin niya sa tuwing andito ako. She's my Secretary, My very loyal secretary. "Dumating na ba si Max?" Tanong ko sa secretary ko bago humigop ng kape at umupo sa swivel chair. "Yes Sir. Kanina pa po sila nakarating ni Miss Dianne." sagot ni Crissa at bigla naman ako napangiti ng lihim nang marinig ang pangalan ni Dianne. Humigop ulit ako ng kape bago naisipang pumunta sa opisina ni Maxine. Mang-aasar muna ako. Bulong ko sa aking isip habang papalapit sa pinto ng opisina ni Maxine. Pag bukas ko ng pinto nakita ko doon si Dianne na tila gulat na gulat na napatingin sa akin at ganun din si Max. Mabilis akong pumasok at dahan-dahan na sinasara ang pinto habang titig na titig kay Dianne. Na agaw lang ang aking atensyon nang basta umimik si Maxine. Nagulat siya nang makita ako palibhasa hindi ko pinaalam kong ano oras ako darating. Pilyo akong napangisi ng palihim. "K-kuya?" Gulat na sambit ni Max ngunit sa pabulong na paraan. Napatingin siya kay Dianne at agad ding ibinalik ang tingin sa akin at inirapan lang ako bago humalukipkip. Tinaasan ko lang siya ng isa kong kilay bago umupo sa sofa. Tiningnan ko si Dianne ngunit napatawa ako ng bahagya dahil sa reaksyon na nakita sa kanyang mukha. Dahil siguro sa narinig niyang pagtawag sa akin ni Maxine kaya ganon ang kanyang reaksyon. Napayuko ako sabay hawak sa magkabila kong kilay para hindi niya makita na napapatawa ako. "You! Don't you know how to knock before entering my office?" Iritadong sabi ni Maxine kaya napa-angat ako ng aking ulo. “Liar!” imbes na sagutin siya ay yun ang nasambit ko dahil nakita ko ang rosas na isiningit ko kanina sa pintuan ni Dianne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD