-Dianne's- Did we make it? No... We didn't! Six Years After.... Mabilis lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ngunit andito parin ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing sumasagi at naalala ko ang nangyari! Pilit akong hinahabol nang nakaraan, nakaraan na ayaw ko nang balikan at maalala. Sobrang sakit nun na parang ilang daang kutsilyo ang tumutusok sa aking dib-dib habang nakikita ng dalawang mata ko kung paano nakikipagpalitan ng halik si Jaxxon sa isang babae na pamilyar sa akin. Mabilis kong iniling-iling ang aking ulo para iwaksi ang naalala. Agad akong naligo at nag bihis ng mabilis nang aking uniporme dahil maya-maya lang ay nandiyan na ang aking maligalig na sundo! Nag blower lang ako ng aking buhok dahil medyo basa-basa pa yun. Kailangan prisentable ako at hindi kinak