Kasalukuyang ginagawa ni Alejandrino ang kanyang trabaho bilang embalsamador sa pinapasukang morgue.
"Anong kinamatay nito? Bakit ganito ang hitsura?" tanong ni Alejandrino sa pinsan niyang si Billy.
"Uhm, nalunod daw eh,"
"Naku, kaya pala,"
"Tara, tulungan mo na ako ilagay na natin sa stretcher," saad ni Billy.
Nilagay na nila sa stretcher ang bangkay at saka sinimulan ang trabaho nila.
"Mahihirapan na naman tayo maglagay ng formalin nito," saad ni Alejandrino.
"Oo nga eh, wala… ganyan talaga ang buhay… I mean ang patay," saad ni Billy na nakapamewang.
Napatingin naman si Alejandrino sa lalaking bangkay at nagsalita.
"Naku, Bro, sayang, gwapo ka at mukhang bata ka pa, hays, bakit naman kasi nalunod ka? Pag hindi kaya sa malalim, sa mababaw lang, okay? Wag puro yabang pinapairal, kaya namamatay eh, tsk tsk!" saad ni Alejandrino habang inaasikaso na ang katawan nito.
"Hoy, bakit ba kinakausap mo yan? Pag yan sumagot, tatakbo tayo pareho dito," saad ni Billy na natatawa.
"Saka hindi naman daw 'yan nagyabang, ang sabi nila ay nahulog daw sa terris at tumilapon ang katawan sa pool, nahuli daw kasi ng legal na asawa na nakikipaglampungan sa kabet," saad ni Billy.
"Talaga? Aba naman! Hays! Hindi kasi makuntento sa isa! Ano ba naman yan!" singhal ni Alejandrino na naiinis.
"Ayusin mo ang paglagay ng formalin dyan at wag ka na magreklamo, baka mamaya ay bumangon yan at sumagot talaga sayo," saad ni Billy na nag eembalsamo rin.
Matagal na siya sa propesyon niya at marami na siyang alam dahil sa murang edad niya ay nakikita niya ng nag eembalsamo ang kanyang lolo at tiyuhin, pag aari nila ang funeraria na nagngangalang "Forever Libing" sikat na sikat ito sa lugar nila dahil sa maayos na pag eembalsamo nila ng mga patay, hindi kalaunan nang mag binata siya ay tinuruan na rin siya ng kanyang tiyuhin, sa una ay nanunuod-nuod lamang siya ngunit hindi nagtagal ay nakakasama na rin siya at tinutulungan ang kanyang tiyuhin sa pag eembalsamo, ito na ang naging kabuhayan nila simula non.
Maaga kasi siyang naulila sa ama habang ang ina niya naman ay isang fish vendor sa palengke ngunit matanda na ito kung kaya naman gusto ng patigilin ni Alejandrino sa pagta-trabaho.
Alas tres na ng madaling araw at matatapos pa lang sila sa trabaho. Ikinuha siya ni Billy ng kape at saka sila nag coffee break.
“Inaantok na ako,” saad ni Billi na nag iinat na.
“Sige na, ako ng bahala dito, mauna ka na, matatapos naman na tayo eh at saka ilang araw ka ng walang tulog Billy, baka mamaya ikaw na yung eembalsamuhin ko, magpahinga ka, matulog ka,” saad naman ni Alejandrino dahil hindi pwedeng dalawa silang puyat at laging walang tulog, kailangan ay alternate sila.
Sa propesyon nila ay mahirap talaga mawalan ng pahinga dahil katawan nila ang bibigay at kapag nangyari iyon ay walang mag aasikaso sa mga patay.
“Sige, kuya, una na ako,” saad ni Billy na nagpaalam na.
“Sige, mag ingat ka dyan sa daan ah,” saad niya kay Billy bago ito tuluyang lumabas ng morgue.
Binihisan na ni Alejandrino ang bangkay, ginupit niya na ang barong nito at saka iniayos ang pagkakalagay sa katawan nito.
Nang masiguro niyang ayos na ang lahat ay naupo siya sandali upang magpahinga hanggang sa hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya dahil na rin sa sobrang antok.
Alas sais na ng umaga nang magising siya, kinusot kusot niya ang mga mata at napansing nakatulog siya habang nakasandal ang ulo niya sa desk.
“Alejandrino!” narinig niyang bulalas ng isang babae, kaagad siyang napatayo dahil nabobosesan niya ang babae at pag tingin niya nga ay nakita niya si Aling Lina, ang nanay ng ex girlfriend niyang si Trina.
“Aling Lina, napadaan ho kayo dito? May problema po ba?” tanong niya naman ngunit nakatikim siya ng malakas na sampal mula sa ginang.
“Walang hiya ka! ikaw ang dapat sisihin sa pagkamatay ng anak ko!”
“Ho? ano pong pinagsasasabi ninyo?!” tanong ni Alejandrino.
“Patay na si Trina! patay na ang anak ko dahil sayo! hindi ko alam kung ano ang koneksyon mo sa mga lalaking iyon ngunit tinakot nila si Trina na papatayin ka kapag hindi sumunod ang anak ko sa kagustuhan nila!” paglalahad ng ginang at halos mangilid na ang mga luha sa sobrang sama ng loob.
“Wala ho akong alam sa sinasabi ninyo, wala pong nabanggit sa akin si Trina at saka isang buwan na ho kaming hiwalay,” saad ni Alejandrino na halos hindi makapaniwala.
Ang babaeng pinag alayan niya ng pagmamahal sa mahabang panahon ay patay na.
Si Trina ay childhood sweetheart niya at ang kauna unahang babaeng minahal niya ngunit ayaw nito sa propesyon niya kung kaya’t iniwan siya nito.
Si Billy ang kumuha sa bangkay ni Trina sa isang Hotel dahil naitawag ito kaagad sa kanya kung kaya naman naghintay na lamang si Alejandrino sa morgue habang bagsak ang mga balikat na nakaupo sa mahabang upuan na naroon. Hindi mapigilan niya mapigilan ang pag agos ng kanyang mga luha.
Maya maya ay dumating na si Billy dala dala ang bangkay ni Trina.
“Condolence kuya,” malungkot na saad ni Billy at yumuko lang si Alejandrino.
“Kaya mo ba? gusto mo ako na mag embalsamo?”
“Hindi, ako na, kaya ko at saka… si Trina yan, alam mo naman ang nakaraan namin diba?”
“Sige, basta kuya pag kailangan mo ng tulong dito tawagan mo lang ako, hindi ako makakapasok mamaya kasi nasa Ospital na naman ang nanay, kailangan kong magbantay,” saad pa ni Billy at tumango na lang si Alejandrino.
Mistulang pinagsakluban siya ng langit at lupa ng mga oras na iyon at hindi malaman ang gagawin.
Nagkataon naman na si Trina lang ang nag iisang bangkay na eembalsamuhin niya ng araw na iyon at wala ng iba ngunit mukhang mahihirapan siya.
Lumapit na siya sa bangkay na nakatalakbong ngunit hindi niya kayang alisin ang nakatabing na puting tela.
Dumaan pa ang ilang minuti ngunit para siyang paralisado na nakatingin lamang dito.
Maya maya ay tinapangan niya na ang sarili at saka inalis ang nakatabing na puting tela.
Tumambad sa kanya ang walang buhay na si Trina. Malamig na ang katawan nito at sobrang maputla. Pagod din ang mukha nito at halatang pinahirapan.
Ayon sa autopsy report ay ginahasa ito at nagtamo ng labinlimang saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ngunit hindi malinaw ang motibo ng pagpatay dito.
Kilala niya si Trina bilang isang babaeng mataas ang pangarap at ang tanging iniisip lang ay maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya kung kaya’t lahat ng trabaho ay pinasok nito ultimo pagiging dancer at entertainer sa club ngunit hindi niya akalaing ang kanyang kagustuhang lumipad at maabot ang mga pangarap ay hahantong sa kanyang malagim na katapusan.
Tandang tanda niya pa ang mga sinabi ng dalaga noon habang nakikipaghiwalay ito sa kanya na wala daw itong mapapala kung mananatili lang sa kanya dahil sa trabaho niya pero ang trabahong iyon ang ngayon ay maghahanda sa kanya sa pagtahak sa kabilang buhay.
Isang oras na ang nakalipas. Nakaupo lamang siya sa monobloc chair sa harap ng bangkay ni Trina at pinagmamasdan ang mukha nito.
Marami siyang gustong sabihin, gusto niyang ipaalam dito kung gaano niya ito kamahal ngunit alam niyang hindi na nito maririnig ang bawat pighati at sakit na nararamdaman niya.
Sa kanyang pagdadalamhati ay lumabas siya sandali sapagkat hindi niya pa kayang galawin ang bangkay nito.
Pumunta siya sa pinakamalapit na convenience store at saka bumili ng alak at ice cubes.
Nang makabalik ay ininom niya ang alak hanggang sa maubos niya ang kalahati ng bote.
Handa na siyang mag embalsamo. Sinuot na niya ang kanyang lab gown at gloves, kinuha niya na rin ang mga kagamitan na gagamitin niya ngunit habang nag aayos ay narinig niya ang isang cellphone na tumutunog, kinapa kapa niya ang cellphone niya sa bulsa at tinignan ngunit tahimik naman ang cellphone niya at walang tumatawag at text.
Hindi niya alam kung kaninong cellphone ang naririnig niyang tumutunog ngunit sinundan niya ang tunog nito at nakakita siya sa sahig ng isang eco bag, kaagad niyang kinuha iyon at nakita niya ang mga gamit ni Trina. Sa bag nito nanggagaling ang tunog at nakakita siya ng cellphone.
Kinuha niya iyon at may tumatawag at ang nakarehistrong pangalan ay “Gabo”. Sinagot niya iyon dahil mukhang hindi alam ng taong iyon ang nangyari sa kanya.
“Hoy Trina, aba’t mabuti naman sinagot mo na ang tawag ko, ano?! hanggang kailan mo ako paghihintayin? nasasabik na ako sayo! gusto na kitang makasama dito sa kama ko ulit!”
Pinatay na ni Alejandrino ang tawag at nanggigil sa inis. Akmang ibabato niya ang cellphone ngunit nakapagpigil siya at ibinalik na lang sa bag iyon dahil alam niyang gagamitin ang cellphone na iyon sa pag iimbestiga ng mga pulis kung anong tunay na nangyari kay Trina.
Hindi niya mapigil ang kanyang galit at sinabunutan ang sarili habang nakatingin kay Trina. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dito.
“Bwisit! bwisit! bakit ba nangyari sayo ito Trina?! anong ginawa mo?! kung hindi ka nakipaghiwalay sa akin hindi sana mangyayari ito! bakit?! dahil ba embalsamador lang ako, huh?! bakit sa ganitong kalagayan pa tayo nagkita ulit?!” sigaw niya sa bangkay ni Trina.
Maya maya ay nagpatay sindi ang mga ilaw sa morgue. Hindi rin alam ni Alejandrino ang nangyayari at mukhang tumatalab na ang nainom niyang alak.
“Sabihin mo sa akin Trina, mas magaling ba sila sa akin sa kama, huh?! kaya mo ako iniwan?! hindi ba kita napapaligaya?! hindi ko ba naibibigay ang mga gusto mo?! ginawa ko ang lahat para mag stay ka sa akin pero iniwan mo pa rin ako! wala kang puso!” sigaw pa ni Alejandrino sa bangkay ni Trina, nasipa niya na ang trolley na kinalalagyan ng bangkay at hinawi ang mga gamit pang embalsamo.
Para siyang nag aamok ng walang kagalit kundi ang sarili ng mga oras na iyon. Hindi na siya makapag isip ng matino.
“Hindi totoo yan, Alejandrino,” saad ng isang pamilyar na boses na siyang nagpakalma sa kanya at pagtingin niya sa bangkay ni Trina ay nakadilat ito.
Napaatras pa siya ng bumangon ito at tumayo sa harapan niya, nahulog pa ang kulay puting kumot na nakatabon sa katawan nito. Hubo’t hubad si Trina sa harap niya ngayon at napaka aliwalas ng mukha na ng mukha nito habang nakangiti sa kanya.
“Trina? buhay ka?”
“Oo naman, buhay na buhay ako, Alejandrino,”
“Pero hindi totoo ‘to, patay ka na,”
“Panaginip lang ang lahat ng iyon, Alejandrino, buhay ako, kaya nga nandito ako sa harapan mo eh, kaya wag ka ng magalit. Bakit hindi na lang natin samantalahin ang oras habang nandito tayo?” saad ni Trina at saka lumuhod at pilit na hinuhubad ang kanyang pants pababa.
“Trina, wag dito,”
“Okay lang yan, masisiyahan ka naman sa gagawin ko,” saad ng dalaga at saka nagpatuloy sa paghubad ng kanyang pants.
Maya maya ay nadadala na siya sa ginagawa nito. Nag iinit na ang buong katawan niya at napapaungol na siya, masarap sa iyon sa pakiramdam.
“Ohh, Trina, ugh,” ungol niya habang sinusubo nito ang p*********i niya.
Nagdadalawa na ang paningin niya ngunit tuloy pa rin ang dalaga sa pagpapaligaya sa kanya.
Napapapikit na siya at napapabilis na ang pag atras abante ng mainit na bunganga ni Trina sa kanyang p*********i hanggang sa makaraos siya.
Nanghina siya ng mga sandaling iyon at tila pawis na pawis ngunit pagdilat niya ng mga mata niya ay nakahiga ang walang buhay na si Trina sa trolley at nakabitin ang ulo nito sa dulo habang nakasubo dito ang kanyang p*********i. Sa sobrang gulat niya ay mabilis niyang hinugot ang p*********i niya dito at iniayos ang ulo nito at saka tumakbo papunta sa banyo.
Naghilamos siya ng naghilamos upang mawala ang lasing niya. Napagsamantalahan niya ang bangkay ni Trina.
“Putang inang buhay ‘to!” asik niya sa isip habang pinupunasan ang mukha.
Sandali pa siyang napatulala na animo’y napakahaba ng gabing iyon at hindi niya matapos tapos ang pag eembalsamo.
Maya maya ay nagpatay sindi na naman ang mga ilaw at pagsindi ng ilaw ay nakita niya sa salamin ang hubo’t hubad na si Trina.
“Alejandrino, bakit ka naman tumigil? nagsisimula pa lang tayo,” saad ni Trina na ngumisi sa kanya.
“Tumigil ka na! tigilan mo na ako, Trina! wag mo akong paglaruan!” singhal ni Alejandrino ngunit lumapit lang si Trina sa kanya at hinaplos ang pisngi niya.
“Ngayon na nga lang ako nandito, tatanggihan mo pa ako? bakit mo naman ako iniwan doon? ang lamig lamig doon at ako lang mag isa,” malambing na saad ng dalaga at saka idinampi ang labi niya kay Alejandrino.
Animo’y totoong totoo ang mga halik na iyon dahil sa init na nararamdaman sa kanyang labi, hindi pa ito nakuntento at pinahawak sa kanya ang dibdib nito ngunit nang dumilat siya ay naroon ulit siya sa bangkay ni Trina at tila hinahalikan ang patay na katawan nito.
Dali dali niyang iniwas ang sarili at nabangga niya pa ang katabing trolley sa sobrang gulat.
“Tanga! ang tanga tanga mo! hindi ka kasi dapat uminom! tanga ka!” asik niya sa isip habang sinasampal ang sarili.
Ngayon ay nasa labas na siya ng morgue. alas dos na ng madaling araw at may dumaan na nagbebenta ng balot, yosi at candy kung kaya’t bumili siya ng yosi at mabilis na sinindihan iyon at hinithit buga.
Hindi siya naninigarilyo ngunit pakiramdam niya ay kailangan niya ngayon, nanginginig ang buong katawan niya at hindi niya alam kung bakit. Kakaiba talaga ang karanasan niya ng gabing iyon.
Nang bumalik siya ay desidido na siyang embalsamuhin ang katawan nito ngunit nagulat siya ng wala ang katawan nito sa trolley.
Kinusot kusot niya pa ang mata niya dahil baka namamalikmata lamang siya ngunit wala talaga iyon kung kaya’t naisipan niyang tawagan si Billy dahil hindi na ito biro, kailangan niya na ng kasama ng mga oras na iyon ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya.
“Alejandrino, nandito ako,” saad ng pamilyar na boses, halos tumayo ang balahibo niya ng maramdaman niya ang bulong non sa kanyang kanang tainga.
Hinarap niya ang bangkay.
“Ano bang kailangan mo sa akin?! bakit mo ginagawa sa akin ‘to?!” singhal niya na naiinis na.
“Gusto kitang makasama, sumama ka na sa akin, habangbuhay tayong magiging maligaya,” saad ni Trina at saka lumapit ulit kay Alejandrino at sa pagkakataong iyon ay itinulak siya ni Trina sa Trolley dahilan upang siya ang mapahiga doon.
Umibabaw ito sa kanya at nagsimulang ibaba muli ang kanyang pants at boxers at saka ipinasok sa p*********i niya sa p********e nito.
Hindi niya magawang magpumiglas ng mga oras na iyon. Tanging si Trina lang ang gumagalaw sa ibabaw niya. Ilang beses niya ng inisip na nananaginip lamang siya ngunit ayaw tumalab. Gusto niya ng gumising sa bangungot na iyon habang patuloy niyang naririnig ang halinghing at pag ungol ni Trina sa ibabaw niya.
“Alejandrino, na-miss kita, sobrang miss na miss ko na ang ganito, ahhh, ang sarap, ahhh,” nang aakit na ungol nito, naliligo na siya sa pawis.
“Tama na Trina, itigil mo na ‘to, patay ka na! wag mo na akong paglaruan!” singhal niya dito.
“Ganito nila ako binaboy Alejandrino, ganitong ganito, nagpakasasa sila sa akin hanggang sa manghina ako at hindi pa sila nakuntento,” saad ni Trina na galit na.
Unti unting napuno ng sugat at dugo ang katawan nito at paputla na ng paputla ang kanyang balat.
Kinuha ni Trina ang scalpel. Takot na takot na si Alejandrino.
“Anong binabalak mo?! nakikiusap ako sayo! tama na!”
“Pinagsasaksak nila ako hanggang sa mamatay ako!” singhal ni Trina at saka akmang isasaksak sa kanya ang scalpel.
“Wag!” sigaw niya ngunit nang magmulat ang mga mata niya ay nakaupo siya sa monobloc chair at tumambad sa harap niya si Billy.
“Kuya, ayos ka lang?” tanong nito ngunit hindi siya makapagsalita, napatingin siya sa bangkay ni Trina na naroon lamang at nakatakip ng puting tela.
“Mukhang nanamaginip ka ata ng masama ah, buti pala dumaan ako dito at sinilip kita,” saad pa ni Billy.
Napatingin siya sa oras at alas kwatro pa lang ng madaling araw. Maayos ang mga kagamitan na naroon at walang bakas na nagwala siya sa loob ng morgue hindi kagaya sa panaginip niya na gulo gulo na ang mga gamit.
“Hindi mo pa pala na eembalsamo, ang sabi mo ay kaya mo na mag isa,” saad pa ni Billy na halatang kakapasok lang dahil tinanggal nito ang bodybag na nasa katawan.
“Nakatulog ako,” palusot niya dito.
“Halika na, gawin na natin ang trabaho natin, sasamahan kita,” saad ni Billy na inayos na ang bangkay ni Trina.
Sinimulan na nila ang pag eembalsamo. Nabunutan na ng tinik si Alejandrino nang matapos sila.
“Sa wakas, natapos din, kakapagod!” saad ni Billy habang tinatanggal ang gloves niya.
Ayaw magsalita ni Alejandrino tungkol sa nangyari sa kanya at itinuring na ang lahat ng iyon ay bunga lamang ng kanyang kalasingan.
“Nga pala kuya, nabalitaan ko nahuli na daw yung pumatay kay Trina, nakakulong na,”
“Talaga?” sambit ni Alejandrino.
“Eh kaya nga ako dumaan dito dahil ibabalita ko sana sayo kaso pagdating ko nakatulog ka naman,” saad ni Billy at tinignan ang cellphone niya, “Tsk! oo nga pala si nanay! ah eh, kuya! una na ulit ako babantayan ko pa si nanay eh,”
“Sige,” iyon na lang ang nasabi ni Alejandrino.
Akmang papatayin niya na ang mga ilaw ngunit pagtingin niya sa trolley ay nandoon ang bangkay ni Trina at nakatakip ng puting tela kahit na inayos na nila iyon ni Billy.
Akmang lalapitan niya na iyon ngunit nagulat siya ng biglang narinig ang boses nito.
“Sumama ka na sa akin Alejandrino, papaligayahin kita hanggang sa kabilang buhay,” saad ni Trina na ngayon ay duguan at puno ng galit ang mukha na nakatayo sa kanyang harapan, hindi siya makagalaw, gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya naririnig ang sarili.
“Magkakasama na tayo at hindi na maghihiwalay pa,” saad pa nito.
***
Samantala, naabutan ni Billy si Alejandrino sa morgue na nakaupo sa monobloc chair, paharap sa sandalan ang pwesto nito at nakasandal ang mga braso habang nakalagay naman ang ulo doon. Ang akala niya ay na embalsamo na nito ang katawan ni Trina ngunit naroon pa rin iyon at mukhang hindi pa naiaayos.
Nahilot niya ang sintido nang makita niya ang isang bote ng alak sa lamesa.
“Hays, kuya! Gising na! Nakatulog ka, hindi mo na nagawa ang trabaho mo, akala ko pa naman ay tapos ka na pagdating ko dito ngayon,” saad ni Billy na niyugyog si Alejandrino ngunit hindi ito nagigising.
Doon na siya nag panic at saka niyugyog pa ito ng niyugyog ngunit nalaglag ito sa upuan at saka bumulagta sa sahig. Sa gulat niya ay kaagad siyang tumawag ng ambulansya ngunit idineklarang dead on arrival na ito sa ospital.
Bagsak ang balikat na naupo si Billy sa bench sa may lobby, napatingin siya sa Led TV na nakalagay sa itaas.
“Isang embalsamador sa Maynila, patay matapos maglasing dahil sa pagluluksa sa pumanaw na dating kasintahan, di umano ay hindi raw nito matanggap ang nangyari at naglasing ngunit ito ay naging sanhi ng aortic aneurysm,”
WAKAS.