V1 - Chapter 47

2322 Words
‘The impossible could not have happened, therefore the impossible must be possible in spite of appearances.’ [Murder on the Orient Express] Agatha Christie -Third Person’s POV- Naging abala sina Detective Angeles at Detective Ventura sa pagtukoy sa anak ni Lilia Casas habang ang kanilang mga kasamahan naman ay patuloy itong hinahabol. Si Detective Angeles and nakatoka sa CCTV footage kung saan kuha ang mga daan at eskinata na posibleng daanan ng lalaki habang si Detective Ventura naman ang naghahanap ng mga personal na impormasyon nito. “Detective Ventura, speaking. The man is Erman Casas, he is 32 years old and has an Angelman Syndrome,” wika nito habang binabasa ang mga impormasyon na nahanap. “Angelman Syndrome?” tanong ni Detective Portman habang patuloy pa rin sa pagtakbo. “Team leader, a person with Angelman Syndrome usually have a happy personality and have a particular interest in water. It is a genetic syndrome and it causes delayed development, problems with speech and balance, intellectual disability, and sometimes, seizures,” paliwanag ni Detective Ventura. Saglit naman siyang napatigil ng may mapansin sa record ng lalaki. “Team leader, I found something.” “What is that?” “Erman Casas has three criminal assault record. I’ll send you his picture.” Napatigil naman sa pagtakbo sina Detective Portman at Detective Raynolds upang kumpirmahin kung iisa lang ang nasa larawan at ang lalaki na hinahabol nila. Nang makumpirma ang hinala ay muli silang tumakbo at hinabol ang lalaki. At dahil hindi sila pamilyar sa lugar ay mabilis silang nailigaw nito. Mabilis na lumiko sa isang eskinita ang lalaki ata dahil medyo malaki and agwat sa pagitan nila ay hindi napansin nina Detective Portman kung saan dumiretso ang lalaki. “Putek! Saan ‘yong lumusot?” wika ni Detective Raynolds habang nakahawak sa magkabilang tuhod. Nakarinig naman sila ng ingay sa kanang bahagi kaya dahan-dahan silang lumapit do’n. habang papalapit ay naririnig nila ang pag-agos ng tubig na tila ba nanggagaling sa isang poso. “Sandali, hindi ba ‘yon ‘yong damit ni Erman?” sabi ni Detective Raynolds sabay turo sa nakatalikod na lalaki. Kaagad nila itong nilapitan at nakita nila ang lalaki na masayang nagbo-bomba sa poso at nang mapuno ang balde ay mabilis nitong kinawkaw ang kamay sa tubig at naglaro. “Hoy! Erman! Itigil mo ‘yan. Halika rito,” tawag ni Detective Raynolds sa lalaki pero hindi siya nito pinakinggan at nilingon man lang. Lalapitan n asana nila ang lalaki ng muling magsalita si Detective Ventura na rinig mula sa earpiece. “Team leader, it seems that Erman Casas has also Impulse Control Disorder which led him to commit criminal assault.” Impulse control disorder, are conditions where people have impulses that are difficult or impossible to resist. It is a class of psychiatric disorders characterized by impulsivity. “Erman, sandali, mag-usap tayo. Kilala mo ba ‘yong babae na nakalagay sa aparador niyo? Alam mo kung ano ang nangyari sa kanya hindi ba?” Nang dahil sa sinabi ni Detective Portman ay tumayo ang lalaki at kinuha ang bakal na ginamit niyang pambomba sa poso. “Hindi! Hindi ko alam! H-hindi ko siya kilala. Wala akong alam. Sabi ni mama ‘wag daw ako sasalita. Alis! Layo kayo sa’kin!” at iwinasiwas nito ang bakal na hawak kaya napaatras ang dalawang detective. “Ibaba mo ‘yang hawak mo. Hindi kami masamang tao. Ibaba mo ‘yang hawak mo, baka masaktan ka.” “Erman, huminahon ka muna. Wala kaming gagawin sa’yo. May itatanong lang kami kaya ibaba mo na ‘yang hawak mo.” Pag-aamo ng dalawa sa lalaki. Akmang ibababa na nito ang hawak na bakal kaya naman dahan-dahang lumapit ang dalawang detective pero muli nitong itinaas ang bakal at hinampas sa direksyon nila. Mabilis naman silang napaatras kaya nagawang tumakbong muli ng lalaki matapos bitawan ang bakal na hawak. “Bwiset naman oh!” reklamo ni Detective Raynolds ng matamaan sa tuhod ng bakal na ibinato ng lalaki. “Ayos ka lang ba, Detective Raynolds?” tumango naman ang detective. Kahit na may iniindang sakit ay muli silang tumakbo upang habulin ito. Napagpasyahan naman ni Detective Portman na lumiko sa isang eskinita upang maabutan ang lalaki. Magkabilaan silang tumakbo at pagdating sa kanto ay mabilis nilang sinunggaban ang lalaki at iniharap sa sahig ang katawan nito at dinala sa likuran ang kanyang mga kamay. “Nice catch, team leader!” masayang wika ni Detective Raynolds ng maabutan nila ang lalaki. “Erman Casas, you are under arrest as the murder suspect and abandoning the body of the victim. You have the right to remain silent, and anything you say can and will be used against you in a court law.” “Mama! M-mama, tulong! Mama ko,” iyak ng lalaki habang nilalagyan siya ng posas ni Detective Raynolds. “Detective Portman, speaking, Erman Casas is now captured,” imporma ng detective sa mga kasamahan. “Great!” “Nice!” Kanya-kanyang reaksyon naman ng grupo ng marinig ang balita. Itinayo na nila ang lalaki habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak at pagtawag sa kanyang nanay. Kasalukuyan namang inilalabas ng mga pulis sina Lilia Casas at Basilio Lopez upang madala sa presinto. “Wala akong kasalanan. Inosente ako! Inosente ako!” sigaw ni Basilio Lopez sa mga tao na nakaabang sa labas. “Pakawalan niyo ako, inosente ako!” Nang makarating sa tapat ng apartment sina Detective Portman dala-dala si Erman Casas ay mas lalong lumakas ang bulungan ng mga taong nakiki-chismis sa nangyari. At nang makita ni Erman ang kanyang nanay ay muli itong nagwala at nagsisigaw habang ipinapasok sa sasakyan. “Mama! Mama ko, tulong! Mama! Mama!” sigaw nito. Nahirapan pa ang mga pulis na ipasok siya dahil sa lakas nito at pilit na nagpupumiglas. Wala namang magawa si Lila Casas kung hindi panoorin ang anak na nagmamakaawa. Hindi niya inalis ang tingin sa kanyang anak hanggang sa tuluyan siyang maipasok sa patrol. Matapos masiguradong maayos na ang lahat ay dinala na nila ang tatlo sa presinto upang makuhanan ng pahayag ang mga ito. ----- Nang makarating sa presinto ay kaagad na pinaghiwalay sina Lilia Casas at Erman Casas ng interrogation room, habang si Basilio Lopez naman ay inaasikaso ni Detective Roxas. “Ang ibig kong sabihin ay, matapos mong kunin ‘yong baseball bat ay hinampas mo ‘yong babae, tama ba?” tanong ni Detective Ventura kay Erman. Siya ang naka-assign na kumausap sa suspek kasama si Detective Villares, habang nasa kabilang kwarto naman si Detective Angeles at Detective Raynolds na siyang kumakausap kay Lilia Casas. “Hinampas mo ‘yong babae, hindi ba?” “Hindi ko alam. Wala akong alam. ‘Wag ka sigaw. Wala ako alam. ‘Wag ka sigaw,” paulit-ulit na sagot nito sa bawat tanong ng detective. “Bakit ka tumakbo kung gano’n? Bakit ka biglang umalis ng makita mo ‘yong mga pulis?” “’Wag ka sigaw sabi! Gusto ko na umuwi! Ayoko na rito! Hindi ko alam.” “Hindi naman ako sumisigaw,” napipikon ng wika ni Detective Ventura. “Sabihin mo muna sa amin ang nangyari para makauwi ka na.” “Ayoko na sabi rito! Gusto na Erman umuwi! Gusto ko sa mama ko!” muling sigaw nito at saka nagwala. Malakas nitong hinampas ang mesa na nagpagulat sa dalawang detective saka paulit-ulit na inihampas ang kanyang ulo sa mesa. “Hoy! Itigil mo ‘yan! Hoy!” mabilis naman na tumayo ang dalawang detective at inawat ang lalaki sa kanyang ginagawa. May pumasok naman na psychiatrist upang paamuhin ang lalakin kaya saglit na lumabas ang dalawa. “Kailangan niya munang kumalma para mas makausap natin siya. Kung hindi, kailangan natin mapagsalita si Lilia Casas para malaman kung sino ‘yong babae,” wika ni Detective Portman ng makaharap ang dalawa. “Team leader!” tumakbo naman papalapit sa kanila si Detective Roxas na may dala-dalang papel. Matapos maasikaso ang report kay Basilio Lopez ay kaagad siyang nagtungo sa interrogation room para ipaalam ang kanyang nalaman. “Nakuha ko na ‘yong autopsy result ng biktima. At nakuha rin ang DNA ni Erman Casas sa mga daliri nito patunay na nanlaban ang biktima. Inalam ko na rin ang pangalan ng biktima.” Inabot naman nito ang dalawang papel na hawak. Una ang autopsy result at pangalawa ang kopya ng personal information ng biktima. “Diana Rivera, 30 years old, isa siyang elementary teacher sa San Bernin Elementary School at nakatira rin sa apartment na ‘yon sa room 404. Napag-alaman ko rin na matagal ng may gusto ang suspek sa biktima. Araw-araw din siyang nagaabang sa labas sa tuwing papasok ang biktima sa trabaho. Ilang beses na rin kinausap ng biktima si Erman at ang nanay nito na patigilin na ang anak dahil ikakasal na ito.” Tumango-tango naman ang mga detective dahil ngayon ay alam na nila ang motibo ng kaso. Dahil may motibo at ebidensya na ay pahayag na lang ng suspek ang kanilang kailangan. Habang hinihintay na huminahon ang lalaki ay nakatanggap naman ng tawag si Detective Portman. Saglit siyang nagpaalam sa mga kasamahan at saka lumayo rito. “Hello, Detective Gallardo?” sagot niya sa tawag. “Donovan, nahanap ko na ‘yong sinasabi mo no’ng nakaraan at may nalaman ako,” bigla namang hindi mapakali ang detective dahil sa sinabi ng kaibigan. “Tungkol saan?” “Let’s meet. Nandito ako sa San Bernin, I’ll text you the address,” sagot nito at saka pinatay ang tawag. Nang ma-receive ang address ay muli siyang lumapit sa mga kasama. “Detective Ventura, kayo muna ang bahala rito may importante lang akong pupuntahan. Babalik ako kaagad,” paalam niya saka umalis. Hindi na nakasagot pa ang tatlo dahil nakaalis na kaagad ang kanilang team leader. ----- “Sinabi ko nang hindi ko nga alam. Ako ang gumawa ng lahat.” “Ma’am Lilia, insisting that you did everything alone won’t solve anything. Pero kung hindi ka nagsasalita dahil sa anak mo, mas dapat mong sabihin ang totoo. Para na rin sa kanya,” Detective Angeles said. “Ang kulit mo naman kasi. Sabi na ngang ako ang gumawa ng lahat. Ako! Walang ginawang masama si Erwan. Inosente siya. Ako ang may kasalanan.” “Misis!” saway ni Detective Raynolds sa matanda. “Ay naku! Wala na akong sasabihin pa. Mamang pulis! Ikulong niyo na ako. Ngayon na!” sigaw pa nito saka tumayo. Wala nang nagawa sina Detective Angeles kung hindi ipakita sa matanda ang hawak nilang ebidensya. Inilapag nito ang autopsy result at larawan ng biktima sa mesa na ibinigay kanina sa kanila ni Detective Roxas. “Mrs. Casas, please stop. Alam na namin kung sino talaga ang may kasalanan. ‘Wag mo nang pagtakpan ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.” Natigilan naman ang matanda ng makita ang larawan ng biktima. Saglit din na napadako ang kanyang tingin sa autopsy result. “Ang kulit mo naman! Ako nga ang may kasalanan. Ako ang pumatay kay Diana. Ako!” “Kung ipagpipilitan mo ‘yang sinasabi mo, parehas lang kayo ng anak mon a mahihirapan. Kahit na makulong ka at siya ay makalaya, hindi rin siya matatahimik sa labas.” Napatingin naman ang matanda kay Detective Angeles at tila napaisip sa sinabi nito. “Kahit na pagtakpan mo ang anak mo, hindi rin matatahimik ang pamilya ng biktima lalo na ang nobyo nito. Mrs. Casas, kailangan mong magtiwala sa amin para matulungan ka namin. Lalong-lalo na ang anak mo,” dagdag pa ni Detective Raynolds. Napaupo muli ang matanda pero nanatili itong tahimik at mas kalmado. “Kailangan mong sabihin ang totoo pero matulungan namin kayo.” “Detective, ilang beses ko pa bang kailangan sabihin sa’yo na ako ang may kasalanan? Ako ang gumawa ng lahat at inosente ang anak ko.” Dahil sa paulit-ulit na pagpupumilit ng matanda ay hindi na nakatiis pa si Detective Raynolds at siya na ang kumausap rito. “Look, Mrs. Casas, alam na namin ang totoo. Lahat-lahat. Wala kang kinalaman. Walang kinalaman ang anak mo. Parehas kayong inosente. Kung gano’n sino pa ang ipinagtatanggol mo? Ang tunay na may sala?” “Tingin mo gusto ko ‘tong ginagawa ko? Alam mo ba kung ilang beses ko nang nakita ang mga pulis at mayayaman na inaabuso ang kanilang awtoridad at kapangyarihan? Walang tumutulong sa mga kagaya namin. Kapag nanahimik ako at hindi nagsalita, magiging maayos din ang lahat.” “Don’t fool yourself. Tingin mo ba ay walang mangyayaring masama sa anak mo kapag naiwan siya sa labas habang ikaw nakakulong? Tingin mo ba ay hahayaan ng kung sino mang salarin na malaya si Erman?” singit naman ni Detective Angeles. “Nag-iipon ka ng basura at nagi-spray ng chlorine para matago ang amoy ng bangkay tama ba?” “Manahimik ka na! Wala kayong alam! Hindi niyo alam kung ano ang nangyari!” muling sigaw nito. “Mamang pulis ano ba, ilabas niyo na ako rito!” “Alam mo ba na sa tuwing nasa sugalan ka ay ipinapasyal ni Diana Rivera ang anak mo?” ipinakita naman ni Detective Raynolds ang mga larawan nina Diana at Erman na magkasama. “Alam mo rin ba na tumutulong ang dalawa sa orphanage ng San Bernin? Tinulungan pa ni Diana at ng nobyo nito na makakuha ng scholarship si Erman para makapag-aral.” Isa-isang tinignan ng matanda ang mga larawan sa kanyang harapan hanggang sa mapahagulgol na lang siya ng makita ang masayang larawan ng anak habang kasama ang dalaga. “Kailangan mo kaming tulungan. Wala kang kasalanan pati na rin ang anak mo kaya naman tulungan mo kami na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Diana,” patuloy pa ni Detective Raynolds.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD