V1 - Chapter 49

2351 Words
‘In a world where everyone is over exposed, the coolest thing you can do is maintain your mystery.’ -Third Person’s POV- Kasalukuyan namang papunta sa isang coffee shop si Detective Portman kung saan nakapag-kasunduan nila ni Detective Gallardo na magkita. Matapos ang halos kalahating oras na byahe ay nakarating din ang detective sa kanyang destinasyon. Matapos maiparada ang kanyang sasakyan ay kaagad itong nagtungo sa loob at do’n ay nakita niya ang kaibigan na kanina pa naghihintay. “Long time no see,” bati ni Detective Gallardo ng makita ang papalapit na detective. “Yeah, long time no see,” sagot naman nito saka naupo sa kaharap na upuan. “Ano ‘yong ‘mahalagang impormasyon na sasabihin mo at sinadya mo pa talaga ako rito sa San Bernin?” tanong kaagad nito ng makaupo. “Chill out, man. Let’s order first, kanina pa ako naghihintay sa’yo,” wala namang nagawa ang detective kaya hinayaan ang kaibigan na um-order. Matapos makapili ng kakainin at inumin ay muling sumeryoso ang kanilang mga mukha. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Here’s the file.” Kinuha naman ni Detective Gallardo ang isang envelope mula sa kanyang bag at saka inabot sa kasama. “Nandyan lahat ng impormasyon tungkol sa pangalan na binigay mo.” Nang makuha ang envelope ay isa-isa naman itong tinignan at binasa ni Detective Portman. Ang envelope ay naglalaman ng personal na impormasyon nina Jaycee Gonzales, Michael Salvador, Theodore Williams, pati na rin ang impormasyon tungkol sa kani-kanilang pamilya. “You know, nabigyan na kita ng files tungkol sa Theodore na ‘yan pero sinama ko pa rin dahil paniguradong hindi mo pa ‘yon nababasa.” Nanatili namang tahimik ang kaibigan kaya muling nagpatuloy sa pagsasalita si Detective Gallardo. “Kung titignan mo, masyadong malinis lahat ng tungkol sa kanila, pati na rin sa kanilang pamilya. Wala ni isang dumi kang makikita. Pero dahil kilala na kita, alam ko kung ano ang kailangan mo.” Sa ikalawang pagkakataon ay may kinuha muli itong envelope sa kanyang bag at muling inabot sa kaibigan. “Sa sobrang linis ay masyadong kahina-hinala kaya naman ginamit ko lahat ng koneksyon ko para makuha lang ‘yan.” “Gano’n kahirap?” tanong nito. Kilala niya kasi ang detective na hindi basta-basta humihingi ng tulong sa iba basta kaya niya. Pero ngayon ay lumapit pa talaga ito sa iba. “Yeah, masyadong tago lahat ng marurming impormasyon tungkol sa kanila. Pero nagawan ko ng paraan. At isa lang ang masasabi ko. Hindi basta-basta ‘yong mga tao na kahaharapin mo.” “I know, I already met them and they always find a way out,” simpleng sagot nito habang binabasa ang mga impormasyon na nakuha ng kaibigan. “At tungkol sa CCTV footage na pinapatignan mo. I’m still working on it, masyado akong natambakan ng kaso sa Manila kaya naman aabutin pa ng ilang araw bago ko maibigay sa’yo. By the way, kamusta naman ang pagta-trabaho rito?” tanong nito to change the mood. “Well, it’s quite hard but entertaining. Saktong sakto sa lugar na ‘to ang kasabihan na ‘don’t judge the book by its cover’. Dahil hindi mo napapansin masyadong maraming lihim ang itinatago ng lugar na ‘to.” “Hindi na rin ako magtatagal, kailangan ko na ring bumalik sa Manila para tapusin lahat ng pending cases ko. It’s on my way kaya naman sinadya na kitang daanan.” “Thanks with that. I have to go too, may trabaho pa ako, umalis lang talaga ako sandali para makipagkita sa’yo.” At dahil parehas silang kulang sa oras para pa magkamustahan ay nagpaalam na sila sa isa’t isa at nangako na magkikita na lamang muli kapag parehas ng maluwag ang kanilang oras. Nauna nang umalis si Detective Gallardo dahil malayo pa ang ba-byahe nito pauwi. Nang makaalis si Detective Gallardo ay kaagad niyang inilagay sa sasakyan ang mga papeles na nakuha saka muling bumalik sa loob ng coffee shop uapng bilhan ng meryenda ang mga kasamahan. Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya naman naisip niya na bigyan ng pasalubong ang mga ito. Habang hinihintay ang kanyang order ay saka niya lang napansin ang missed calls at message ni Detective Ventura tungkol sa paghuli sa tunay na salarin. Matapos mabasa ang mensahe at tumawag siya rito pabalik na kaagad namang sinagot ng detective. “Team leader.” “Kumusta? Anong update?” “Kararating lang din namin sa istasyon team leader at kasalukuyan nang ini-interoga nina Detective Raynolds at Detective Angeles si Jerome Montelle, ang tunay na suspek sa pagpatay kay Diana Rivera.” “Okay, send me the details, pabalik na rin ako. Be there in 30 minutes.” “Ingat, team leader,” pagkatapos ay ibinaba na nito ang tawag. Sakto naman na kararating lang din ng order niya. Kinuha na niya ang mga binili at kaagad na nagtungo sa sasakyan. Ngunit papalapit pa lang siya rito ng may mapansin siya na lalaking naghihintay sa sasakyan niya, may dala itong karton at nakasuot ng pang-delivery boy. “Excuse me,” tawag niya rito ng makalapit siya sa kanyang sasakyan. “What may I help you?” “Ah sir, ikaw ba si Donovan Portman?” basa nito sa pangalan na nakalagay sa karton. Nagtataka man kung paano siyang nakilala ng lalaki ay tumango pa rin ito. “Ako nga, bakit?” “May package kasi kayo, sir,” at iniabot nito ang hawak na karton sa detective. Dahil may hawak ang dalawang kamay ni Detective Portman ay inilapag niya muna ang hawak na kape sa bubong ng kotse at saka tinanggap ang karton. “Saka sir, papirma lang po nito. Katunayan na natanggap niyo ‘yong package,” at muli itong nag-abot ng papel at ballpen. Muli namang nilapag ng detective ang lahat ng hawak sa bubong ng kotse saka kinuha ang papel at sinimulang pirmahan. At dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa pagpirma hindi na nakita na naglabas ng balisong ang lalaki. Pero ng ilabas nito ang kutsilyo ay narinig niya ang pagkalansing ng bakal. Ibabato na sana niya sa lalaki ang mga hawak ng bigla siyang makaramdam ng pagtama ng isang matigas na bagay sa kanyang ulo. Nilingon niya ang pinaggalingan nito ngunit nanlalabo na ang kanyang mata kaya hindi niya makita ang itsura ng lalaki, idagdag pa na may suot itong sombrero na tumatakip sa kanyang mukha. Tuluyang naibigsak ng detective ang hawak na papel at karton saka tuluyang bumagsak sa sahig. Bago tuluyang bumagsak sa sahig ay narinig niya pa na nagsalita ang delivery boy. “Recluse, ako na ang bahala rito.” ----- Sa presinto naman ay ilang oras ng naghihintay ang buong grupo ni Detective Portman. Ilang oras na rin ang lumipas simula ng umalis ang suspek na si Jerome Montelle. Sa kalagitnaan kasi ng imbestigasyon ay biglang dumating ang lawyer nito at ipinaglaban na hindi sapat ang ebidensya na mayro’n ang kapulisan laban rito. Nakipagtalo pa sina Detective Raynolds para lang hindi mapaalis ang suspek hanggang sa dumating ang kanilang team leader, ngunit wala na silang nagawa ng ipasa sa crime unit 2 ang kaso. Muntik pang maka-iringan ang dalawang grupo dahil sa nangyari pero mabilis din silang naawat ng ibang kasamahan. “Hindi pa rin ba sumasagot?” tanong ni Detective Roxas. “Hindi pa nga eh. Nakailang text na rin ako,” sagot naman ni Detective Raynolds. Kanina pa kasi nila tinatawagan ang kanilang team leader pero hindi pa rin ito sumasagot. “Detective Ventura, sigurado ka ba na sinabi ni team leader na pabalik na siya?” tanong naman ni Detective Villares. “Yeah, siya pa nga ang tumawag sa akin. Kung ma-traffic man siya, imposibleng abutin siya ng mahigit ilang oras sa daan,” sagot naman nito. “Hindi na talaga maganda ang kutob ko. Lagi naman sumasagot kaagad si team leader, depende na lang kapag may importante siyang ginagawa,” kumento naman ni Detective Raynolds. “Baka kasi nakalimutan niya lang magsabi pero may ginagawa pa siya,” Detective Villares said. “Pero iba ‘yong nararamdaman ko. Hindi maganda ‘yong kutob ko. Parang may mali.” At dahil hindi mapakali ay pabalik-balik na naglakad sa kanyang p’westo si Detective Raynolds habang patuloy pa rin sa pagtawag sa kanilang team leader. “Ano ka ba, Raynolds. Maupo ka na nga lang, nahihilo ako sa’yo,” saway ni Detective Angeles. “P’wede bang i-track na lang natin kung nasaan siya? Kung sakali man na may ginagawa lang talaga siya p’wede naman nating sabihin kung bakit natin ginawa ‘yon hindi ba?” suggest ni Detective Roxas sa mga kasama. “Sige, ‘yon na lang ang gawin natin para matahimik na ‘tong si bata,” segunda naman ni Detective Villares. Dahil nagkasundo na ang lahat ay pumwesto na si Detective Angeles sa harap ng kanyang computer at mabilis na ni-track ang lokasyon ni Detective Portman. “Oh? Nasa RM Coffee Shop siya ngayon,” imporma niya sa mga kasamahan ng makita ang lokasyon nito. “Baka hindi pa tapos ‘yong ginagawa niya?” “Ngayon alam mo na Raynolds, maupo ka na. Paniguradong maya-maya lang ay tatawag na rin ‘yon,” Detective Roxas said habang pilit na pinapaupo ang detective. “Sandali…” Napatigil naman ang lahat sa kanilang ginagawa ng biglang bumilis ang pagtitipa ni Detective Angeles sa keyboard. “Detective Angeles, anong problema?” tanong ni Detective Raynolds at saka lumapit dito. “Hindi ko na ma-track si team leader. His GPS isn’t working.” “What?” “How about the CCTV’s?” tanong naman ni Detective Villares. “I’m working on it.” Matapos ang ilang sandali ay saka ito muling nagsalita. “Wala na siya sa loob ng coffee shop. Nasa blind spot ng parking ang sasakyan niya kaya ‘yong plate number lang ang nakikita ko.” “Then, what are we waiting for? Let’s hurry up and submit the case and alert dispatch team for support,” Detective Roxas said. “Sabi na nga ba at hindi maganda ang kutob ko.” At dahil si Detective Roxas ang tumatayong team leader sa kanila kapag wala si Detective Portman ay kaagad siyang nagbigay ng instructions sa mga kasamahan. “Detective Angeles, continue tracking his phone. Detective Ventura, please identify kung sino ang kinita ni team leader. Pupuntahan namin ang RM Coffee Shop para tignan kung ano ang nangyari.” Matapos magkasundo sa gagawin ay kaagad na umalis ang tatlong detective upang puntahan ang coffee shop kung saan huling nakita ang kanilang team leader. Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Detective Raynolds sa sasakyan ay wala pang kalahating oras ay agad nilang narating ang sinasabing coffee shop. They waste to time and entered the premises. Humarap naman sa kanila ang manager ng shop. “What can I do for you sir?” Ipinakita naman ni Detective Roxas ang kanyang ID bago nagpakilala. “I’m Detective Juan Jose Roxas of Crime Unit 1 from San Bernin Precint. May hinahanap lang kami, can we check the CCTV footage for today?” “It’s okay detective. Please come this way,” at itinuro sa kanila ang daan patungo sa opisina nito kung saan makikita ang CCTV footages. Naiwan naman si Detective Raynolds sa labas upang magtanong-tanong sa ibang empleyado habang hinihintay ang dalawang kasamahan. Pagkatapos um-order ng isang customer ay lumapit si Detective Raynolds sa may cashier upang tanungin ang babaeng empleyado. “Excuse me, just wanna ask. Napansin mo ba ang lalaki na ‘to?” at ipinakita niya ang larawan ni Detective Portman sa babae. “Ah, ‘yong gwapong lalaki. Yes, sir. Bumalik pa nga siya pagkatapos niyang makipag-usap sa isa pang gwapo na lalaki,” at halatang kinikilig pa ang babae habang tinitignan ang larawan ng detective. “Bumalik siya?” “Yes, sir, ako pa nga ang nag-asikaso sa kanya. Bumili siya ng ilang cakes and coffees, naalala ko ‘yon kasi siya niya para sa members niya ‘yon, at saka siya umalis pagkatapos kong ibigay ‘yong order niya,” tumang-tango naman si Detective Raynolds sa sinabi nito. “Thank you,” pasasalamat nito. Matapos ang ilang minuto ay muli silang nagkita-kita sa labas ng coffee shop para pumunta sa parking ng shop. “Ayon sa cashier kanina pa raw umalis si team leader matapos um-order,” pagbibigay alam niya sa kasamahan. “Yeah, nakita nga namin sa CCTV. Nakita rin namin na pagkatapos makipag-usap ni team leader sa isang lalaki ay umalis na ito at hindi na bumalik pa. Nakuhanan din sa CCTV ang mga lalaking dumukot kay team leader pero hindi nakita ang mukha nila,” Detective Villares said. “How about the copy of the footage?” “Na-send ko na kanila Ventura para ma-review ‘yong footage.” Matapos magbahagi ng mga impormasyon ay sabay-sabay na silang nagtungo papunta sa parking kung saan nakaparada ang sasakyan nito. Pagkalapit nila ay naroon pa rin ang cake at kape na binili ng detective kanina. Hinawakan ni Detective Raynolds ang kape at tunaw na tunaw na ang yelo nito at malamig na. “Pero nasaan ang cellphone niya? Paniguradong nandito lang din kanina ang dumukot kay team leader,” hinala ni Detective Raynolds. “Let’s look for his phone. Sigurdong nandito lang din ‘yon.” At naghiwa-hiwalay sila para maghanap. ilang minuto ang lumipas at nakita ni Detective Roxas ang cellphone ni Detective Portman sa basurahan. “Let’s go back to the station. Hindi natin mahahanap si team leader hangga’t hindi natin nalalaman ang nangyari,” suhestiyon ni Detective Villares. Sumang-ayon naman ang dalawa dahil wala na rin naman na silang naabutan. Iniwan na lang din muna nila ang sasakyan ni Detective Portman sa parking ng coffee shop dahil wala silang susi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD