DALAWANG ARAW na akong hindi pumapasok sa school dahil sa bukol sa aking noo. Ayokong pagtawanan ng bawat estudyante kaya mas pinili ko na lang ang 'wag pumasok. Ngayon ay nakaupo kaming apat sa harap ng lamesa at kumakain ng agahan, katabi ko si Terrence habang sa kabila naman sina Andro at Clark. "Ano kaya kung mag mall na lang tayo ngayong araw at manood ng cine?" Andro suggested. "Tsk..manood kang mag isa mo!" masungit na sagot ni Clark. Napailing-iling naman si Terrence. "Ano ka ba naman, Andro, alam mo namang may bukol pa si Clark at Boss, kaya hindi tayo pwedeng gumala!" Sumimangot si Andro at tamad na sumubo. "Tsk.. Masyado na kasing boring dito sa bahay. Alam kong naboboring na rin si boss. Ano kaya kung pumunta na lang tayo sa Hacienda De Zego?" "Hacienda De Zego? Saan 'yu