PAGKAHINTO ng kotse sa harap ng malaking mansyon ay agad na bumaba si Clark at pinagbuksan ako ng pinto. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang mansyon na pinuntahan namin dati na hindi kami nakapasok dahil sa pagdating ng Dad ni Clark. "What are we doing here?" nagtataka kong tanong. "Ipapakilala kita kay grandma. Let's go inside." Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng malaking mansyon. Pagkapasok namin ay agad na napalingon ang isang matandang babae na nakaupo sa sofa na tila nanonood ng tv. Parang biglang lumiwanag ang mukha nito nang makita kami, agad itong tumayo at patakbong lumapit sa amin. "Apo ko!" tili ng matanda na agad na yumakap kay Clark. Clark laughs, yumakap din ito sa matanda. "Did you miss me, Grandma?" The old woman nodded. "Of course apo ko! Bakit ngayon m