ALAGAD ng batas si Audrey bata pa lamang siya ito na ang pangarap niya. Ginawa niya ang lahat maabot lang ito, hindi siya kailanman sumuko. Hanggang sa narating ng dalaga ang pangarap na inaasam-asam dito niya nakilala si Alexis Javier. Ang lalaking anak ng mahigpit nilang binabantayan sa iligal na gawain ng ama nito. Isang misyon ang naka-atang sa balikat ni Audrey na may kaugnayan kay Alexis. Matatanggap kaya ng dalaga ang mabigat na tungkulin kapalit ng kaligtasan ng iba o puso ang susundin sa unti-unting pagkakahulog sa karisma ni Alexis.
Batas o pag-ibig? Ano ang uunahin ni Audrey pangarap o t***k ng puso?