APKF-1

2464 Words
Jheanne's Pov Balisa at hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Iyon ang aking nararamdaman ngayon. Paano naman kasi, ngayon ang araw ng aking kasal. Excited na akong maasal—este makasal sa lalaking mahal na mahal ko. Si Hugo Makatarungan. Oh, apelyedo palang makatarungan na no? Si Hugo ay long-time boyfriend ko. Eight years kaming mag-jowa bago niya ako alukin na pakasalan siya. Siya ang kauna-unahang lalaki na sinagot ko at naging nobyo. Mabait siya, at hindi niya ako pinipilit na makipag-s*x sa kaniya. Kahit nga kiss wala e. Gano'n siya ka-ingat sa akin, kaya nga mahal na mahal ko siya. At handa akong pakasalan siya. Gaya ngayon, narito ako sa Simbahan at nakatayo sa harapan ng altar, hawak ang braso ng daddy ko, at hinihintay siya. Nauna ako no? Oo, kasi nang dumating ako ay wala pa siya, kaya naman tumuloy na lang ako sa altar. Wala namang masama roon, ang importante ay makasal kami. Doon rin naman kasi ang punta niyon. Kaya walang problema kung sino ang nauna sa amin sa altar. Ngunit lumipas lamang ang trenta'y minutos ay wala pa rin si Hugo. Nagsimula na akong kabahan. Nilapitan ko si Dad para makihiram ng phone niya. "Here. Ano ba iyang aasawahin mo, anak. Ang tagal naman dumating." reklamo ni Daddy Jennel. "Baka nagpapaguwapo lang siya, Dad. Maya't maya ay dadating na rin iyon." komento ko kahit na iba na ang nararamdaman ko. Napailing na lang si Daddy. Ang mga bisita namin sa Simbahan ay nagsimula na rin magbulong-bulongan. Nahihiya na rin ako sa Pari na magkakasal sa amin kasi may isang kasal pa itong i-a-attend. Dinayal ko ang numero ni Hugo at kaagad iyong tinawagan. Nag-ring ito ngunit hindi niya sinasagot. Nagpatuloy lang ako sa tawag sa numero niya habang panay ang tingin ko sa aking mga bisita. "Sandali na lang po talaga. Baka nasa biyahe lang siya kaya hindi niya masagot ang tawag ko." ani ko sa kanila. Lahat sila ay nagkani-kaniyang bulongan. Medyo lumayo ako sa karamihan, at nagpatuloy sa pag-dial ng numero ni Hugo. Naginhawaan pa ako ng sa wakas ay sagutin na niya ito. "Babe? Where are you? Malayo ka pa ba? Naghihintay na sila, babe, bilisan mo naman—" "Walang kasal na magaganap, Jheanne." Putol niya sa sasabihin ko. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "A-Anong sinasabi mo? Prank ba iyan? Puwes, hindi nakakatuwa, babe." Nagsimula nang uminit ang ulo ko. Kung nagbibiro siya ay hindi magandang biro ito. "Hindi ito prank, Jheanne. Totoo ang sinasabi ko. Naghintay ka ba ng matagal sa akin? Kawawa ka naman. Walang kasal na magaganap dahil ayokong pakasal sayo." aniya at binuntutan pa iyon ng pagtawa. Napakurap-kurap ako, at nagsimulang malaglag ang mga luha ko. Ano bang pinagsasabi niya? Nangnginig ang aking buong katawan. "A-Ano ba, Hugo? T-Tumigil ka na nga." nauutal kong sambit. Naiiyak na ako. Nakita ako nina Daddy at Mommy kaya nangunot ang mga noo nila. Nilapitan nila ako. "Baby, what's wrong?" tanong ni Dad sa akin ngunit sinenyasan ko silang huwag lumapit sa akin. Muli kong kinausap si Hugo. "B-Babe, they're here. Naghihintay na sila lahat sayo. Kaya halika na." "I said walang kasal!" Napapitlag ako sa lakas ng boses niya. Nailayo ko pa ang cellphone sa tenga ko. "You know, Jheanne, kung sana ay binigyan mo ako ng pagkakataon na maka-s*x ka, edi sana hindi na ako humanap pa ng iba. Mabuti na lang at willing ang bestfriend mong si Jana na makipag-s*x sa akin, kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko. Masarap na, magaling pang gumiling." wika niya sabay halakhak. Napatakip ako sa sariling bibig. Sabay-sabay na nahulog ang mga luha ko, at pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit. Para akong kakapusan ng hininga, at hindi napigilang humagulhol. Doon na lumapit sa akin sina Mommy at Daddy. Natulala ako, at pilit na inuulit ang mga katagang sinabi ni Hugo. At ang bestfriend kong si Jana, trinaydor niya ako. Bakit niya iyon nagawa sa akin? Simula mga bata palang kami ay magkaibigan na kami. Mga hayop sila! "H-Hayop k-kayo!" wika ko. Lalo lamang tumawa sa akin ang kausap ko. "Hi, bestfriend. It's me, Janna. Sayang at hindi mo na matitikman si Hugo. Akin na kasi siya, kaya bye!" Namatay ang tawag. Paulit-ulit akong napakurap. Nabitawan ko rin ang cellphone ni Dad, nahulog ito at nabasag. Walang tigil sa pag-alpasan ang mga luha ko tanda ng sobrang sakit na aking nadarama. "Tinatanong ka namin, Jheanne. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Nasaan na si Hugo?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Daddy. Napatingin ako sa kanila, at panay ang pag-iiyak. Nilapitan nila ako at niyakap ng mahigpit na tila ba alam na nila ang sagot sa tanong kahit hindi ko pa iyon sagutin. Sinapo ni Daddy ang mukha ko, pati siya ay umiiyak na rin. "Hindi siya dadating?" tanong niya sa akin. Umiling ako at muling umiyak. Niyakap ako muli ni Dad, at kahit hindi ko naririnig ang pagmumura niya ay alam kong nagmumura siya sa isipan niya. Pati si Mommy Anne ay umiiyak na lang din at hindi magawang magsalita. Kumalas ako kay Dad, at mapait na ngumiti. "W-Wait l-lang po." ani ko. Akmang susundan ako ni Dad ngunit sinenyasan ko ito na huwag. Lumapit ako sa Pari na nasa altar at humingi ng paumanhin sa kaniya sapagkat naabala lang namin ang Simbahan, at walang kasal na magaganap. Hiniram ko ang microphone ng Pari at hinarap ko ang mga taong panay ang bulongan. Habang walang patid sa pagpatak ang aking mga luha ay nilakasan ko ang loob para magbigay ng mensahe sa kanilang lahat. "P-Pasensya n-na p-po...kayo. P-Pero w-wala pong k-kasal n-na magaganap... P-Pero t-tuloy pa rin po ang kainan–" Binalik ko ang mic sa Pari na bakas ang awa para sa akin. Samantalang lalo namang lumakas ang bulongan dahil sa sinabi ko. Lumakad ako pababa ng intablado at humarap sa karamihan habang umiiyak. Tiningnan ko ang aking sarili, partikyular sa aking napakagandang kasuotan na kami pa mismo ni Hugo ang pumili. Muli ay mapait akong napangiti. Hinawakan ko ang belo ko, at tinanggal iyon. Tinapon ko ito. At ang sinunod kong ginawa ay pinunit ang suot na gown. Nagsitalsikan ang mga beads no'n sa paligid. Napasinghap ang lahat sa ginawa ko. Kaagad tumakbo si Mommy Anne palapit sa akin upang pigilan ako, ngunit iwinaksi ko ang kaniyang kamay at itinuloy ang pagpupunit ng aking damit. "Walang hiya ka! Manloloko kayong dalawa! Mga hayop kayo!" galit kong sabi habang pinupunit ang laylayan ng aking suot na tila ba silang dalawa iyon. Sa haba ng gown na suot ko ay hanggang tuhod ko na lang ang natira doon. "Anak tama na!" awat ni Mommy sa akin. Tiningnan ko siya at kaagad na niyakap. "P-Patawarin niyo po ako at dinala ko kayo sa kahihiyan." paghingi ko ng paumanhin sa mga nangyayari ngayon. "No, anak. Wala kang kasalanan. Please tama na...umuwi na tayo." umiiyak na paki-usap ni Mommy sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at akmang hihilahin. Ngunit tinanggal ko ang kaniyang kamay. "I'm so sorry, Mom." Binalingan ko rin si Daddy. "I'm sorry." Pagkatapos ay mabilis akong tumakbo palabas ng Simbahan. Ni hindi ko sila binalingan, ni hindi ko inalam kung nakasunod ba sila sa likuran ko o hindi. Basta tumakbo lang ako nang tumakbo. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang Mall. Bawat tao na madaraanan ko ay napapatingin sa akin. Nagtataka sila sa itsura ko. Malamang iniisip nila kung ano ang nangyari sa akin, at kung bakit ganito ang ayos ko. Baka nga nagkanda-tanggal na ang make-up ko dahil sa kakaiyak ko. Naglakad nalang ako na parang wala sa sarili at hindi na pinansin ang mga taong nakakasalubong ko. Mayroon pa nga na kinukuhanan ako ng litrato gamit ang kanilang cellphone, pero wala akong pakialam. Gusto kong mapag-isa at bahala silang lahat. Sa maghapon kong paglilibot at pagtunganga sa Mall ay hindi ako nakakaramdam ng gutom, at kung magugutom man ako ay wala akong pambili ng pagkain dahil wala akong dala kahit na ano. Maliban lang sa suot kong singsing ngayon. Singsing na galing kay Hugo. Tiningnan ko ang daliri ko na suot ang singsing. Ang ganda niyon at alam kong mahal rin ang pagkakabili niya. Bakit niya pa ako binili ng ganito ka mahal kung sasaktan niya lang din pala ako at lolokohin? Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na gagawin niya ito sa akin. Walong taon kami naging mag-nobyo, pinagpalit niya lang ako sa kadahilanan na hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makipag-s*x sa akin? For god sake, hindi rin naman siya nagtanong! Hindi siya nagsabi! At ang masaklap pa ay hindi ibang tao ang ipinalit niya sa akin, kundi bestfriend ko pa! Baka nga matanggap ko pa kung ibang babae ang ipinalit niya sa akin, pero bestfriend ko! Halos manlumo ako. Hindi matanggap ng isipan ko ang mga nangyayari ngayon. Sa inis ko ay tinanggal ko ang singsing, at pumunta ako sa Pawnshop. "Magkano sanla neto?" tanong ko sa babaeng staff sabay abot ng singsing. Tumingin pa ito sa akin, at sinuri ang itsura ko. "Oo na. Hindi na ako sinipot ng long-time boyfriend ko! Oh, ano ngayon? Tingnan mo na iyan kung magkano ng masanla ko na!" inis kong sabi sa babae. Napangiwi ito sa sinabi ko. "Mahal po ito, Ma'am. Sure po ba kayo na isasanla niyo?" parang hindi pa ito naniniwala sa akin. "Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa singsing na iyan matapos akong lokohin ng nobyo ko, huh? Kaysa itapon ko iyan sa ilog gaya ng ginagawa ng mga babae sa pelikula na hindi sinipot sa araw ng kasal nila, ay isasanla ko na lang!" napalakas pa ang pagkasabi ko kaya ang ibang tao ay napapatingin sa akin. "Sabi ko nga po, Ma'am e. Wait lang po ha." aniya. "Ibigay mo na lang sa akin ang pera kaagad. Gusto ko ng mag-date mag-isa ngayon." saad ko. Tumango naman sa akin ang babae. Maya-maya pa ay inabot niya ang papel na pipirmahan ko ngunit hindi na ako nag-abala pa na kunin iyon. "Bahala na kayo sa singsing, basta akin na ang pera." Napatanga sa akin ang babae. Tinawag pa nito ang manager niya, at kinausap pa ako ng manager na tila sinisigurado ang nais kong gawin. "Akin na ang pera at bahala ka na sa lintik na singsing na iyan." bored na sabi ko sa manager. "S-Sure, Ma'am." anito at siya mismo ang nagbigay ng pera sa akin. Makapal iyon, at hindi ko na binilang. Para sa ano pa? Marami akong pera, pero ngayon wala akong dala. Kinuha ko ang pera na inabot ng manager ng Pawnshop at kaagad na umalis. Bitbit ko ang pera at bawat tao na makakasalubong ko ay napapatingin sa perang hawak ko. Sa inis na nararamdaman ko kay Hugo at sa bestfriend ko ay nagpa-ulan ako ng pera sa daan. Halos gumulong ang mga tao sa pag-aagawan niyon. Napailing ako. Bumalik ako sa Mall, at kumain sa paborito kung fastfood chain. Pumasok rin ako sa isang palaruan sa loob ng Mall, at doon ay nilibang ko ang aking sarili sa iba't ibang klase ng laro na matipuhan ko. Hindi ko pinansin ang mga taong napapatingin sa akin. Hanggang sa mapagod ako. Binigay ko ang mahaba-habang sticker na nakuha ko mula sa mga nilaro ko sa isang bata. Masaya nito iyong tinanggap habang ako naman ay walang pakialam. Bago ako lumabas ng Mall ay kumain ako ulit sa isa pang Fastfood chain, saka na lamang ako lumabas ng wala na akong maisip na gagawin. Madilim na rin ng makalabas ako. Sa tantiya ko ay alas siyete na ng gabi. Gan'on ako katagal sa loob ng Mall. Habang naglalakad ako sa sidewalk ay iba't ibang tao ang nakakasalubong at nakakasabay ko. Katulad ng mga nakakita sa akin kanina, ay gano'n rin ang kanilang naging reaksyon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tatawid ako sa kabilang kalsada at doon ako mag-aabang ng taxi na maghahatid sa akin pauwi sa condo ko sa Taguig. Nang mag-stop sign ay kaagad akong sumabay sa mga taong patawid, ngunit may nabangga akong tao dahilan upang pareho kami matumba sa maduming daan. "Aray!" reklamo. Halos patihaya akong bumagsak sa semento. Dali-dali akong bumangon, at galit na sinigawan ang nakabangga ko. "Buwesit naman oh! Hindi ka ba tumitingin–" Ngunit napatigil ako sa pagsasalita ng mapasino ang aking nabangga. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa pulubing nakalugmok sa kalsada. "Ikaw naman kasi e. Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daraanan mo?" wika ko sa kaniya. Aaminin kong nakonsensya ako dahil namura ko siya. Nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin. Napasinghap ako sapagkat madungis man siyang tingnan at mabaho, ay ang guwapo niya. Guwapo siyang nilalang! At sa tingin ko kapag tumayo siya ay napakatangkad niya dahil na rin sa mahaba niyang biyas. Iyon nga lang, nakakasuka ang amoy niya. Napatalon pa ako nang biglang bumusina ang mga sasakyan. Noon ko lang napansin na kanina pa pala naka-go signal, at ang mga motorista ay galit na galit na. Nataranta ako, at wala sa sariling nilapitan ang pulubi at hinila ito patayo. Hinawakan ko ito sa braso at hinila patawid sa direksyon na tatahakin ko. Halos habulin ko ang aking hininga ng makatawid kami. Ang pulubi ay nakatingin lang sa akin at tila nalito kung bakit ko siya dinala sa kinatatayuan namin ngayon. At tama nga ang sinabi ko kanina, napakatangkad niya at ang laki pa ng katawan! Nang dumaan ang isang taxi ay pinara ko ito, at nang bumukas ang pinto ay walang anu-ano kong hinila ang pulubi papasok sa loob ng kotse. Mula sa rearview mirror ay nakita ko ang pag-ngiwi ng taxi driver dahil sa kasama ko. "Grabe ka manong ha. Baka nakakalimutan mong tao rin siya?" untag ko sa driver na napapakamot sa kaniyang ulo. "E, miss nagsakay ka ng taong grasa sa taxi ko. Ako naman itong napipirwesyo. Wala ng sasakay sa akin mamaya dahil mabaho na itong taxi ko!" reklamo ng driver. Napabuntonghininga ako. Kaagad akong dumukot ng pera na inipit ko pa sa garter ng suot kong stockings, at inabot iyon sa driver. "Heto pera, pampalinis mo ng taxi mo." ani ko rito. Walang pag-alinlangan na tinanggap ng driver ang pera na inabot ko sa kaniya. Tuwang-tuwa pa nga ito. "Kung ganito ba naman e. Kahit ilang taong grasa pa ang isakay mo sa kotse ko ay okay na okay lang miss!" anito. "Pero nag-iisa lang po siya, kaya huwag ka ng umasa na mayroon pa." mapanuya kong sagot sa driver. Binalingan ko ang aking katabi, at ilang beses pa akong napapabahing dahil sa amoy niya. Para siyang naligo sa imburnal. Nakakabaliktad sikmura rin ang amoy niya. Ang guwapo niya sobra. Pero sobrang baho niya rin at the same time!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD