CAMILLA Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha at nanginginig ang mga kamay at paa habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Sobrang kinakabahan ako lalo na at inutusan ako ng lalaking kasama ko dito sa sasakyan na bilisan ang pagmamaneho. "Bastard!" malakas na singhal ng lalaki kasama ko dito sa loob ng sasakyan sabay kasa ng hawak na baril. "Drive fast or you'll die when they catch us!" malakas na utos nito na dumukwang sa bintana ng kotse ko sabay paputok ng baril na hawak nito sa sasakyang nasa likuran namin. Ilang ulit na siyang nakipag-palitan ng putok habang paulit-ulit na sumisigaw na bilisan ko. I was driving in a full speed that beyond my capacity dahil sa sobrang takot ko na rin pero mas mabilis ang mga humahabol sa amin na para bang alam kung saang direksyon kami pupunt