CAMILLA "Good morning, sweetheart," malambing at nakangiting bati ni Jared sa akin ng magising ako. As usual, nakahiga ako katabi niya at paharap sa kan'ya. Nakatitig na naman siya sa mukha ko nang mag-mulat ako ng mga mata. Para bang binabantayan niya akong matulog kaya biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko at alam kong namumula pa ang mukha ko. Sabi kasi ni Yaya Beth, nakanganga at minsan ay humihilik pa ako kung matulog lalo na sa madaling araw kapag pagod. Gosh, ano na lang itsura ko sa paningin niya kung nagkataon? Bakit ba kasi mukhang habit na ni Jared ang titigan ako lagi, lalo na sa umaga? "Good morning," tipid na sagot ko. Kinabig niya ako sa bewang kaya nadikit sa kan'ya ang hubad pa pala na katawan ko. Actually hindi lang ako dahil dalawa kami. Bukod kasi sa sauna, b