Chapter 15

1908 Words

CAMILLA Nanginginig ang kamay na sunod-sunod na pinirmahan ko ang apat na pirasong papel sa harap ko. Agad na inabot ng judge ang mga ito at binasa ng mabuti kong okay na siguro ang lahat bago bumaling sa lalaking katabi ko na ngayon ay asawa ko na. "Congratulations Mr. and Mrs. Laxamana." May ngiti sa labi na bati sa amin ng judge. Naka-ngiti na tila masaya pa siya dahil nagtagumpay siyang pilitin akong magpakasal sa kan'ya habang nasa bewang ko pa rin nakaikot ang braso nito. Inilapag niya sa mesa ang baril na hawak at mabilis na kinuha ng tauhan nito at isinuksok sa likuran. Ang bagsik niya, nakakainis wala man lang akong nagawa tapos ngayon heto kasal na ako sa kan'ya habang nakasuot ng simpleng bestida tapos naka-tsinelas pa. Gosh, hindi ito ang uri ng kasal na pinangarap ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD