CAMILLA Hindi ako nagtangkang mag-salita at mag-bukas ng kahit anong usapan habang nasa daan hanggang sa nakarating kami sa hotel room namin. Ayaw kong kumibo lalo na at nakikita kong mainit ang ulo ni Jared. Mahirap na, baka ako pa ang mapag-balingan niya lalo na at sangkot rin ako sa gulo kanina. Pati kawawang driver, sinigawan ni Jared. Hindi rin maganda ang mga tingin niya sa mga hita ko kaya I don't want to take any chances lalo na at nakikita kong hindi ito ang tamang oras para kausapin siya. Nauna siyang bumaba pero pinag-buksan pa ako ni Jared ng pintuan kaya nagulat ako na ginawa niya ito lalo na at alam kong galit pa rin siya maging sa mga oras na ito. Walang salitang sumabay akong naglakad sa kan'ya papasok sa hotel. Inabot niya ang kamay ko at pinagsalikop. Hinatak ko nan