CAMILLA Sabi ni Jared, dito muna kami sa hotel magpahinga. Ngayon ko lang siya nakitang tila stress at mukhang pagod talaga kaya hinayaan ko na. Siguro medyo problematic ang business or investment na involved sa meeting niya kaya gano'n na lang ang epekto sa kan'ya. "Gusto mo bang lumabas para mamasyal?" tanong nito ng makitang nakatayo ako sa harap ng transparent glass wall ng hotel at nakatanaw sa labas. Lumapit siya sa akin at pumulupot ang mga braso sa bewang ko sabay yakap sa akin mula sa likuran ko kaya napasandig ako sa dibdib at balikat niya. "Okay ka na ba?" medyo nag-aalala na tanong ko. "Yeah, lalo na kapag kasama kita." Natawa ako sa kan'ya at napailing na lang. Kami na nga lang dito magbobolahan pa ba kaming dalawa? "Anong oras na?" bigla ay naisipan kong tanong. Ma