Sa isang elevator kami sumakay para pumunta sa third floor. Hindi ako makapaniwala na may sariling elevator ang bahay at hindi na ako mahihirapan pa na umakyat sa hagdan. Binuksan ni Aleksey ang pinakahuling pinto na nasa dulo at tumambad sa akin ang napakalaking master’s bedroom. It was spacious, with a massive bathroom and walk-in closet at may malawak siyang balcony where you can enjoy the fantastic view. Lumapit ako sa malaking kama at umupo sa gilid nito. Tumabi naman sa akin ang aking asawa na may ngiti sa kanyang mukha. “This is our room,” sabi niya sa akin. “Okay lang ba sa’yo na magkasama tayo sa iisang kwarto?” “Bakit mo tinatanong yan? Mag-asawa tayo, of course we should be together,” sagot ko. “Unless kung ayaw mo na nandito ako.” “Of course not! Baka mas comfortable ka k