Isang puting kisame ang aking nakikita nang magmulat ako ng aking mga mata. Napapikit ako ng konti dahil nasilaw ako sa ilaw na naroon at mahina pa na napaungol. Huminga ako ng malalim at napansin ko na may oxygen mask na nakatakip sa aking ilong at bibig. Ano ba ang nangyari at nasaan ako? Umikot ang aking mga mata at na-realize ko na nasa ospital na pala ako. Pero bakit? Napasinghap ako at gumalaw ako ng konti. May humawak sa aking kamay at pagtingin ko sa kanya para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita ko ang pagod na mukha ni Aleksey Ivanov. Nandito siya at ang ibig sabihin ‘non ay nasa katawan pa rin ako ng nakababata kong kapatid. I thought gumising ako at nasa original body na ang aking kaluluwa, but that’s not the case. And I am quite glad at nasa tabi ko pa rin si Lyosha