"Finally! You're here!” sabi ni Sadie nang tumahimik ang buong kwarto ng pumasok siya. Ako nga parang na-paralyze ang buo kong katawan pagpasok niya pa lang sa pinto. Hindi ko man nakita ang mukha niya sa aking paglalabor noong isang araw, but his built and domineering aura tells me that he is Mr. Ivanov, ang asawa ko na galit na galit sa akin. Na kahit muntik na akong mamatay sa panganganak ay wala siyang pakialam.
Sobrang tangkad niya, ang laki din ng kanyang katawan at halata ang kanyang malalaking muscles kahit nakasuot pa siya ng business suit. He has this natural skin tone, blond, curly locks na bagay na bagay sa kanya, hard jaw, prominent cheeks and his lips are thick and red.
Pero ang mga mata niya talaga ang nagpa-amaze sa akin, kuhang-kuha ng aming baby ang kulay ng kanyang mga mata. At tama nga si Sadie, kamukhang-kamukha ni Nikolai ang kanyang ama. Nandito na nga siya… Pero bakit siya nandito?! Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib, sobra akong kinakabahan. Ang dami ko naman kasing drama, eh! Nandito na siya tuloy, anong gagawin ko? Anong gagawin niya? Ilang araw din siyang hindi dumalaw sa amin. Huli ko siyang nakita, well, nakita ng konti, noong nanganganak ako at napilitan pa yata siya na samahan ako. I felt the chill when he strode in while I was giving birth. At wala akong naramdaman na concern sa kanya kahit sinabi ng doctor na may nangyari na masama sa akin. My own husband hates me at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon.
Lumapit sa kanya si Sadie at mahigpit siya nitong niyakap at parang may binubulong pa sa kanya. Biglang dumilim ang kanyang mukha, tapos ay tumingin siya sa’kin. Hindi naman ako mapakali at parang naiihi ako sa takot sa kanyang pagtitig sa akin. Diyos ko naman Amelia, ano bang ginawa mo sa asawa mo at mukhang abot langit ang galit niya sayo?! Tumingin ako kay Rhea at bahagya siyang ngumiti sa akin tapos ay nagpaalam na lalabas muna. Gusto ko siyang pigilan, pero ayoko namang magduda sa akin ang dalawa na tahimik na nag-uusap sa tabi. Biglang humarap sa akin si Sadie na nakangiti, lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
“Nandito na ang asawa mo Lia, iiwan ko muna kayo para makapag-bonding kayo with the baby,” sabi niya at pinisil ko ang kamay niya. “It’s going to be okay, dear.” Tumango ang ako. Niyakap niya ako sandali at lumakad na siya palabas ng kwarto. Nakatuon ang aking mga mata ngayon sa aking asawa na walang reaction ang mukha.
“Uhm, mabuti naman at dinalaw mo na kami.” Kabado at mahina kong sabi sa kanya. Napakunot-noo siya ng noo at matalim niya akong tinitigan.
“Well, I need to,” sagot niya sa malalim and smooth niyang boses. It may be appealing to some, pero parang nilalamig ang buo kong katawan. Alam kong napilitan lang siya, base sa kanyang sinabi. “Now that I know that he really is my son, he needs to meet his real father.” Natigilan ako sandali at ng ma-realize ko ang huli niyang sinabi, bigla akong nainis. So ibig sabihin sinigurado niya muna talaga na anak niya ang pinaghirapan kong niluwal. I look at the crib kung saan mahimbing na natutulog si Nikolai, tapos ay sa kanya. Hindi mapagkakaila na magkamukha silang dalawa at pareho rin ang kulay ng kanilag mga mata. Tapos pagdududahan pa niya. I get it that he hates his wife pero sana naman, huwag niyang idamay sa kanyang galit sa akin ang sarili niyang anak.
“I’m sorry? Nagkamali yata ako ng narinig.” Irita kong sabi sa kanya. Sarcastic siyang tumawa habag matalim siyang nakatingin sa akin. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. Alam ko na pinipigilan niya ang kanyang galit at huwag akong awayin habang natutulog si baby.
“No, tama ka ng narinig, Amelia. Kailangan kong siguraduhin na anak ko talaga ang batang yan. Turns out, nagsasabi ka ng totoo, which is kind of rare.” Humigpit ang hawak ko sa unan na nasa aking lap at pinigilan ko rin ang aking galit sa kanya. He may be my husband that really despised me, he can insult me all he wants pero ang pagdudahan niya ang sarili niyang anak, sobra naman yata ‘yon!
“So, dumalaw ka lang sa amin dahil nalaman mo na tunay mo siyang anak. Wow…” walang emosyon kong sabi at matalim ko din siyang tinignan. Nakakainis lang kasi! “Should I be happy with that?” His jaw clench and his teeth grinds in frustration at me. Hindi ko pinansin ang galit niya and I keep pushing on. “Kaya pala kahit muntik na akong mamatay sa panganganak sa kanya, wala ka pa ring pakialam. So ngayong napatunayan mo, that he’s your real son, umeepal ka na. Anong klase kang lalake?” Nagdilim ang buo niyang mukha. Nagulat ako nang ibagsak niya ang kanyang kamao sa table na malapit sa aking kama. Nag-alala naman ako at baka nagising si baby sa ingay. Tumingin ako sa crib atnagpasalamat dahil natutulog pa rin siya. Natakot ako sa kanyang itsura, puno ng galit ang kanyang mga mata para sa akin na parang gusto niya akong sakalin. I bet that's what he is thinking right now.”
“Anong klase akong lalake?” Matigas niyag sabi na puno ng pagtitimpi. Hinawakan niya ang braso ko at malakas niya itong pinisil. “Ikaw? Anong klase kang babae Amelia?! Paano ako hindi magdududa kung palagi kang pumupunta sa love nest niyo ng lalake mo!”
Namilog ang aking mga mata, at parang nagpanting ang tenga ko sa kanyang sinabi. “Did you forget already how many times you cheated on me?” Napa-shake naman ako ng aking head at mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa aking braso. “Binibigay ko na sa’yo lahat pero bumabalik ka pa rin sa kanya!” Malakas at galit na galit na niyang sabi. Napangiwi na ako sa higpit ng hawak niya. Hindi ko maintindihan? Kaya galit na galit siya sa akin because my sister had an affair with another man?! Hindi na ako makapag-isip ng mga oras na ‘yon. Gusto kong isigaw sa kanya na hindi ako si Amelia! Oh my god! My god Amelia! Anong ginawa mo?! How could you do this to your own husband at nabuntis ka pa. No wonder kung bakit kailangan niyang siguraduhin na anak niya si Nikolai. Nakatitig lang ako sa kanya at kitang kita ko ang idinulot na sakit ng kanyang asawa.
“Binigyan kita ng maraming chances pero patuloy mo akong sinaktan. Noong nabuntis ka akala ko magbabago ka na, that we are finally be a happy family. Pero ilang ulit kitang nakita na pumupunta sa kanya at alam kong alam mo na nandoon ako. You keep rubbing it in!” Binitawan niya ako at frustrated siyang humawak sa kanyang ulo. I was speechless! Hindi ko alam ang sasabihin ko? Now I know why he despised his wife so much. Paano ko ito aayusin? Sasabihin ko ba na hindi ako si Amelia? Na ibang tao ang nasa katawan niya?
“I...I...I’m sorry… I didn’t...didn’t…” nauutal kong sabi. Sarcastic ulit siyang tumawa. Natutop ko ang aking bibig at ang sakit ng dibdib ko sa aking mga nalalaman ngayon.
“Don’t give me that sweetheart… Gusto mo ngang makipaghiwalay sa akin, diba? Pero hindi ko ibibigay ang divorce na gusto mo at tuluyang maging masaya kasama siya.” Natigilan naman ako at hinarap ko siya.
“Hindi! Hindi ako makikipaghiwalay sayo! Aleksey, please...pakinggan mo muna ako.” Nagdududa siyang tumingin sa akin. “Hindi ko a-alam ang sinasabi mo. I almost died and mahirap i-explain pero paano kung sabihin ko sayo na hindi talaga ako si Amelia. That I am different, that I am not the woman that I am before…” Naningkit ang kanyang mga mata at malutong siyang napamura.
“Ano na namang kalokohan toh?! Nababaliw ka na ba talaga?” Napailing ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Unti-unti na ring sumisikip ang aking dibdib at parang nahihirapan akong huminga. “I can take away our baby from you at ilalagay kita sa mental facility, sweetheart. So stop this games with me!” Tuluyan na akong napaiyak at nakiusap na ako sa kanya.
“No! N-no! Please! Huwag mong ilayo sakin ang anak ko, ang anak natin! Gawin mo na ang lahat, huwag lang ‘yon… Please...please Aleksey…” pakiusap ko at humahagulgol na. Kasabay ko na ring umiiyak ngayon ang aming baby at nag-aalala na ako para sa kanya. “Ang anak natin...I...I need him…”
“Then huwag mo akong dramahan ng ganito! Stop crying!” Inis niyang sabi. Tumingin siya sa crib, sa umiiyak naming anak, at parang hindi niya alam ang kanyang gagawin. Biglang pumasok sina Sadie at si Rhea na agad na dinaluhan ang aming baby. Habang si Sadie naman ay lumapit sa akin at pilit akong pinapakalma.
“Anong ginawa mo, Lyosha?!” Galit na sabi ni Sadie na pinandilatan niya pa ng mga mata.
“Wala akong ginawa! She keeps saying insane things na hindi daw niya alam ang sinasabi ko! Na hindi siya si Amelia!” Pasigaw nitong sagot at patuloy lang akong umiyak.
“Lia dear,calm down…” pang-aalo nito sa akin at pinahiran ang basa kong mukha.
“Sadie, hindi ako baliw! Please sabihin mo sa kanya, hindi ako baliw! Ilalayo niya sa akin ang baby namin! Ayoko! Ayoko please… I am begging you!” Humahagulgol kong sabi sa kanya. Nawalan na ko ng anak noong una, hindi ko na hahayaan ngayon. If I have to live as Amelia gagawin ko, huwag lang nila akong ilayo sa anak ko.
“Umalis ka muna, Lyosha, you're stressing your wife and son,” sabi ni Sadie. Binigay naman sa akin ni Rhea si Nikolai na aking hinalikan sa kanyang noo. Kinalma ko ang aking sarili para tumigil na rin ito sa pag-iyak. Walang sinabi ang aking asawa at galit pa rin siyang lumabas ng kwarto. Huminga naman ako ng malalim ng ilang beses para mawala ang paninikip ng aking dibdib. Binigyan ako ni Sadie ng tubig na agad kong ininom.
“Lia, ano bang nangyari? Ano itong sinasabi ni Lyosha na hindi mo alam ang nangyari sa inyo?” Tanong niya sa akin. Napakagat naman ako ng labi dahil kailangan kong panindigan ito.
“I don’t remember anything…” mahina kong sabi. “Nang magising ako while in labor, wala na akong maalala. Hindi ko kayo kilala, hindi ko din kilala ang sarili kong asawa. It might seem cliche pero nagsasabi ako ng totoo. Mula ngayon, magsasabi na ako ng totoo. I am sorry Sadie, hinulaan ko lang na ikaw ang sister-in-law ko. Nabanggit sa akin ni Rhea, kaya alam ko ang name mo. Maniwala ka… Wala akong maalala.” Nagkatinginan silang dalawa at agad na kinuha ni Rhea ang chart sa dulo ng bed ko.
“Sabi mo, wala ka ng maalala ng magising ka?” Sabi niya at tumango ako. Niyakapko ang aking baby. Siya ang nagpapakalma sa akin ngayon. Mabuti at tumigil na rin siya sa kanyang pag-iyak.
“Anong ibig sabihin nito Rhea?” Nag-alala naman na tanong ni Sadie.
“Mukhang nakaapekto sa utak mo ang pag-flat line for almost a minute habang nanganganak ka.” Di-makapaniwala sabi ng aking private nurse. Chineck nya ang aking vital signs at normal naman ang lahat. “Sasabihin ko lang sa doctor. And we may need a neurologist.” Tumango lang naman kami. Nagpaalam siya at lumabas na ng kwarto.
“Lia, ano ang natatandaan mo?” Tumingin ako kay Sadie at pilit akong ngumiti sa kanya.
“The day I ran away from home when I was 18…” malungkot kong sagot. Lumambot naman ang kanyang mukha at niyakap niya ako ulit.