"H-ha?" Parang nalulon ni Christof ang sariling dila. Hindi niya inakalang alam ng dalaga na sinusundan niya ito. "A-ano kasi. Uhm," tanging nasabi niya nalang. "Buksan mo na ang pinto, Sir. I need to get my bag!" Balewalang sagot ng dalaga. Parang tuod naman na biglang bumaba mula sa motorsiklo si Christof at naglakad patungo sa pinto ng Bar. Kanina pa siya pinapahanga ni Krystal. Gaano pa kaya kahuhusay ang mga agent na nasa kabilang grupo ni Alejandro? Nakangising napailing-iling si Christof sa sarili. Pagkabukas niya ng pinto ay mabilis na pumasok do'n si Krystal. Dumeretso ito sa locker room, maya maya pa ay narinig niya ang lutong ng pagmumura ng dalaga! Agad niya itong sinundan sa loob ng kwarto. Sapo ng dalaga ang buong mukha, parang inis na inis ito. "What the f***! I am so