Medyo nahihilo na ako, nakakatatlong shot pa lang ako pero pakiramdam ko umiikot na ang paligid ko. Nagpaalam ako sandali upang magpunta ng restroom. Kailangan kong magbawas at uminom ng maraming tubig para kahit papano ay mabawasan ang tama ng alak sa katawan ko.. Ngunit nang akma akong tatayo ay muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa hilo. Agad na umalalay si Christof sa 'kin, nahawakan niya ang dalawang balikat ko pero nakita kong medyo nag-alangan pa siya dahil tumayo din ang matandang katabi ko upang alalayan ako. "Opps, Are you ok?" Tanong sakin ng matanda. Tumango ako ng bahagya. "Ako na ang maghahatid sa kanya sa restroom, Christof." Dagdag pa nito. "Uhm," parang may bumara sa lalamunan nito at natagalan pa bago binitawan ni Christof ang magkabilang balikat ko, tila nag-i