10 Years Before... "Joy, halika bilis!" excited na tawag ni Mikaela sa kaibigan. Kasalukuyang naglilinis si Joy ng lamesa na inukopa ng mga kolehiyong estudyante. Sumenyas si Joy ng sandali lang at mabilis na tinapos ang ginagawa. Hindi maitatanggi ang tuwa at kinang sa mga mata ni Mikaela habang nakatitig sa screen ng Selpon nitong nokia 3310. Sa counter ito naka-assign habang waitress naman si Joy, magkababata sila ni Mikaela at ito nga ang nagpasok sa kanya sa restaurant na 'yon. Tangka na sanang mag-uusap ang dalawa ng dumating ang manager nila. Mabuti nalang at sabay ang break nilang dalawa dahil parehas silang opening ng araw na 'yon kaya sa oras ng break nila tinuloy ang naudlot na kwentuhan.. "Ano ba yang sasabihin mo at para kang bulate na inasinan diyan? Pansin ko kanina pa