Hindi mapakali si Krystal, nagtataka ang dalaga sa mga ikinikilos ni Christof. Nung nakaraan lang na ininterview siya nito ay parang balewala naman siya dito... Hindi niya pinansin ang binata mula sa labas, parang mas lumalakas pa ang ulan. Lalong bumigat ang pakiramdam ni Krystal pero wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok sa banyo at maligo ng mabilis. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang inaabangan ni Christof sa labas. Nakakahiya man ay binalewala ni Krystal na alalahanin pa iyon. Hindi niya naman sinabing sunduin siya nito. Paglabas niya ay nakita niya ang pag-ikot ng kotse ng binata mula sa kabilang kanto patawid sa tapat ng tinutuluyan niya. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalaga at mabilis na sumakay sa back seat ng sasakyan nito. Siguradong bunganga ni Mila ang s