Via
It was just a quick kiss. He didn't even touch me. All I can remember was him leaning over and stealing a kiss from me. Damn! He is fast. I haven't kissed anyone before. I was actually saving it for my first boyfriend but now, it's gone. Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa na s'ya ang unang nakahalik sa akin.
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni CJ. "You have never been kissed before." Bulong nya sa akin.
Humalukipkip ako at matalim s'yang tiningnan. "Why did you do that? You have no right!"
"I wanted to kiss you."
"I don't care if you want to, CJ. I was saving that for my first boyfriend!" Sumabog na ang tinitimpi kong inis sa kanya at napapadyak.
"Hindi ka pa nagkakaboyfriend?" Gulat na tanong nito.
"Ano naman ang nakakapagtaka?? Porke madami kang babae, tingin mo sa lahat parehas nila?? Excuse me lang ha!" Salubong na ang kilay ko sa kanya at naiirita na ako.
"Granted you have never been kissed on the lips before, but you haven't dated anyone?"
"No."
"Kahit halik sa pisngi, wala pa?" Kumunot ang noo n'ya.
"Wala."
"Totoo?"
Namaywang na ako sa kanya. "Namumuro ka na sa akin Carter James, umuwi ka na."
"Ayoko nga. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Nakangisi nitong sabi. Ganito rin s'ya noon kakulit. Ang diprensya lang, hindi s'ya nanghahalik! Natural lang na hindi n'ya ako halikan, ang bata ko pa noon. Dose anyos lang ako at bente anyos naman s'ya. Ang alam ko nga ay papalit palit s'ya ng girlfriends.
"Ikaw lang ang hindi pa tapos pero ako tapos na. Good night!" Nilayasan ko s'ya sa kitchen at naupo sa couch.
Nakita ko s'ya ng sipatin ang orasan ko sa salas. "Ang aga pa kaya. Alas otso lang." Narinig ko ang tubig sa kusina at saglit s'yang nilingon. Hinuhugasan n'ya rin ang pinaglutuan pati ang plato na bitbit ko kanina. Narinig ko ang papalapit n'yang yabag. Akala ko ay didiretso na sa pintuan pero hindi pala. Sa halip ay tumabi ng upo sa akin sa couch. Diretso lang ang tingin ko sa telebisyon ng lumundo ang inuupuan ko.
"Can we watch a different show?" Narinig kong sabi n'ya.
"No."
"But don't you get bored watching this? I mean it's what you do everyday." Nang tiningnan ko s'ya ay nakangiwi ang mukha.
"May tv ka ba sa bahay mo?"
"Oo, syempre. Bakit?"
"Ayun naman pala. Eh di doon ka manood ng gusto mong palabas."
"Ayoko nga, wala akong kasama."
"Alam mo, sa lahat ng bisita -- ikaw na ang pinakamadaming request. To think na hindi naman kita inimbita!" Mahina s'yang tumawa. "Una, kinain mo ang pagkain ko. Pangalawa, nagnakaw ka ng halik sa akin. At pangatlo, gusto mo pang palitan ang pinapanood ko. 'Yong totoo, bakit ka nandito?"
"Because you bother me." Pabulong ang pagkakasabi n'ya pero sa lapit namin ay rinig na rinig ko.
"What?" Kunot noo kong tanong sa ka.nya.
"Because you bother me to no end, Octavia." Sinalubong n'ya ang mga mata ko pero ako ang unang umiwas. His stares were too intense. Parang gusto n'ya na akong kainin.
"Bother you? I hardly talked to you in the office. What are you talking about bothering you? That's just plain bull crap!"
"You have a sassy mouth, do you know that?" He looked amused.
"Hindi ikaw ang unang nagsabi." Umirap ako sa kanya at kinuha ko ang remote sa coffee table. Naghanap ako ng ibang palabas at parang tanga lang, Never Been Kissed ang pelikula. Pinagbidahan ni Drew Barrymore.
"I didn't know you like romantic movies. Akala ko kasi more on action stories ka." His shoulders were shaking at halatang pinipigil ang tawa.
"At bakit naman action?"
"Ang sungit mo kasi." He winked at me.
Muntik na akong malusaw pero nakabawi naman ako kahit palakas ng palakas ang kabog ng dibdbi ko. "Do you have a master's degree?"
"Yes."
"Kaya naman pala sanay na sanay." Pabulong kong sabi.
"I heard that."
"Totoo naman. Sanay na sanay kang mangharot. No wonder papalit palit ka ng babae."
Ngumiti s'ya. "Nakita mo?"
"Nangangalat kaya ang mga litrato mo sa internet paanong hindi makikita?" Katwiran ko sa kanya. "At mukhang proud ka pa." Ilang beses ko ng napanood ang pelikulang ito, pero this time wala akong maintindihan.
Tumawa s'ya. "What's wrong with casual dating?"
"May sinabi ba akong masamang makipag-date?" I countered him.
"Wala, but that's what you were implying."
"Think whatever you like. I don't care."
Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin at mukhang nakikiramdam s'ya. What he said next though -- it was enough to shake my world.
"Let's date."
"Excuse me?"
"I said, let's date."
"No."
"No?"
"We can't."
"Is it because of the office no-dating policy? Damn, I should remove that."
"That, and the fact that I don't want to date you." There, I said it. Sino naman ang gustong maka-date ang isang playboy na katulad nito? Oo nga at gwapo si CJ -- lahat na ng magandang katangian ay nasa kanya. Pero seriously, wala akong balak pumila para lang maamutan ng atensyon nya.
"Akala ko ba, wala kang boyfriend?" Bakas ang kalituhan sa mukha n'ya.
"Wala nga. Pero hindi naman ibig sabihin na wala akong boyfriend ay gusto na kitang maka-date. Are you crazy?"
"I don't take no for an answer."
"Well, I just turned you down."
"Hindi na magbabago ang isip mo?"
"Nope."
"Talagang talaga?"
"You heard me."
"Final answer?"
"Paulit ulit, Carter James?"
Ngumiti s'ya. "Bakit kapag ikaw ang nagsasabi ng buong pangalan ko, ang sarap pakinggan?"
"Ilang beses mo ng ginamit ang linya mong 'yan? Halatang gasgas na."
"Sa iyo pa lang."
Nang tingnan ko s'ya ay mukha namang nagsasabi ng totoo. "Okay."
"Okay meaning you believe me or okay meaning you will date me?" Ang kislap ng mga mata n'ya ay makinang. Hindi naman s'ya ganito noon. Whenever they come for a visit, he always played with me. I like video games and so did he. Dumalang na lang ang pagkikita namin noong nagkolehiyo s'ya. Si Cali at Cassie na lang ang kasama ng parents n'ya sa bakasyon. I should contact them tomorrow and go out with them. I am close with them too.
"Okay meaning I believe you." I clarified that with him.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. "You're so difficult."
"Ano naman ang ineexpect mo? Na isang sabi mo lang, magkakandarapa na ako na makadate ka?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Hindi naman, but I thought you would at least give me a chance."
"We have known each other for a long time. Para na nga kitang kapatid eh." F*ck that. Being his sister is so far from what I am starting to feel for him. Ang crush ko noon ay yumabong na ng yumabong. Hindi ko na alam ang tawag dito. Naiinis ako kapag nakikita s'yang papalit palit ng babae.
"Kapatid? Hindi kita hahalikan kanina kung kapatid ang tingin ko sa 'yo. Give me a break, Octavia."
"Whatever. I am still not dating you."
"Yes, you are. Starting tonight." He claimed my lips for another kiss before heading for the door. "Make sure you lock the door when I leave. Goodnight sweetheart."
And he left -- just like that. So we are dating? What's that even mean? Hindi naman n'ya ako niligawan. First day in California and he is driving me crazy already.
***