Puso Ng Saging 1
“Sandara Key Pereira!” Maliksi akong lumingon sa taong tumawag sa akin. Bigla ring napakunot ang aking noo, nang makita ko ang isang delivery boy ng malaking truck.
“Yes, mayroon ka bang kailangan sa akin, kuya?” tanong ko at lumapit pa akong talaga rito. Mukhang hindi na naman ito masamang tao. Kaya tiwala akong lumapit dito.
“May i-dedeliver lang po ako sa ‘yo. Kahapon pa po kita hinahanap ngunit wala ka naman sa bahay mo. Mabuti at nakita kita rito sa gitna ng kalye,” tuloy-tuloy na litanya ng lalaking delivery boy.
Bigla na naman akong kinutuban. Parang alam ko na kung ano ang i-dedeliver nito sa akin. Peste! Akala ko’y titigilan na ako ng ulupong na saging na ‘yun. Kung sino man ‘yun.
At nang dahil sa saging kaya nakulong din ako sa kulungan ng ilang oras. Mabuti na lang at may isang tao ang nagpalabas sa akin sa mula sa kulungan. Ngunit hindi ko naman ito kilala.
Ngunit, nagpadala lang ng sulat ang lalaking nagpalabas sa akin. At ang sabi ay maninigil lang daw ito kapag nakaipon na raw ako ng pera. Iyon nga lang hindi ko alam kung magkano ang babayaran ko rito. Hindi naman siguro aabot ng milyong peso. Sana lang!
Kaya nga tudo tipid ako, baka magulat na lang ako isang umaga na may kakatok sa bahay ko para maningil ng utang. Ayaw ko namang manghingi sa aking kuya Gred.
“Ms. Pereira! Ms. Pereira! Ayos ka lang ba? Mukhang nakatulog ka na yata?” sunod-sunod na tanong sa akin ng lalaking kaharapan ko.
“Ah. . . Eh. . . oo, ayos lang ako. Teka, ano ba ang i-dedeliver mo sa akin? Saka, wala naman akong alam na may magpapadala sa akin ngayon, ah,” anas ko rito.
“Kukuhanin ko po, Ms. Pereira,” anas ng lalaki sa akin. Pagkatapos ay pumunta sa likod ng malaking truck. Mayamaya pa’y nakita ko na nga ang dala-dala nitong sako. At mukhang punong-puno ‘yun ng laman.
Nakangiwing sinundan ko ito ng tangin hanggang sa makarating sa aking harapan.
“Kuya, wala naman akong order na ganiyan. Saan ba galing ‘yan?” tanong ko sa lalaki.
“Wala pong nakapangalan kung saan galing. Ngunit bayad na po ‘yan, kaya wala ka nang dapat pang isipin, Ms. Pereira,” anas ng lalaki. Pagkatapos ay agad na itong tumalikod sa akin para umalis.
Ako naman ay nakatingin lamang sa sakong nasa harapan ko. Parang gusto kong maluha. Kaya kahit labag sa aking kalooban na tingnan ang loob ng sako ay napilitan ako.
Hanggang sa tumambad sa harapan ko ang puso ng saging. Anak! Ng tinapa! Pinagloloko na yata ako nang nagpadala nito sa akin, ah?
Nagdesisyon na lang akong muling naglakad. Para tuluyan na akong umuwi sa bahay ko.
Kagagaling ko lang sa trabaho tapos ito pa ang dala-dala ko pauwi? Ang mga puso ng saging. Kaya ang labas ay hila-hila ko ito. Hindi ko naman puwedeng iiwan dito sa kalye at baka may makakita sa akin at magbayad pa ako ng multa.
Hindi pa ako halos nakakarating sa bahay ko nang makakita naman ako ng isang lalaking may tulak-tulak na kariton. Habang may mga hinog na saging ibabaw noon.
“Saging kayo riyan! Saging!” malakas na sigaw ng lalaki.
Napangiwi ako nang marinig ko ang salitang saging. Jusko po! Umay na umay na ako sa saging. Ang masama pa’y lagi ko pa itong nakikita at nakakasalubong.
“Ms. Baka gusto mo ng saging?” tanong sa akin ng lalaki.
“Salamat na lang po, Manong,” anas ko. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumayo sa lalaki. At baka pilitin lang ako bumili ng saging na tinda niya. Hanggang sa makarating ako sa aking bahay. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob.
Ang hila-hila ko naman na puso ng saging at basta ko na lang iniwan sa labas ng bahay. Sa aking kwarto ako nagpunta. Isa-isa kong tinanggal ang lahat ng saplot ko sa aking katawan.
TANGKA na sana akong papasok sa loob ng banyo nang marinig kong may nagtext sa akin. Nakita kong number lamang ito. Ngunit ka agad ko ring binasa.
“Nagustuhan mo ba ang pinadala ko sa ‘yo? Sana’y itabi mo sa ‘yong pagtulog!” malakas na basa ko sa text sa akin.
Iiling-iling na lamang ako sa aking nabasa. Hindi ko na lang ito pinansin at tuluyan na akong pumunta sa loob ng banyo para maligo.
Hanggang sa lumipas ang mahabang oras, ay natapos din akong maligo. Isang maikling short at hanging blouse ang aking suot, kaya, kapag itataas ko ang aking dalawang braso ay lumalabas ang aking tiyan. Hindi naman ako mahihiya na magsuot nito lalo at makinis at maputi naman ang aking balat.
Mayamaya pa’y nagmamadali na akong lumabas ng kwarto. Balak ko kasing pumunta sa palengke upang bumili ng ulam.
Lumabas ako ng gate at tuloy-tuloy na akong naglakad. Hindi naman kalayuan ang palengke at puwede talagang lakarin.
Subalit, bigla akong nagulat sa kotseng dumaan sa aking tabi. At ang masama pa’y pinadaan pa nito sa tubig at lahat yata ng tubig kanal ay sa aking napunta.
Hindi ka agad ako nakahuma. Nanlalaki rin ang mga mata ko sa nangyari sa akin. Dahan-dahan naman akong bumaling sa kotse may kagagawan sa akin. Lalo at huminto naman ito sa gilid ng daan.
Malalaki tuloy ang hakbang para lang makalapit dito. Kuyom din ang mga kamao ko at para bang sasabak ako sa laban.
“Hoy! Lumabas ka riyan? Harapin mo ako! Tinamaan ka ng magaling peste kang animal ka!” malakas na sigaw ko. Habang kinakatok ko ang binata ng kotse nito. Ang sarap basagin.
Dahan-dahan namang bumukas ang bintana. Hanggang sa tumambad sa aking harapan ang isang lalaking sobrang gwapo. Nakasuot din ito ng sunglasses sa mga mata, kaya lalong lumakas ang dating nito.
“Kung pagpapantasyahan mo lang ako babaeng pulubi ay umalis ka na!” Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nitong pulubi raw ako.
Anak ng saging, oh!