Sabay kaming pumunta ni Klover sa cafeteria para sa aming lunch. Luminya kami tulad ng iba at pumili ng aming food na naroon tapos ay pumwesto kami sa isang bakanteng table na nasa sulok. Dalawa lang naman kami, dahil hindi pumasok ang aking kapatid na hindi maganda ang pakiramdam. Nagi-guilty ako dahil ako ang cause kung bakit pa lumala ang pakiramdam niya. Okay naman yo’ng canned soup na ininit ko, ah. I’m sure na hindi ‘yon expired or anything. Tinawagan ko na siya kanina and she said that she’s feeling better kaya huwag ko na daw sisihin ang sarili ko. Nagulat ng kaibigan ko nang sabihin ko sa kanya kanina na hindi pumasok si Rouge. First time naman kasi ‘yon na nangyari dahil malimit lang magkasakit ang kapatid ko. Isa pa, walang sakit-sakit sa kanya at papasok talaga siya. Pero nga