Buong araw ako na tinukso ni Quartz pagkatapos ang ginawa niya sa akin sa back seat. Sa galing ng kanyang ginawa, parang nararamdaman ko pa rin ang kanyang labi at dila sa aking gitna. At sa sobrang landi ko, gusto ko na maramdaman ko na siya ng buo. Pero pinigilan ko ang aking sarili, darating din kami dyan at kailangan kong maging kalmado para hindi niya naman mapansin na sabik na sabik na ako sa kanya. Inabala namin ang aming sarili sa pagtatayo ng tent ang pagsasa-ayos ng pwesto namin. May picnic table at bench na malapit kaya doon na lang namin nilagay ang mga pagkain at gamit namin sa pagluluto. Siya naman ang nag-ayos sa hihigaan namin at mga gamit namin. Nagpahid din siya ng insect repellant sa aming mga balat at siya mismo ang naglagay nito sa akin. Syempre hindi ko din maiwasan n