Nagulat ako nang dumating ang magkakapatid na malalim na ang gabi. Napuno din ako ng pag-aalala dahil hinahanap nila si Quest na lasing na lasing ngayon. Nagulat ako nang bigla siyang umuhod sa harapan ko at niyakap niya ang aking mga binti. Dahil sa kalasingan kung anu-ano na lang ang sinasabi niya at ‘yon ang dinahilan ko sa kanyang mga kapatid na nakatingin sa amin. Dinala nila ito sa kanyang kwarto at sinundan ko sila. Pinahiga nila ito sa kama at sinimulan ko namang tanggalin ang kanyang sapatos at suit jacket. Tinanggal ko din ang isang damit at nagulat ulit ako nang hawakan niya ang aking kamay. Hinawakan ko ang kanyang mukha at nagmulat siya ng mga mata. Kinuha ko ang baso ng tubig at pinainom ko siya. “Di-dito ka lang…” mahina niyang sabi. Tumango lang naman ako at ngumiti sa ka