bc

SAMUEL is a Superstar Billionaire

book_age18+
125
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
playboy
confident
sweet
bxg
actor
like
intro-logo
Blurb

Isang sikat na artista si Samuel Blake. Gwapo, makulit at higit sa lahat babaero. Hindi niya nais na pumasok sa isang relasyon kung masasaktan lang siya ulit.Sashi Gonzales galing sa isang simpleng pamilya. Sa edad na trenta ay wala pa siyang naging kasintahan. Paano kung bumalik ang lalaking sinaktan niya ang damdamin noon? Paano niya ito haharapin? Maiiwasan ba niya ito? Lalo na kapag nalaman niya na ito pala ang bago niyang boss.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SASHI POV "Sash, where are you na ba? Ngayon na ang unang araw mo sa trabaho. Dapat one pm ay nandito kana." Sabi sa akin ng kaibigan ko na si Ria. "Paalis na ako sa bahay. Pasensya kana Ri." Sagot ko sa kanya. "Sige kita na lang tayo sa entrance ng building." Sabi niya sa akin. "Okay, sige." Mabilis kong dinala ang mga gamit ko. Isang backpack ang dala ko at isang sling bag. Ang sabi kasi sa akin ay stay-in ang magiging trabaho ko. At artista ang pagsisilbihan ko. Laking pasasalamat ko dahil kahit trenta na ako ay tinanggap pa rin nila ako bilang PA. Kakarating ko lang dito sa Maynila kagabi. Isinabay ako ng pinsan ni Ria. Sa totoo lang ay wala na sana akong balak na bumalik pa rito sa Maynila pero kailangan ko dahil kailangan ko ng pambili ng gamot ni inay at para sa matrikula ng kapatid ko na college nitong pasukan. Sumakay ako sa jeep at nang bumaba ako ay quarter to one na. May fifteen mins na lang akong natitira kaya patakbo akong lumapit kay Ria. "Mabuti naman at nandito kana. Mamayang 2pm at kailangan mo ng sumama sa boss mo dahil may shooting siya sa Tagaytay." Saad sa akin ni Ria. "Salamat talaga, Ri. Malaking tulong ito sa pamilya ko." Sabi ko sa kanya. "Sino pa ba dapat ang magtutulungan kundi tayo lang rin na magkaibigan. Wala kang magiging problema sa boss mo dahil makulit at mabait ito. Saka sigurado ako na hindi ka niya type. Babaero 'yon pero ang alam ko ayaw niya sa may edad na." Sabi pa nito sa akin. "Wala ka namang intensyon na saktan ang damdamin ko diba?" Natatawa na tanong ko sa kaibigan ko. "Wala naman hahaha. Saka nagsasabi lang ako ng totoo. Trenta kana at kailan ka pa ba magkakajowa. Jusko ka lagpas kana sa kalendaryo, iha." Natatawa na sabi niya sa akin. "Wala pa naman kasi akong nagugustuhan." "O baka may hinihintay ka pa." Sabi pa niya sa akin. "Wala po." "Okay, sabi mo eh. Pero minsan sumama ka kay Sir sa bar. Baka doon ka makahanap ng boylet mo. Need mo ng padiligan ang rosas mo dahil baka malanta na." aniya pa sa akin. Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Panay pa rin ang daldal niya hanggang sa makarating na kami sa tapat ng unit ng boss ko. Kumatok siya at ng marinig ko na nagclick ang pintuan ay kaagad kaming pumasok. Ang ganda ng condo unit at halatang mayaman talaga ang nakatira. "Ria, kasama mo na ba ang PA ko?" Narinig ko na tanong ng isang baritono na boses ng isang lalaki. "Opo, Sir." Masigla na sagot ni Ria. Para akong natuod sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Nagtagpo ang mga mata namin. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang ako parang tatakbo na palabas. Biglang naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Sobrang laki na ng pagbabago niya ngayon. "Siya ba ang PA ko?" Seryoso na tanong niya kay Ria. "Opo, si Sashi Gonzales po." "Sash, si Sir Samuel pala. Ang magiging boss mo." Pakilala ng kaibigan ko. "Magandang hapon po," magalang ba bati ko sa kanya. "Wala na bang mas bata na PA. Sa tingin ko kasi matanda na siya." Biglang sabi nito. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Dahil tama siya matanda na ako. "Sir, trenta pa lang siya at malakas pa po 'yan. Nakapirma na po siya ng one year contract at si manager po ang nag-approved sa kanya. Katunayan rin pala, Sir ay hahanapan ko nga siya ng jowa para makapag-asawa na." Napangiti na lang ako sa sinabi ng kaibigan ko. Hindi naman kasi kailangan na sabihin niya pa ang mga ganoong bagay. Napaka-daldal talaga niya kahit kailan. "Hahanapan mo ng jowa? Baka iwan rin niya sa ere." Saad nito na ikinagulat ko. "Hindi naman, Sir. Mabait itong kaibigan ko. Sige, Sir mauna na ako sa inyo. Kayo na po ang bahala sa kaibigan ko." "Sash, alis na ako. May trabaho pa kasi ako." Paalam niya sa akin. "Sige, mag-iingat ka. Salamat, Ri." Saad ko naman sa kanya. Doble na ang kaba na naramdaman ko dahil kami na lang dalawa ang narito. Para kasing pap*tayin niya ako sa titig niya. "Doon ang kwarto mo," aniya sa akin sabay turo sa isang silid dito sa condo niya. "Simple lang naman ang rule ko. Ang gawin mo ng maayos ang trabaho mo." Sabi niya sa akin at mabilis siyang pumasok sa katabing pintuan ng silid na itinuro niya sa akin. Naiwan akong mag-isa dito sa salas niya. Ang laki na talaga ng pinagbago niya ngayon. Hindi ko akalain na magiging artista siya. Kasi ang nasa isipan ko noon ay magiging businessman siya tulad ni Sir Luke. Ilang taon na ba ang lumipas? Seven years na simula nang umalis ako sa bahay nila at hindi ko inaasahan na sa pagbalik ko ay sa kanya ako magtatrabaho. Dahil sa kaba ko ay bigla na lang akong nakaramdam ng pagka-uhaw. Pero hindi ko alam kung puwede ba akong makiinom dito. Kaysa mauhaw ako ay nilakasan ko ang loob ko para kumatok sa pintuan niya. Nakailang katok na ako pero hindi man lang niya ito binubuksan. Kaya naisip ko baka tulog siya. Umalis na lang ako sa tapat ng silid niya at pumasok ako sa magiging silid ko. Ipinasok ko muna ang mga gamit ko. Bago ako lumabas ulit. Sakto naman ang labas ko dahil nakaupo na ito ngayon sa may couch. "Sir," tawag ko sa kanya. "What?" Singhal niya sa akin. "Puwede po ba akong uminom ng tubig?" Tanong ko sa kanya. "Kahit ubusin mo pa," suplado na sagot niya sa akin. Ngumiti na lang ako kahit na medyo naiinis ako sa naging sagot niya sa akin. Pumasok ako sa tingin ko ay kusina niya. Mabilis akong uminom ng tubig. "Ayy! Kabayo na pilay!" Nagulat ako dahil bigla na lang itong sumulpot sa harapan ko. "Tsk!" asik niya sa akin. Lalabas na sana ako sa kusina nang bigla itong nagsalita. "Pumasok ka sa room ko at ayusin mo ang mga gamit ko. May listahan na doon kaya hindi ka na mahihirapan pa." Suplado na sabi niya sa akin. Nauna siyang umalis sa akin dito sa kusina. Pagpasok ko sa room niya ay wala siya pero naririnig ko ang lagaslas ng tubig. Naglakad ako papunta sa kama niya at may nakita akong listahan ng mga gamit na dadalhin niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo pero hindi ako lumingon sa kanya. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. "Puwede ba, magsuot ka naman ng damit na hindi pangmatanda. Baka akalain nila ugod-ugod na ang alalay ko." Parang naiinis na sabi niya sa akin. Grabe siya magsalita. Nakakasakit siya ng damdamin ko. Need ba na ipamukha niya sa akin na matanda na ako. "Sir, hayaan niyo na lang po muna ako. Wala po akong dalang damit na sunod sa uso ngayon." Nahihiya na sagot ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at umalis siya sa tabi ko. Nakatapis lang siya ng towel sa baywang. Ilang sandali pa ay bumalik na ito at nakabihis na siya. May binigay siya sa akin na dalawang paper bag. "Ano po ito?" Tanong ko sa kanya. "Damit, ang sabi mo wala kang damit na makabago dahil puro pangmatanda ang meron ka." "Ayaw ko po, baka sa girlfriend niyo 'yan. Okay na po ako dito sa damit ko." Pagtanggi ko sa kanya nakita ko ang pagtiim bagang niya. "Sa kapatid ko 'yan kaya 'wag ka ng maarte pa dahil male-late na tayo." Hindi na lang ako kumontra pa sa kanya. Binilisan ko ang pag-impake sa mga gamit niya. Nang matapos na ako ay inilabas ko na ang maleta niya. Ang sabi niya ay magtatagal kami doon ng isang linggo. Pumasok ako sa silid ko at nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. Tiningnan ko rin kung ano ang mga damit na binigay niya. May dress at may shorts. Ayaw ko man pero pinili kong isuot ang isang t-shirt at maong shorts. Litaw na litaw ang maputi at mahaba kong mga binti. Nang okay na ako ay lumabas na ako. "What the fvck are you wearing?" Galit na tanong niya sa akin. Natulala na lang ako sa kanya dahil hindi ko siya maintindihan. Ano ba talaga ang gusto niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook