What the hell was that?! Parang may sumigaw ata? Hmmm. Istorbo. Puyat pa naman ako dahil sa sobrang excitement sa gagawin kong.... Oh damn! Napabalikwas ako ng bangon. I immediately looked at the alarm clock. It says 6:30. Walangya kang alarm clock ka, bakit hindi ka tumunog sa na-set kong time?! Agad akong bumangon at patingkayad na pumunta sa kabilang kuwarto. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan ng silid at nakiramdam. Tahimik naman. Tulog pa kaya si Marie? Dumating ba ang isa sa kambal kagabi? Iitakin talaga kitang alarm clock ka! Argh! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto habang sumisilip sa maliit na siwang nito. Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nagmamadali akong naglakad papunta sa kama. Hinanda ko ang sarili ko para sumigaw just in case andoon si Marie at ang isa sa kambal. “