Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto ko saka ako sumilip gamit ang isa kong mata. “Okay, safe,” bulong ko sa aking sarili. Binuksan ko paunti-unti ang pintuan at inilabas ang ulo ko. Good. Tahimik. Siguradong tulog pa ang kambal na gunggong. Inilabas ko ang katawan ko. Looking around like a thief. Patingkayad akong naglakad. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang. Tigil. Tingin sa paligid. Hakbang ulit. Isa pa. Dalawa pa. Sige malapit na. Malapit na ako sa pintuan. Ilang hakbang na lang, Cles. Bakit nga ba ako parang timang na nagkakaganito? Paano ba naman, tuwing umaga, si Winter na ang nagluluto ng breakfast. Noong una, hilaw na kanin at half-cooked lahat ng ulam. Noong ikalawang araw, sunog ang kanin at ulam. Noong ikatlong araw, nag-unahan na kami ni Summer sa lababo pa