Chapter 28

1432 Words

“MAY BOYFRIEND ka na naman ‘no?” Muntik na mabitawan ni Angel ang hawak niyang baso ng mainit na kape nang biglang magsalita si Grace mula sa bukana ng kusina nito. Napalingon siya sa kaibigan niya na hindi niya namalayang nakauwi na pala. Alas singko ng umaga na siya nakauwi kanina – hinatid siya ni Jack – at naabutan niyang walang tao sa apartment. Alas sais na ngayon. Hindi na siya natulog kasi mayamaya lang kailangan na niya mag-ayos para pumasok sa trabaho. Tuluyang pumasok sa kusina si Grace at umupo sa isang silya. Umangat pang lalo ang maiksing laylayan ng body hugging dress nito. Itinukod nito ang mga siko sa lamesa at lumiyad kaya halos lumuwa na ang boobs nito kasi sobrang baba ng neckline. Mukhang rumaket ang kaibigan niya kagabi. “Gusto mo ng kape?” alok ni Angel. “Yup.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD