Chapter 2

524 Words
BUKAS pa ng gabi ang raket na inaalok ng kaibigan ni Angel. May hanggang bukas daw siya ng tanghali para pag-isipang mabuti kung papayag siya o hindi. Iniisip pa lang niya, nanunuyo na ang lalamunan niya at nanlalamig na siya.                     Pero sure money ‘yon. May sobra pa. Parang naririnig niya ang boses ni Grace sa isip niya. Magaling talaga mangumbinsi.                Bumuntong hininga siya at napatitig sa front door ng bahay ng Tita niya kung saan siya tumira mula pa noong ten years old siya. Alas otso na ng gabi. Sigurado tapos na mag dinner ang mga ito. Huminga siya ng malalim at saka pumasok sa loob ng bahay.                Nasa living room ang Tita niya at ang asawa nito, nanonood ng TV. Pagkakita pa lang ng Tiyahin niya sa kaniya sumimangot na ito. “Nandito ka na pala.”                Tumikhim si Angel at tumango. “Papasok na ho ako sa kuwarto ko.”                 “Bakit hindi ka muna manood dito. Maupo ka muna,” aya ng asawa ng Tita niya, nakangiti at tinapik pa ang espasyo sa kabilang tabi nito.                Na-tense si Angel. Humigpit ang hawak sa strap ng backpack niya. “Hindi na ho. Maaga pa ako bukas. Good night ho.” Saka siya tumalikod at naglakad papunta sa kuwarto niya. Dati ‘yong bodega bago siya tumira roon kaya maliit lang. Pero ayos na rin kasi matibay ang pinto ‘non. Pagpasok niya sa loob, ini-lock niya agad ang doorknob. Sinunod niyang ang tatlo pang extra lock na inilagay niya roon mula pa noong thirteen years old siya. Saka lang siya unti-unting kumalma.                Umupo siya sa gilid ng kama na halos sakop na ang buong kwarto. Sa may paanan naroon ang isang malaking kahon kung nasaan ang mga damit niya at gamit sa school. Isang desk lamp lang ang ilaw doon at walang bintana. Ni wala nga siyang electric fan. Pero sino siya para magreklamo? Paulit-ulit ngang sabi ng tita niya, mabuti nga’t hindi siya sa kalye natutulog.                  Alam naman niya na napilitan lang ang tiyahin niyang kupkupin siya noon. Ito kasi ang nag-iisang kapatid ng Mama niya. Ten years old siya nang mamatay sa isang car accident ang parents niya. Ulilang lubos na siya. Wala siyang ibang mapupuntahan kaya kahit masama ang ugali ng tiyahin niya at hindi siya komportable na kasama sa bahay ang asawa nito, nagtiis siya. Kasi hindi pwedeng maging ganoon na lang ang buhay niya. Kailangan niya makapag-aral at makapagtapos. Kailangan niya magkaroon ng trabaho na bubuhay sa kaniya. Gusto niyang may marating. She wants to survive in this cruel world.                Pabagsak na humiga sa kama si Angel at tumitig sa kisame. Gustong gusto na niyang umalis doon at alam niyang gusto na rin siya palayasin ng Tiyahin niya. Kaya kailangan niya maka-graduate ngayong taon.                Naalala niya ang raket na sagot sa problema niya sa pera. Isang gabi lang naman ‘yon. Isang oras nga lang kung tutuusin. Huminga siya ng malalim. Then kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Grace.                “Nakapagdesisyon ka na?” tanong agad ng kaibigan niya.                Mariing pumikit si Angel saka nagsalita, “I’ll do it.”               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD