Episode 20-

2010 Words

Zion's POV Mula ng nakausap ko si Aubrey sa telepono ay tila ba may kung anong bagay ang nagpipigil sa akin na gawin ang aking mga plano. Sa isang sulok ng aking isipan ay gusto kong pakinggan ang kaniyang sasabihin sa akin ngunit ayoko namang saktan si Sanya. Apat na taon na ang lumipas at hindi ang tinig ni Aubrey sa telepono ang maaaring sumira ng lahat ng aking mga plano. Bakit pa siya bumalik? Bakit kailangan nya pang guluhin ang utak ko? Tahimik na ako na namumuhay dito sa France kasama ang aking mga kaibigan at ang aking kasintahan, bakit kailangan nya pang bumalik? Ang tagal kong naghirap at nagdusa bago nakabangong muli ng iniwan niya ako, ngayon ay babalik sila na para bang wala lang yung mga nangyari? Na para bang okay lang ang lahat? Ganoon lang ba ka simple ang ginawa nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD