Ilang araw na ang nakalipas at busy na busy siya, ngayong araw ay ipe-present nila ang kanilang mga gawa. Naii-stress na nga siya dahil sa kaba, siyempre balita sa kanila na professional fashion designer ang judge, paano na lang kung pagtawanan lang ang mga gawa nila ‘di ba. Alam niya pa naman na ang mga professional, matataas ang standards sana lang talaga hindi sila kawawain.
Busy silang lahat dahil paulit ulit nilang chine-check ang gawa nila. Napatingin siya kay Olivia na naii-stress na rin dahil ito ang leader nila ngayon. Gusto niya itong tawanan, pero mamaya na lang pag sigurado na siyang nakapasa na sila.
"Nakaayos na ba ang lahat? okay na ba ‘yong section natin?" tumango ang lahat sa tanong ni Olivia, inikot niya rin ang paningin niya. Maayos naman na nakahelera ang kanilang mga gawa at malinis na ang lugar.
"Yes! okay na mars, lahat lahat," sambit ni Ella. Nakita naman niya na inabutan ni Ivy si Vixxie ng tubig.
"Kinakabahan ako... sana mataas mag bigay yung judge," rinig niyang sabi ni Vixxie.
"Iyong dalawa galing sa FLC kung saan tayo mag o-ojt! Kaya kailangan natin mag pakitang gilas," sigaw niya sa mga ito at lumapit siya kila Vixxie.
"Totoo? as in?" paninigurado pa na tanong ni Ivy.
"Yes! at alam mo bang may pogi? head manager siya sa FLC manila branch," natatawang sambit niya sa mga ito. Napag alaman niya kasi iyon, malakas siya sa balita pag may pogi na darating sa school nila.
"Puro pogi ka na naman Yessha!" tinapik siya ni Olivia sa balikat. Inirapan niya ito at inirapan din siya nito.
"Sus, wala ka bang landi ngayon? parang ang bitter mo ah!" asar niya rito, pangisi ngisi pa siya.
"Wala! ikaw? Ka-chat mo si Thunder ‘di ba?" natigilan siya at napaawang ang kaniyang labi sa sinabi nito.
"Hoy! ang ingay mo!"
"Ka-chat mo si kulog?" napaiwas siya ng tingin kay Ivy.
"N-nakasalubong ko siya... tapos natapunan ko ‘yong damit niya! k-kaya ayon! basta! ughh, kaasar kayo ha!" napanguso siya ng tinawanan lang siya ng mga ito. Gawa gawa lang niya ang kwento na ‘yon siyempre. ‘Di niya kasi alam ang sasabihin, napaka epal kasi ni Olivia, mamaya sasabunutan niya iyon.
"Support ka namin diyan!" mas lalo tuloy siyang nahiya sa mga ito, sumigaw pa talaga si Vixxie. Sumimangot na lang siya sa isang tabi. Sasusunod niya na i-ke-kwento kung ano ang magiging meron sila ni Thunder.
She is opened about what she wants, ang tatlo lang ang pinagkakatiwalaan niya dahil hindi siya nito jina-judge sa gusto niya at sinu-suportahan pa siya, lalo na pag okay lang ang desisyon niya at kung hindi makakasama sa kaniya. Kaya mahal na mahal niya ang tatlo niyang totoong kaibigan. Marami siyang kaibigan pero ang tatlo lang ang mapagkakatiwalaan niya at tinuturing niyang parang isang totoong kapatid.
They are the best among the rest!
Sa tagal ng hinintay nila at sa kaba nila nakahinga sila lahat ng maluwag nang sabihin ng professor nila na pasado sila.
Napakahaba ng araw na iyon. Inaya niya si Olivia para mag party bukas ng gabi.
Pagkauwi niya ginawa niya lang ang night routine niya at natulog na agad.
Nagising siya ng tanghali na dahil binawi niya lahat ng kulang na tulog niya. Sakto lang din naman dahil may night party sila sa club.
Tinawagan niya si Olivia para itanong kung saang club sila mamaya.
"Sis, saan tayo later? Magyaya tayo ng mga bar friends natin," sambit niya dito.
'Sa gold chain club na lang, ‘wag na tayo sa red club.'
"Bakit? Wala nang mambabastos doon sa akin!" Naikwento niya kasi ang nangyari sa kaniya roon.
‘I know... It's just because, he's back'
"Huh? Sinong bumalik?"
'Red... he's freaking back! Hindi ko man lang alam na siya ang owner noong red club.'
Umawang ang kaniyang labi dahil sa narinig.
Red Asher is Olivia's uncle... but not by blood. Inampon ito ng lolo niya, kaya naging tito niya ito.
Okay naman iyon pero, Olivia is attracted to her uncle! It's not simple attraction, olivia is falling or maybe she already fell.
"Oh my gosh, did you see him there? Ano ba kasing itsura niya?" Never niya pang nakita iyong uncle nito, ang alam niya lang nasa new zealand ito 10 years na at ngayon nakauwi na pala.
'Y-yeah, I saw him, he's a bartender in VIP floor, for sure nakita mo na siya noong araw na nauna ako para ihatid si Nina.'
Natigilan siya at napaisip.
Bartender?
Oh my gosh! ‘Yong may dimples na poging lalaki!
"’Yong may dimples? Macho? Fafaㅡ ay sorry!"
'Yes...'
"Okay! Sa GCC na lang tayo! I-party na lang natin ‘yang problema mo," excited na sabi niya para lang hindi maiba ang mood. Nararamdaman niya kasi na hindi ito okay.
Mahirap talaga ma-inlove! Kaya siya, hindi na siya mahuhulog pa. Masakit lang iyon tapos maii-stress pa siya.
Ngayon nga naii-stress na siya dahil mahirap ang sitwasyon ni Olivia. Sa documents, tito niya talaga ito.
Ang alam niya 5 years ang tanda ni Red dito kay Olivia.
Nagpaalam na siya rito dahil kikilos pa siya. Nag order muna siya ng kakainin dahil tinatamad siya mag luto at hindi naman niya naasikaso ang grocery.
Bukas niya na lang iyon gagawin.
Habang hinihintay ang order niya, chinat niya si Thunder sa i********:. Gusto niya kasi hingin ang number nito.
Yessh_a: Hi! Can I get your number?
Nag wink gif. pa siya rito. Nagulat naman siya nang ma-seen agad nito ang message niya.
Tapos may isa pang nag notif ulit. Sumilay ang ngiti sa labi niya ng sa wakas finollow na siya ni Thunder sa i********:.
Thndr09: I'll call you. I have your number.
Mag rereply sana siya ng may tumawag na sa number niya.
"How did you know my number? Stalker kita ‘no?"
'Ivy send your number to me.'
"Ah okay, supportive siya sa atin!” she laughed.
'They know your deal with me?'
"No, hindi pa. Papayag ka na ba? Or still no answer?"
'Still no answer.'
"Pabebe mo naman! I'm starting to take pills," kwento niya rito.
'If I agree with your deal, you will tell me why you don't want to have a serious relationship?'
"Yes. Pwede naman, friends naman tayo, with benefits nga lang," humalakhak siya rito. Pero totoo naman, sasabihin niya ang tungkol doon.
'Okay.'
"What, okay? Okay na payag ka naㅡ"
'I'll tell you my answer on december 24.'
"Okay! Nandito lang naman ako ng pasko sa bahay, I'm always alone," medyo lumungkot ang boses niya. Bigla niyang naalala ang kaniyang ina.
'I'll go there if my answer is yes. I need to end this call, bye.'
Nakarinig pa siya ng pagtawag dito ng kung sino. Nasa work pa ata ito, napatingin na lang siya sa cellphone niya dahil hindi na siya nakapagpaalam.
Sakto naman na dumating na ang order niya, kumain lang siya habang nanonood lang ng tv. Pagkatapos nag handa muna siya ng susuotin para mamaya. 9pm pa naman siya aalis, magdadala siya ng kotse para hindi siya mamroblema sa pag uwi.
Nang kinagabihan pagkatapos niya kumain, naligo siya agad at nag ayos ng sarili. Nag makeup siya at kinulot ang dulo ng kaniyang buhok. Wavy hair lang ang ginawa niya at nang matapos nag bihis na siya ng tube na white at mini skirt na red nag suot din siya ng white stiletto.
Nang nakahanda na siya, tinext niya si Olivia na on the way na siya. Sumakay siya sa sasakyan niya at pinaandar iyon. Gold Chain Club, high class bar na napuntahan na rin nila ng ilang beses.
Medyo may kalayuan nga lang sa kanila ni Olivia pero okay na, kaysa naman sa red club kami tapos ‘yong isa hindi mapakali.
Nang makarating siya at nai-park niya na ang sasakyan niya, hindi muna siya lumabas ng kotse at hinintay si Olivia. Nang makita niyang dumating ang kotse nito at nag park doon lagpas sa kaniya bumaba na siya at pinuntahan ito.
"Tinawagan mo ang mga bar friends natin?" salubong niya nang makababa ito sa sasakyan.
"Yup, they are already here." Tumango siya rito at kumapit sa kamay ng kaibigan. Pumasok sila sa loob ng club, maraming nagsasayawan at may nakita pa siyang nag me-make out sa gilid.
"Girls, here!" kumaway si Nina sa kanila, marami itong kasama, ‘yong iba familliar sa kaniya, nakalimutan niya lang ang mga pangalan.
Nakipag beso sila sa mga ito at pumunta sila sa couch at doon umupo. Nagsimula silang uminom at mag kwentuhan, kung ano-ano ang mga ginagawa nila at naglaro pa sila ng truth or dare. Talagang nagsaya sila sa gabing iyon.
Hanggang sa makaramdam na siya ng hilo. Mukhang tinamaan siya ng husto, nag paalam siya na mag babanyo lang. Pagkatapos niya mag banyo, pabalik na sana siya nang may mabangga siya.
"Oops, sorry," she apologized.
"It's fine baby— Yessha?!" napaangat ang kaniyang ulo, natigilan siya ng makita si Gino sa harapan niya, ito pala ang nabangga niya.
"Oh, hi!" she smiled.
"Wow, you like to party too?"
"Yes..." gumilid sila dahil may mga dumadaan, hinawakan pa siya nito sa siko nang muntikan siyang matapilok dahil nahihilo na siya talaga.
"Thanks."
"Mukhang kanina ka pa rito, lasing ka na," tumawa ito habang nakatingin sa kaniya.
"Ah, oo kanina pa kami. I'm with my friends," medyo dumistansya siya rito.
"Busy ka ba? ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Hindi na siya nakatanggi nang hawakan nito ang kamay niya at hatakin siya papunta roon sa couch. Nakita niya ang tatlong babae at tatlong lalaki rin.
"Guys, this is my friend, Yessha," ngumiti siya sa mga ito.
"Hi! chicks mo ba ‘to pare?" tanong no’ng isang lalaki na nakaakbay doon sa isang babae.
"Soon." Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba si Gino dahil tumatawa ito.
"Let's take a sit first, kahit saglit ka lang dito." Tumango na lang siya dahil gusto niya na rin umupo. Nahihilo nga siya, pero hindi naman malala, alam niya pa ang kaniyang ginagawa.
"Picture tayo!" sigaw no’ng isang lalaki na gray ang buhok. Nasa dulo siya ng couch at sa kabilang gilid niya ay si Gino. Naramdaman niya ang pag akbay nito sa kaniya nang nag picture sila.
Buti na lang kahit papaano nakangiti pa siya roon sa picture. Nakipag kwentuhan lang siya saglit at puro ang pinag-usapan nila tungkol sa modeling.
Mayamaya nag paalam na rin siya sa mga ito na babalik na siya sa couch nila dahil baka hanapin siya nila Olivia. Nakahinga siya ng maluwag dahil hinayaan na siya nito. Hindi siya komportable kay Gino dahil kay Thunder, naalala niya ang mga sinabi nito.
Pagkabalik niya sa couch tinanong agad siya ni Olivia kung saan siya galing.
"Diyaan lang, may nakita lang akong kakilala," paliwanag niya rito, hindi na siya uminom pa dahil mag da-drive pa siya. Hindi naman niya alam ang gagawin nang makitang lasing na lasing na si Olivia. Humiga na nga ito sa kabilang side ng sofa.
"Olivia! gising, paano ‘yong kotse mo?" inalog-alog niya ito. Napatigil naman siya nang may maramdaman na vibration galing sa sling bag nito. Kinuha niya ang phone at nakita niya na may tumatawag dito.
'Pula'
Pula? Red?
Agad niyang sinagot ito, no choice siya. Walang mag hahatid dito, kung isasabay niya naman ito, paano na lang ‘yong kotse.
‘Livi—'
"Omg, hi! I'm Yessha, her bestfriend, actually olivia passed out. Lasing na, can you go here sa GCC?"
‘What? okay, wait for me. Did she bring her car?’
"Yes!"
‘Okay, thanks.’
Tiningnan niya ang kaniyang kaibigan at inayos ang buhok nito.
"Sorry talaga, no choice! Eh ‘di sana sinabi mo na maglalasing ka ng bongga para prepared ako at hindi ko na dinala ang kotse ko para pag-uwi ako nag drive ng sayo ‘di ba?!" para siyang tanga na pinapagalitan ang tulog na kaibigan.
Pati si Nina at Andrea lasing na kaya sinundo na ng mga boyfriend ng mga ito. Wala siyang ganon at si Olivia naman mayroon kaso complicated.
Nakita niya si Red na palinga-linga, kumaway siya at mukhang nagulat nang makita siya. Lumapit naman ito agad at napatingin kay Olivia na tulog sa couch.
"You're her friend?" gulat na tanong nito, ngumiti na lang siya ng tipid at tumango.
Gosh! small world! pero medyo nahiya siya nang maalala niya na sinabihan niya ito ng gwapo.
"Thanks, can you drive home? or ihahatid na lang din—" mabilis siyang umiling.
"I can drive, okay na ako." Tumango ito at tinaggal ang jacket, sinuot nito ang sling bag ni olivia. binalot pa nito ng jacket ang bewang ng dalaga dahil naka skirt nga si Olivia.
She smiled, kita niya sa lalaki na seryoso ito kay Olivia, kung paano dahan-dahan at ingat na ingat itong hawakan ang kaibigan. Pero napakahirap lang talaga ng sitwasyon ng dalawa.
Lumabas sila ng club at hinatid niya hanggang sa kotse ang mga ito. Tinulungan niya pang ipasok sa loob ng kotse si Olivia.
"Thanks a lot, drive safe." Tumango siya at nagpaalam na rito. Siya naman dumeretso kung saan naka park ang kotse niya. Binuksan niya ang kotse at papasok na sana nang biglang may humawak sa balikat niya. muntikan na siyang mapasigaw nang mapagtanto kung sino iyon.
"Thunder?!" tinitigan niya ito, naka suot ito ng black cap at itim na jacket pati pants.
"I'll drive," inagaw nito ang susi sa kaniya, kaya wala siyang nagawa, umikot siya at umupo sa shotgun seat.
“Anong ginagawa mo rito? tumakbo ka ba? parang hingal na hingal ka riyan." Tinanggal nito ang sumbrero na suot kaya nakita niyang may pawis pa sa noo nito. Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang noo ng binata.
"I warned you about Gino, tapos ngayon sumama ka pa sa kaniya mag bar?!" galit na bulalas nito sa kaniya ng tinitigan siya.
"Huh? hindi ako sa kaniya sumama ‘no, anong pinag sasabi mo?" nagtatakang tanong niya rito.
"Gino posted a story, tagging you. Hindi mo ba nakita? with a caption of heart? just wow! dikit na dikit pa kayong dalawa. Gino has a lot of issue with girls, he just want to f**k then find another girl to f**k again!"
"Nakasalubong ko lang siya tapos nag picture lang kami, kasi pinakilala niya ako sa friends niya. Wala naman siyang ginawa—"
"Because that's his plan, ganiyan siya gumalaw!" nagulat siya dahil sa pagtaas ng boses nito.
"I'm sorry... iniiwasan ko naman siya eh," hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya napakalaki ng kaniyang kasalanan dito.
Hindi na ito nag salita, pinaandar na lang nito ang sasakyan hanggang sa maihatid siya nito sa bahay niya.